Chapter 2: Kalandian

1135 Words
Itinabi ni Myrna ang sulat at kinuhanan nalang niya ng litrato at nag- document siya ng video ng mga patay na kuneho saka niya iyon tinapon. "Hindi ko na muna sasabihin kay Prances ang mga natanggap ko. Sa Biyernes ko nalang sasabihin sa kanya. Isang araw bago kami pumunta sa Wuhan. Mukhang may kinalaman sa mare- research namin sa lugar ang babalang ito. Mukhang may something talaga." Pagkausap niya sa kanyang sarili. Pinilit nalang talaga niyang makatulog kahit sobra siyang nahirapan. Kinabukasan ay bangag pa siyang ginising ni Prances. "Myrns. Gising na." Niyugyog na siya nito. "Wait lang naman Ces. Five minutes." "Five minutes? Nakailang five minutes ka na magmula kanina. Maga- alas dose na ng tanghali. Nasaan na yung maggagala tayo huh?" Bigla siyang napabangon nang marinig ang oras. "Ano ka mo? Maga- alas dose na?" "Oo. Nakapag- almusal na nga ako eh. Anong nangyari sayo kagabi? Hindi ka ba nakatulog? Puyat na puyat ka eh." "Ah eh. Oo. Nanibago ako. Namahay ako." Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito dahil ayaw niya pang sabihin ang tunay na nangyari kagabi sa kaibigan. "Alam ko may mga gabing nahihirapan kang matulog. Pero hindi ka namamahay. Napakarami na nating pinagsamahang travel at mission sa trabaho. Kung saan- saan na tayo napunta pero never kang namahay." Tila nagduda at nagtaka ito sa excuse niya. "Signs of aging? Alam mo naman hindi na tayo bumabata. Oh siya maliligo na ako mabilis lang. Para makapag- lunch na tayo at makagala." Dali- dali siyang bumangon at dumiretso sa banyo upang hindi na madugtungan pa ang mga tanong ni Prances at ang pagdududa nito. Baka makapagbigay pa siya ng kung anu- anong lame excuses. Sa lunch palang nila ay pasabog na. Kumain sila sa famous Opera Bombana. Hindi nagtitipid ang Pilipinas sa allowances nila. 2030 na. Ang pandemic response ng Pinas ay nag- improve na kumpara noong COVID- 19 era. "Cheers!" Sabay nilang nasambit bago uminom ng wine. Matapos kumain ay naglibot at one to sawa silang nag- picture sa Great Wall of China. Breathtaking talaga ang sight na ito. Ngunit marumi ang ibang bahagi. Medyo dugyot lang. Sumunod nilang pinuntahan ang Forbidden City. Doon na gumamit ng dating app si Myrna. "Huy anong ginagawa mo? Bakit parang nagsu- swipe ka dyan sa phone mo?" Puna at tanong nito sa kanya "Nag- install na kasi ako ng app. Dating app ba. Naghahanap na ako ng makaka- date mamayang gabi. Puro Intsik pero andami ring foreigner. Tingnan mo 'to ang sarap oh." Saka niya pinatingin ang larawan ng lalaking tila Italian sa screen ng kanyang phone. Naka- topless iyon at nakabuyangyang ang abs. "Ang landi mo Myrns. Sinaktuhan mo talagang nasa Forbidden City tayo no? Kaloka ka! So sino kaya ang i- meet mo mamaya?" "Andami ko nang naka- match. Hindi ko tuloy alam kung sino ang i- meet ko mamayang gabi." Napakamot pa siya ng ulo. "Gandaaaaaa! Ganda talaga ng friend ko! Ibaaaaaa! Kung pwedeng sabay- sabay mong i- date no?" Sarkastikong reaksyon nito. "Syempre isa lang. Gusto kong makipag- jerjeran para naman matanggal ang pagkatigang ko." "Ganon katuyot?" Ngumiti nalang siya. Saka siya nag- swipe pa ulit. Napatigil siya sa sumunod na lalaking lumitaw sa kanyang screen. Natigalgal siya. Mabilis na tumibok ang kanyang puso. "Oh? Bakit namutla ka?" Saka nito kinuha ang kanyang phone. "OH MY GOD! Si... si... siya ba 'to?" Kinuha niya ang kanyang phone. "Oo siya nga yan. Si Jonathan." Si Jonathan Perilla, ang ex ni Myrna tatlong taon na ang nakakaraan. Kasamahan din nila ito sa lab noon. Doon sila nagkagustuhan, nahulog ang loob sa isa't- isa at naging mag- boyfriend. They even got engaged. Akala nang lahat ay perfect na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Ngunit pinagpalit siya ng lalaki sa ambisyon. Jonathan got an offer to work as researcher and scientist sa isang laboratoryo sa Sydney, Australia. Sa araw mismo ng kanilang kasal ay hindi nagpakita ang lalaki. Lumipad ito pa- Australia nang walang paalam. "Ang gwapo niya ngayon ah. Hindi na siya payatot. Infairness ang hot niya. Ano isu- swipe right mo ba?" Panunukso ni Prances. "Gaga! Kung ikaw pinagpalit ni Ralph sa malanding babae. Itong si Jonathan pinagpalit ako sa ambisyon niya. Cheater din ito. Mas malala pa nga eh. Iniwan ako sa ere sa araw ng kasal namin. Kaya sabi ko sayo kagabi di ba? A man who cheats will always be a cheater. Walang epek sa akin ang pagiging hot niya. Kahit makamukha pa niya si Channing Tatum o si Piolo Pascual o si James Reid o si Park Seo Joon hindi ko na siya babalikan pa. Kahit s*x wala na akong pakialam sa kanya. Mamatay siya at maglaway dahil ang ganda ko na rin ngayon." "Grabe andaming sinabi. Nadamay lahat pa pati si Park Seo Joon. Nananahimik 'yung oppa eh. Kaloka ka!" "Tara na nga maggagabi na oh. Mag- dinner na tayo tapos mag- party imi- meet ko na 'yung ka- date ko." "Sino ang napili mong maka- date?" Tanong nito. "Si Lucho, yung Italian." "Si! Let's go!" Pagkakain ng hapunan ay dumiretso na sila isang sikat at malaking bar sa Beijing. Sa labas ay lumapit sa kanila ang isang matangkad na lalaki, maganda ang pangangatawan na Italian, si Lucho. "Good evening ladies." Pagbati nito. Saka hinalikan ang kanyang magkabilang pisngi. "Good evening Lucho. Here's my best friend, Prances." Saad ni Myrna. "Hi!" Kumaway lang si Prances. Mabango ang lalaki. Sobrang lakas ng s*x appeal nito sa personal. Mukhang mapapalaban siya sa kama mamaya. Pagpasok sa loob ng bar ay todo sayaw, hiyaw at inom silang magkaibigan. Though mas marami siyang inom kumpara kay Prances dahil babantayan pa siya nito. Plano nilang maghiwalay ng kwarto sa hotel para sa privacy nila ni Lucho. Pero nasa kabila pa rin ang kaibigan in case of emergency. "Whoooooh! Cheers!" Hiyaw nila. Matapos nilang mag- party ay dumiretso na sila sa pinakamalapit na hotel upang mag- check in. Inalalayan siya ni Lucho. "Huy Myrna Birog! Okay ka pa ba? Nasa wisyo ka pa ba? Wag mo akong kalimutang tawagan o i- chat kapag may kakaibang nangyari ah o kung kailangan mo ng tulong ko. Baka pagsamantalahan ka naman ng lalaking hilaw na yan." Bulong ni Prances dahil hindi naman sila naiintindihan ng lalaki. "Wag kang mag- alala ayos lang ako Ces. Kayang- kaya ko 'to. Kating- kati ako, remember? Mamaya lang kapag binayo na ako wala na ang alak sa katawan ko." Tugon niya. "Ay iba rin, oo nga ayos ka pa. Yang kalandian pa rin ang nasa isip mo eh. Oh siya dito na ako sa kabilang room." Saka nito hinarap si Lucho. "Hey you Italian Lucho! Don't you dare hurt my friend. Hurt her but with pleasure only! Okay?" "Si!" Tugon ng Italyano. Nang naghuhubad na si Myrna sa loob ng kanyang kwarto. "Kumusta ka na Jonathan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD