Chapter 50: WHO

2037 Words

“Kailangan pa ba talagang tingnan ang bahay namin pati ang mga halaman?” tanong ni Lao kay Myrna sa kundisyon hiningi naman niya rito. “Mabilis lang naman ‘yun hindi ba? Ang mahalaga ay masasama ka namin sa lab at makikita mo na ang asawa mo.” Tugon niya saka siya nagsimulang lumakad sa paligid. “Tara na. Samahan mo kami sa halamanan ninyo ng asawa mo.” Napansin niyang napailing at napapikit ito. “Tara.” Lumakad ito at sinundan nila. Sa likod bahay ay naroon ang mga halaman nitong halos hindi na makilala kung anong klaseng gulay dahil sa itim n amula baging hanggang sa mga dahon. Hiniram niya ang flashlight ni Martin. May napansin na naman siya. May pigtas ng dahon sa isa sa mga gumagapang na gulay na sa pakiwari niya’y kalabasa. Kung hindi rin siya nagkakamali ay talong ang nakatanim

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD