There are so many question in my mind and it's already 6 months at hindi parin nasasagot ito nasasagot siguro nga nakatadhana na hindi lahat ng tanong ay may sagot. Siguro nga alam naman natin yung sagot pero sadyang ayaw lang natin tanggapin dahil umaasa tayo at nagbabakasakali sa tala na baka ang isang daang tanong ay masagot na.
Minsan nga may mga nakikilala tayong tao na akala natin ay para na sa'tin hindi pa pala.
Minsan din may makikilala tayong tao na pipiliin nalang natin maglakad papalayo sa isa't isa.
Minsan may mga tao na akala natin sa'tin na ending nalang kulang kaso naubos na ang tinta ng ballpen para isulat ang huling pahina ng kwento nya na akala mo ay katapusan na.
Hindi tulad sa fairytale ang buhay na lahat ay may prince charming at hindi lahat nauuwi sa happy ending.
Bakit kailangan pa na pagtagpuin kung hindi naman pala para sa atin?
Bakit nagpapakita ng motibo kung hindi mo naman ikaw ang gusto?
Bakit mo ako iniwan sa kawalan nung nakita mo na ang sayo'y nakalaan?
Lahat ng bagay sa una lang masaya?
Natulog lang naman tayo hindi ba? Bakit sa iyong pag dilat ay iba na ang iyong hanap?