Tirik na tirik ang araw at nasa mahabang pila ako ng aplikante. Tagaktak na ang aking pawis at halos mahulas na ang aking mumurahing make-up pero tila dadaigin pa yata ng pila ng rasyon ng pagkain sa aming lugar ang pila ng aplikante na nais makapasok sa kapitolyo.
"Oh my God, it so mahirap palang mag-apply, akala ko ay mas madali na kaysa mag-aral," usal ko habang nasa mahabang pila ng mga aplikante at panay ang paypay ko ng aking bio data.
"Oh my God, it so mahirap palang mag-apply," ulit ng babaeng nasa aking likuran. Awtomatikong napataas-kilay ako at tiningnan ito ng matalim, nakipagbulungan ito sa mga kasama saka sa 'kin na nginiwian ko naman dahil wala akong balak makipag-away sa katirikan ng araw.
Ngunit hindi tumigil ang babae kaya gusto ko tuloy patulan ang babae pero nagkibit-balikat na lamang ako. Mas kailangan ko ang trabaho sa ngayon kaysa sa makipagsagutan sa ganitong uri ng mga tao.
Nang dumating ang gobernador na siyang may programa sa job hunt na iyon, government clerk sa buong lalawigan.
Nang makita ang gobernador ay tila nagkagulo ang mga tao, maya-maya ay nakita kong nasa unahan na ang babaeng nasa likuran ko lamang. Alam ko pa naman kapag ganoong pagkakataon ay hindi ako nagpapatalo lalo na at ako ang nasa katwiran.
"Hep! Hep! Excuse you, why are you singit-singit sa linya, as you can see and look, nakapila kami," saad ko sa mga ito.
Muling nagbulungan ang mga ito.
"Engliserang frog, eh, hindi naman marunong. Miss, kanina pa rin kami rito, malay ko ba sa 'yo at 'di ka nausad," ani ng pinaka-lider at tumawa pa ang mga kasama nito.
"'Di baleng 'di ako marunong at least may manners, 'di nasingit sa linya," parunggit ko sa mga ito.
Maya-maya ay may lumapit sa kanila, sa hitsura nito ay mukhang body guard ng gobernador.
"Ano'ng kaguluhan ito, miss?" tanong sa babaeng nakainitan ko.
"Manong ito kasing babaeng 'to, ang arte-arte at pa-inglish-inglish pa, eh mali-mali naman. Nakakairita!" gigil nitong sumbong sa lalaki.
"A, excuse lang po, manong, wala po sanang problema kung hindi po sumingit si Miss magaling at buong tropa niya. Kahit i-ask you pa sa iba, sumingit sila sa pila. If 'di niyo knows, eh pare-pareho lang naman kaming mag-a-apply," sabad ko naman kay manong security guard.
"E, ikaw naman pala ang sumingit miss, mas mainam na bumalik na kayo sa pila ninyo," turan ng unipormadong lalaki saka umalis.
"What?!" angal pa nito sa sinabi ng security ni Gobernor.
Napabilat ako sa mga ito, wala kasi silang nagawa kundi ang bumalik sa dati nilang pila.
"Salamat, miss," pasimpleng saad ng babaeng nasa aking harap.
"You're much welcome, good luck at sana ay makuha ka at ako na rin," masiglang turan rito na kinangiti nito. "Great! Smile lang at makukuha tayo," pampa-good vibes ko pang dagdag turan sa babae.
"Merly nga pala," pakilala nito.
"I'm Lily Cruz, mark my name," aniya na umastang si Madam Lily Cruz sa napapanuod sa TV. "Atching lang iyon, Lily dela Cruz talaga ang pangalan ko," pagdidiin ko sa 'dela' ng aking apilyedo. Marami kasing nagsasabing nakikisakay ako sa kasikatan ni Maja Salvador as Lily Cruz, eh baka si Maja ang nakisakay sa pangalan ko.
"Masayahin kang tao, no?" ani Merly.
"Opcors! Hirap na nga ng buhay, eh magiging malungkot pa ako. Don't let your problem drag you. Let your problem, problem you. Ganern!" saad ko rito na mas lalo pang kinangiti nito.
Mabuti na lamang at natanggap ako sa job hunt na 'yon, akala ko talaga ay hindi na ako mapipili dahil strikto ang matandang natuka sa 'king mag-interview. 'Buti na lang din talaga at napasilip si gobernor na mukhang nabighani yata sa 'king karisma dahil biglang nag-iba ang trato ng matandang nag-i-interview sa 'kin matapos kausapin ito ng gobernador.
"Lily!" malakas na tawag ng superior kong si Miss Linda, ang matandang dalaga na hindi man lang yata naranasan ang tamis ng unang halik. Dahil kung magsalubong ang kilay ay daig pa ang San Juanico bridge at kung magsalita ay dadaigin ang mega phone ng buong campus sa lakas.
"Opo, Miss Linda, ano pong ipag-uutos niyo?" patakbong pasok sa loob ng opisina niya.
"Dalhin mo ang mga ito sa office ni gob, at may iuutos rin ito sa'yo?" anito.
"Opo," saad ko agad.
"Nabibingihan ka pa ba sa sinabi ko, ang lakas na noon, ah," sikmat nitong nagtaas ng kilay nito. "Sabi ko dalhin mo ang—"
"Narinig ko po, Miss Linda pero hindi ko po mabubuhat lahat ito?" agap kong saad.
"Use your common sense," anito na tila galit na naman, nagtatanong lang naman siya.
"Common sense?" agad kong ulit dito.
"My Godness, yes your—com—mon—sense. 'Di buhatin mo paunti-unti, sabi ko bang buhatin mo na lahat ngayon!" gigil nitong turan.
Napatawa ako sa katangahan ko.
"Oo nga po, sabi ko na nga ba, mabubuhat ko ito ng little by little. Okay, Miss Linda, I can do this," saad ko saka masiglang binuhat ang limang cartoon na puno ng papeles.
Tatlong beses na akong pabalik-balik at napagod na ako dahil sa layo ng office ng gobernador. Nainis na ako kaya pinagpatong ko na ang huling dalawang box. Bahagyang natakpan ang maganda kong face pero carry lang dahil mapapabilis akong matapos. Nasa pasilyo na ako malapit sa opisina ng gobernador nang biglang may bumangga sa akin at natapon ang lahat ng laman na papeles ang isang box na nakapatong sa hawak ko.
"I'm sorry, Miss," ani ng baritonong tinig.
Nainis ako bahagya dahil panibagong trabaho na naman 'yon. Mabilis kong binaba ang box na hawak ko at nagpamaywang.
"Hoy—you—" putol na angil ko sana nang makita ang guwapong mukha nito.
"Let me help you," ani ng lalaki.
'Sh*t, pati boses ang guwapo,' anang aking isipan.
"Miss, are you alright?" dinig ko na tanong pa ng lalaki.
'My God, Lord, bakit niyo naman ako sinorpresa ng ganito, guwapo na mukhang stateside pa,' muli kong turan sa isipan.
"Miss," untag muli ng lalaki sa 'kin.
"Dapat lang!" bulong ko sa sarili.
Habang sinasamsam namin ang nagkalat na papel ay nagkaroon ako ng pagkakataong sipatin ang guwapong mukha ng lalaki, medyo nahihiya pa ako dahil halatang foreigner ito.
"No, it's okay, sir. I-I can handle this, sorry," ani ko sa pagkapahiya na halos mautal-utal pa magmukhang slang lang ang aking inglish. Mukhang bisita pa yata ito ng gobernador.
"No, it's okay, I can help you," giit nito saka nagtangkang tulungan ako sa pamumulot ng mga papeles na nagkalat.
"No, not okay. It's my job, you are guest here," nahihirapang ituwid ang dila ko sa kaka-inglish dito. Nakitang napatitig ito sa akin kaya bahagya akong nahiya lalo pa at kulay abo ang kulay ng mata nito. Hindi lang yata panty ko ang malalaglag dito kundi pati bra ko, ang guwapo ng lalaking nakatitig sa 'kin.
Binilisan ko na lamang ang pagsamsam at paglagay ng mga nagkalat na papel sa kahon.
"Here," anito sa hawak na papeles. "Let me help you," dagdag pa nito sa 'kin saka walang sabi-sabing binuhat ang isang kahon. Wala tuloy akong nagawa kundi ang sumunod ritong papasok sa opisina ng gobernador.
"Thank you so much, sir, I really appreciate your time and effort. I owe you a lot," saad ko na hindi ko na alam pa kung tama ba ang grammar ko. Hirap pala magkipag-usap sa foreigner, nakakadugo ng ilong.
"It's okay," anito.
"No, it's not okay. I mean, it's okay but not—" putol kong wika saka napakamot na lamang sa ulo dahil maging ako ay naguluhan na rin sa aking pinagsasasabi.
"Akala ko ba umalis ka na?" maya-maya ay tinig ni gob.
"Hindi pa, papa, nabangga ko kasi siya kaya tinulungan ko muna," tuwid na tagalog nito.
"Nagtatagalog ka?" gilalas kong tanong sa lalaking napagkamalan kong foreigner. Halos dumugo ang ilong ko at magkautal-utal ang dila ko sa kakainglish tapos nagtatagalog pala ito, natampal ko na lamang ang aking noo.
Nakita ko pang natatawa ito sa reaksyon ko.
"Oo naman," mabilis nitong sagot.
Pinahid ko muna ang butil ng pawis sa aking noo.
"Halos dumugo na ang ilong ko sa kaka-inglish, eh, nagtatagalog ka naman pala!" may inis na wika ko rito.
Maging si gobernor ay natawa sa reaksyon ko.
"Lily, siya ang aking bunsong anak na si Blake," pakilala ni ni gob sa 'kin. Doon ko lang naisip na British national nga pala ang asawa ng gobernador kaya pala mukhang foreigner ang anak nito.
"Hi po, Sir Blake, Lily po," pakilala ko sabay lahad ng aking palad.
Kinuha naman iyon ng lalaki at naramdaman ko ang pagpisil nito sa aking palad.
"Lily," tawag ng gobernador sa 'kin.
"Lily!" nilakasan pa nito, doon ay nagising ako. Natulala pala ako. Wala na si Sir Blake pero nasa hangin pa rin ang palad kong pinisil nito.
"Yes po, gob," agad kong sagot sa pagkapahiya.
"Dalhin mo ang papeles na ito sa accounting staff, pirmado ko na ito para sa payroll," utos nito sa 'kin na agad ko namang kinatalima.
Ngumiti ako kay gob.
"Sige po, gob, ako na pong bahala," sagot saka mabilis na umalis.
Paglabas ko ng opisina ng gobernador ay nabigla ako nang biglang may humila sa akin, si Sir Blake.
"Sir!" gilalas ko rito sa aking gulat.
Ngumiti lang ito ng napakatamis dahilan upang halos malaglag ang panty ko este ang puso ko.
"Call me, Blake," anito habang hawak pa rin ang aking baywang. Langhap na langhap ko tuloy ang mabango nitong pabango at hininga.
"Okay Blake, baka pwede mo na akong bitawan," naasiwang utos ko rito.
"Paano kung ayaw ko?" pilyong turan nito.
"Suntok baka gusto mo?" bulalas ko sabay pakita ng aking kamao, dahilan upang matawa si Blake.
"I like you," tahasang saad nito sa 'kin na nagpakiliti sa aking kaibuturan. Mukhang may pagka-bad boy ito sa ginawa niya sa 'king paghila basta-basta pero mukhang gusto ko ang bagay na 'yon.
"Sorry, 'di ko type ang hilaw na foreigner!" natatawa kong saad dito.