Chapter 40: Magnanakaw “Alam mo Martin narinig ko na ang pangalang Xavier. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Komento ni Myrna. Pinutol niya ang pagkukwento ng lalaki. “Baka naman sa tv lang o social media.” Saad ni Prances. “Madalang ang pangalan na ‘yan pero pamilyar.” “Hindi eh Ces. Parang narinig ko na talaga. Matagal na kaya hindi ko na matandaan.” Pilit niyang inisip kung saan at kung sino ang Xavier na kilala niya. Hindi siya maaaring magkamali meron eh. Ang kaso nga lang ay minsan o madalang niya lang maka-encounter kaya mabilis na nawaglit sa kanyang isipan. “Oh siya wag niyo na munang pansinin ‘yun. Sa ibang panahon ko nalang pag-iisipan kung sino ‘yung Xavier na kilala ko. Ituloy mo na ang kwento mo Martin. Anong mga pagnanakaw jobs ang nakuha mo kay Xavier at sa mga referr