"Can you please tell me what's happening? Bakit hindi sila gumagalaw? Ano'ng ginawa mo sa kanila? A-ano ka? Is this a kind of magic? Am I hallucinating? Ganon na ba kalala ang sakit ko at kung anu-ano na ang nakikita ko?" sunud-sunod ang tanong ni Scotty kay Laiza, medyo inglesero ang lalaki dahil Fil-Am pero hindi na rin naman baluktot ang dila nito sa pagta-Tagalog. Hindi niya rin alam ang nangyayari. Kung bakit hindi ito tinatablan ng kanyang kapangyarihan. Ipapakalimot ko nalang sa kanya ang lahat ng ito mamaya. Hindi na ako magde-deny. "Oo magic ang lahat ng ito. Pinatigil ko ang oras. Pumunta ako rito sa backstage para tingnan ka. I'm not a fan. Yung friend ko, oo. Ayoko kasing masayang ang oras ko na nasasayang na sa tagal mong lumabas sa stage." pagtatapat niya. "Whoah! Magic? Re