I love My Sister Fiance

I love My Sister Fiance

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
age gap
opposites attract
heir/heiress
drama
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

Ipinagkasundo ang kaniyang Ate Rebecca sa lalakeng matagal na niyang pinapangarap..Una pa lamang niya itong nakita ay minahal na niya si Hunter ang kaso nga lang ay hindi naman siya pinapansin ng lalake at palagi na lamang itong galit sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Kabanata-1 (Margaux)
Nakapangalumbaba si Margaux habang pinagmamasdan ang bisita ng kaniya Papa...nasa may malapit sa pool nag-uusap ang mga ito at abot tanaw naman niya iyun mula sa terasa ng kaniyang silid.. Napakagwapo nito sa suot na suit na kulay abuhin na bumagay sa mala-adonis nitong katawan..Medyo alun-alon ang buhok nito na bumagay naman sa hugis ng prominente nitong mukha..May matangos na ilong,mamula-mula nitong mga labi,at mga matang tila palaging nag-aarok kung tumingin.. Hays!ang gwapo naman...hindi nakakasawang pagmasdan ang napakgawapo nitong mukha..iyun nga lamang hindi pa man lang niya ito nakitang ngumiti sa ilang oras na kausap nito ang kaniyang papa..napakaseryoso ng mukha nito.. May asawa na kaya ito?sana naman wala pa..tanging naibulong ng dalaga..Sa hitsura kasi nito ay hindi nalalayo ang edad sa kaniyang Ate Rebecca..maybe it's thirty two or thirty five years old na ito..hmmm...siguro naman wala pa,kasi nga ang kaniyang Ate kahit boyfriend ay wala pa.. Napasulyap ito sa kaniyang dako..nagtama ang kanilang mga mata...bigla ang sikdo ng kaniyang dibdib..iyung hindi niya mawari kung ano,basta bigla na lamang ay lumakas ang tahip ng kaniyang dibdib..may kung anong ibinulong iyun...bakit ganun?bakit ganun na lamang ang kaniyang naramdaman ng magtama ang kanilang mga mata...bakit pakiramdam niya ay may kung anong nagrambulan sa loob ng kaniyang puso,yung kakaibang t***k na hindi niya kayang ipaliwanag ng mga sandaling iyun....at bago nito bawiin ang tingin ay ubod ng tamis na ngitian niya ang lalake sabay kaway.."hi!"bumuka ang kaniyang bibig kahit alam niyang hindi naman siya nito maririnig. Umangat ang isang sulok ng bibig nito sabay bawi ng tingin.. Hmmmp..napalabi si Margaux..ang suplado naman!.. Ngunit hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang puwesto hinintay pa rin kasi niya na lumingon ang lalake..kaso nga lang ay hindi na ito muli pa lumingon sa kaniyang kinaroroonan hanggang sa nakita na niya itong tumayo mula sa kinauupuan at kinamayan ang kaniyanh ama..lumingon ka!lumingon ka .piping dasal ni Margaux ngunit dirediretso lamang itong lumakad papalayo. Hays!napabuntong-hininga na tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo at pumasok na sa kaniyang silid.. Pabagsak na nahiga siya sa kaniyang kama at tumitig sa kisame...napapilig siya ng ulo dahil mukha ng lalake ang lumitaw sa kisame...Oh s**t!bakit ba ganun?ngayon lang naman niya ito nakita..hindi nga niya ito kilala eh!pero bakit hindi na mawala sa kaniyang isip...hindi kaya na love at first sight siya..Oh no!hindi naman niya kilala iyun,malay ba niya kung may asawa or girlfriend na ito..Erase!erase!..ngayon mo lang siya nakita,at nagwapuhan ka lang sa kaniya,kaya ganun nalang ang impact nito sa kaniya,hindi siya maaaring ma-first love sa lalake dahil imposible iyun..kanina lamang niya ito namataan... Napabuntong-hininga siya at pilit na nilibang ang sarili,upang maitakwil sa isipan ang lalake.. Tumunog bigla ang kaniyang cellphone,kaagad na hinagilap iyun,Ang kaniyang kaibigan na si Maribel ang tumatawag. "Hello!" " Besh,may kailangan sana ako sayo eh!hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa..." "What is it?"tanong niya kahit na alam naman niya kung ano na agad ang maaari nitong hingin na tulong mula sa kaniya.. it's either na kailangan nito ng pera o may hihingin na naman itong pabor mula sa kaniyang Papa at siya ang gagamitin...palaging iyun lang naman ang kailangan nito.. Simula kolehiyo hanggang magtapos sila ay hindi na naghiwalay ang landas nila ni Maribel at nanatili pa rin silang magkaibigan.. Simple lang ang pamumuhay ng kaniyang kaibigan pero hindi naging hadlang iyun para hindi sila maging magkaibigan kahit pa nga magkaiba ang estado nila sa buhay. Ang ama nito ay isang jeepney driver lamang at ang ina naman nito ay isang labandera at simpleng namumuhay sa probinsya na,lumuwas lamang ng Manila ang kaniyang kaibigan ng matanggap itong scholar sa school ng St.Martin Academy. Unang pasok nito noon sa St.Martin Academy ay nahihiya pa ito at bahagya lamang ito kung makipag-usap,hindi nakikihalubilo sa karamihan dahil ilang na ilang ito lalo na at anak mayayaman ang kanilang mga kaeskwela,tanging siya lamang ang pumansin kay Maribel..dahil naawa naman siya sa babae at walang kaibigan .kaya siya na mismo ang nakipagkaibigan rito at nagkapalagayang loob naman silang dalawa...magmula noon ay naging close na sila sa isa't isa...Pinipilit pa nga niya ito noong una nasa kanilang bahay na lamang ito tumira ngunit ayaw naman nito .kaya naman daw nito ang sarili kahit pa nagseself supporting ito upang makatulong sa mga magulang sa gastusin.. Hindi naman siya naging maramot kay Maribel at naging bukas ang kaniyang palad sa pagbigay dito ng tulong lalo na at mabuti naman itong kaibigan sa kaniya at malaki rin naman ang naitutulong sa kaniya ni Maribel. "Hey!nandiyan ka pa ba?"untag nito. "yes!,ano ba kailangan mo?" "Kailangan ko kasi ng pera,nakakahiya man pero ikaw lang naman ang malalapitan ko..." "Okay!" "Medyo may kalakihan sana hihiramen ko,iyung pampasadang jeepney kasi ni Tatay ay ibenibenta na ng may-ari...ba...balak ko sana na bilhin iyun para kay Tatay." "Ganun ba?sige,mag-usap tayo bukas...punta ako diyan." "Okay!Salamat,pasensya kana,huh!" "Okay lang,paano pa naging magkaibigan tayo kung hindi magtutulungan,alam mo naman ako always by your side." "Salamat!paano ibaba ko na ang phone ko at baka maabutan ako ni Boss,tiyak na masasabon ako nun." Hays!ng makapagtapos sila ng College ay agad na naghanap ng trabaho si Maribel upang makatulong na ng tuluyan sa kaniyang mga magulang dahil may tatlo pa itong kapatid na nag-aaral kaya kailangan talaga nito ng trabaho..Kaya lamang ang unang trabaho nitong nakuha ay manyakis naman ang naging amo kaya kinausap niya ito naSa kompanya na lamang nila mag-apply,saka inirekomenda na rin naman niya ito sa kaniyang ama..dahil alam niyang hindi naman siya mapapahiya kay Maribel..kaya kahit hindi na ito dumaan pa sa interview at screening ay alam niyang kayang-kaya ng kaniyang kaibigan,malaki ang tiwala niya dito. Siya lang naman talaga itong wala pa balak na magtrabaho,gusto na muna niyang enjoyin ang kaniyang life..yung walang iniisip na trabaho .kapag nagsimula na kasi siya magtrabaho sa kumpanya, tiyak na nandiyan na yung stress,busy sa mga paper works....and I hate that!Saka hindi pa naman siya inoobliga ng kaniyang ama na magtrabaho.So,sasamantalahin na muna niya ang pagkakataon na wala pa siyang masyadong responsibility and obligations na nakaatang sa kaniya.. Masarap pa sa ngayon ang mag-enjoy kaysa ang magtrabaho.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
108.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
310.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
12.7K
bc

I'M HIS SEX SLAVE

read
5.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
83.6K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
48.8K
bc

The Real About My Husband

read
32.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook