bc

His Secret Obsession

book_age18+
86
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
blue collar
drama
like
intro-logo
Blurb

"You only belong to me, Odette. Ngunit hindi ako nagmamadali. I am willing to wait until you are ready to accept me wholeheartedly. Maghihintay ako hanggang sa matutunan mo na akong mahalin at kapag nangyari iyon, hindi na kita pakakawalan pa."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
(Odette’s POV) “WOAH! Igiling mo pa!” malakas na sigaw ng mga kalalakihan sa loob ng club na pinagtatrabahuhan ko. Parang nababaliw na ang mga ito sa bawat indayog ng balakang ko. “Pwede bang i-take home kita?!” Narinig kong sigaw ng isang lalaki na malapit sa entabladong pinagsasayawan ko. Kinindatan niya ako kasabay ng mariing pagkagat sa ibabang labi. Isang malanding ngiti naman ang itinugon ko kasunod ng paggawad niya ng isang flying kiss. Tila kinilig naman ang lalaki. “Ang sarap naman ng flying kiss mo!” Hinaplos-haplos pa nito ang labi. “Akin ka na lang, please!” dagdag pa nito. Lalo ko pang pinalambot ang katawan sa bawat giling at indayog. Kulang na lang yata ay lumuwa ang mga mata ng mga lalaking titig na titig sa katawan kong hinulma na parang hourglass. Ilang buwan ko ng ginagawa iyon at unti-unti na rin akong nasasanay sa ganoong uri ng trabaho. Noong una ay halos isumpa ko ang aking sarili dahil alam kong hindi iyon isang magandang trabaho at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na gawin iyon sa buong buhay ko. Wala iyon sa aking bokabularyo subalit kailangan kong gawin para sa pamilya ko. Marami akong pangarap at gagawin kong stepping stone ang pagsasayaw sa loob ng club upang makamit ang mga plano ko. Lilisanin ko rin ang lugar na ito. Iyon ang pangako ko sa sarili ko. Hindi magtatagal ay makakahanap din ako ng solusyon sa lahat ng mga problema ko. Ang tanging nagpapalakas lamang ng loob ko ay ang isipin na sa akin umaasa ang pamilya ko. Sila ang mahal kong pamilya, ang mommy, lolo at lola ko. “Remove your mask!” anang isang lalaki na halos hawakan na ang aking katawan sa haba ng kamay nito. Hindi ko maaaring tanggalin ang mask na suot ko. Iyon na lang ang nagsisilbing shield ko sa aking sarili. Kaya kong magsayaw ng nakasuot lang ng bra at panty ngunit hindi ko kailanman tatanggalin ang suot kong mask. Hindi ko na lang pinansin ang mga lalaking tila hayok na hayok na nakatitig sa akin. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagsayaw ng walang humpay. Wala na akong pakialam kung ano man ang nararamdaman ng mga ito dahil nakatuon ang pansin ko sa aking trabaho. Hindi pa naman ako ganoon ka-desperadang babae na sundin ang ano mang nais ng mga ito. Mabuti na lang talaga at pumayag ang boss ko na hindi ako maaaring i-table o i-take home ng mga customer na lalaki. Bigla akong napatingin sa isang lalaki na nakaupo hindi kalayuan sa entablado. Pakiramdam ko naiiba siya sa lahat. Hindi ko kakakitaan ng hindi magandang intensiyon ang pares ng mga mata niya. Tila nakatitig lamang siya sa akin ng walang ano mang emosyon. Kusang tumaas ang dalawang kilay ko saka napangiti. Wala sa sariling humawak ako sa pole saka marahang iginalaw ang katawan sa saliw ng isang malamyos na musika. Sinigurado kong hindi mawawala ang tingin nito sa akin at ganoon din naman ako. I couldn’t take my eyes on him. Tila hinihigop niya ako kahit na may kalayuan kami sa isa’t isa. Tinodo ko ang paggiling hanggang sa matapos ang musikang pumapailanlang. Napabuga ako ng hangin nang makabalik sa dressing room. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag matapos kong magsayaw sa harapan ng napakaraming kalalakihan. Sinadya kong hindi tanggalin ang suot na mask upang makaiwas na rin sa ano mang koneksiyon sa mga lalaking kulang na lang yata ay kainin ako ng buo. Pera lang ang kailangan ko kaya ako nagtatrabaho bilang dancer sa club. Nag-aaral ako sa umaga at sumasayaw naman sa gabi. Wala akong hindi gagawin para sa aking pamilya. “Odette!” Kahit hindi ko lingunin ang pinagmulan ng boses ay alam ko kung sino iyon. Si Madam Perla na siyang may-ari ng club at boss ko. “Napakabongga mo talaga, iha!” Mabilis itong umupo sa tabi ko. “Ang daming customer ang nais kang i-take out!” “Madam, alam ninyo naman po na hindi ako pwede sa ganoon,” matabang kong sagot habang tinatanggal ang maskara sa mukha. “Alam ko naman iyon. Kaya lalo silang nanggigigil sa iyo eh. Alam mo ba na ‘yong isa sa kanila ay handang magbayad ng one hundred thousand para makasama ka lang?” One hundred thousand. Malaking pera na rin at tiyak na makakatulong sa pagpapagamot ni lolo. Marahan akong tinapik ng ginang sa balikat. “Nagbago na ba ang desisyon mo?” Tinapunan ko ito ng tingin saka ipinagpatuloy ang paglilinis ng mukha. “Kikitain ko naman ang ganoong halaga, Madam. Mapag-iipunan ko rin iyon ng hindi sumasama sa kahit na sinong lalaki,” ani ko. “Madam, gusto ko pa rin na – “ “Gusto mong ibigay ang p********e mo sa lalaking mahal mo. Kaya nga ako bilib na bilib sa iyo eh. Bihira ang mga nagtatrabaho rito na tumatanggi sa malaking pera kapalit na pagsama sa customer. Talaga ngang naiiba ka sa lahat, Odette.” Nahimigan ko ang pagmamalaki sa boses ni boss. Noong una pa lang kasi ay nilinaw ko ang terms o kondisyon ko nang alukin niya akong magtrabaho. Maswerte na rin akong maituturing dahil nirespeto nito ang nais ko. “Salamat sa iyong papuri, Madam. Hindi rin naman ako magtatagal sa trabahong ito sa oras na makahanap na ako ng ibang paraan sa problema ko. At tunay kong tatanawin na isang utang na loob ang ginawa ninyong pagtulong sa akin.” Hinawakan ko ang isang kamay nito. “Madam, salamat po talaga.” Nakangiting pinisil nito ang kamay ko. “Ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Odette. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi darami ang mga customer na pumupunta rito gabi-gabi. Hindi ako kikita ng malaki kung hindi dahil sa iyo kaya nga nalulungkot ako agad sa isiping iiwan mo na ang club.” Napangiti ako na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Madam, matagal pa naman yata mangyari iyon. Malaki pa ang kailangan kong ipunin eh.” “Naku, gusto ko iyan dahil makakasama pa kita. Gusto ko rin sabihin sa iyon na ipinagmamalaki ka at kung sino ang lalaking magmamahal sa iyo ay tiyak na parang tumama sa lotto. Hindi lang milyon ang halaga mo, priceless ka.” “Thanks, Madam.” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Salamat sa pang-unawa ninyo sa akin.” “Hay naku! Ikaw talaga ang hilig mo akong paiyakin! Nakakainis ka!” Tinampal-tampal niya ako sa balikat. “Iyakin ka naman kasi talaga, Madam!” “Naku, ikaw talaga! Ang lakas mo talaga sa akin. Sige na, ayusin mo na ang sarili mo para makauwi ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas sa university.” “Okay, Madam,” nakangiti kong sagot. “Alam mo na kung saan ka dadaan ha?” Tumayo na si Madam Perla saka inabot ang isang sobre. “Ito na ang sahod mo ngayon. Malakas ka sa akin eh.” “Thank you talaga, Madam!” Muli ko siyang niyakap. “Huwag kang mag-alala, alam ko po ang daan palabas.” Kinindatan ko pa ito. Nagmadali na ‘kong ayusin ang mga gamit ko. Excited na akong umuwi ng bahay dahil may pera na naman akong maibibigay kay mommy pandagdag sa gastusin namin sa araw-araw. May pambili na rin ng gamot si lolo. Nang mailagay ko ang ilang mga personal na gamit sa bag ay dali-dali kong sinuot ang rubber shoes. Dadaan muna ako ng supermarket at bibilhan ng pasalubong. Ilang sandali pa ay nakalabas na ako ng club. Kaming dalawa lang ni Madam Perla ang nakakaalam ng lihim na daanan palabas ng club upang wala ni isa mang tao ang makakita sa akin. Mainam na ang mag-ingat para makaiwas sa mga lalaking nagnanais na makilala ako. Bigla akong napayuko upang ayusin ang sintas ng sapatos ko. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko pala nahigpitan ang pagkakatali. Excited kasing umuwi. Natawa ako sa tinuran ng isip ko. Sa tuwing sasahod kasi ako ay masaya akong uuwi ng bahay. “Ayos na. Makakauwi na rin ako.” Nagulat ako nang makitang may ilang lalaki sa harapan ko. Teka, bakit nakatingin silang lahat sa akin? “Ah… sorry! Pasensiya na kung nasa daanan ako.” Pumuwesto ako sa tabi upang makadaan ang dalawang lalaki. “Miss, galing ka ba sa loob ng club?” tanong ng isang lalaki. Katabi nito ang isang matangkad at may mapanuring mga mata. Kung hindi siya nagkakamali ay bodyguards naman ang ibang lalaki na kasama ng mga ito. “H-ha? Ba-bakit ninyo natanong?” nauutal kong sabi. “S-sa banda riyan lang ako galing.” Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. “Sige, maiwan ko na kayo.” Nagmadali akong humakbang nang nakatungo. Hindi ko nais pang makita ang hitsura ng mga mukha nito. “Miss! Miss!” Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Dire-diretso ako sa pagpara ng taxi na paparating. Nagbingi-bingihan ako sa paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko. Nakahinga lang ako ng maayos nang umandar na ang taxi. Kakaibang kaba ang bumangon sa dibdib ko. Parang pamilyar sa akin lalaki. Saan ko nga ba siya nakita? “Saan po tayo, Miss?” tanong ng driver. “Sa malapit po na supermarket. May kailangan po kasi akong bilhin.” Tumango lang ang driver saka itinuon na ang pansin sa pagmamaneho. Bakit ba ako kinabahan kanina? Hindi ko naman kilala ang mga lalaking iyon. Saka bakit nila ako tinatanong kung galing ako sa loob ng club? Nahulog ako sa malalim na pag-iisip sa huli ay napailing-iling na lang ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook