Chapter- 3
Nasa Sofa na sina Donya Beth ngayon at si Elly while waiting Luke to come down at nakarinig na sila ng mga yapak ng mga paa na bumaba ng hagdan.
"He is here na hija," sabi ng Donya sa dalaga.
Humakbang ang binata palapit sa kanila at umopo ito ng naka- de -kwatro habang isinasablay nito ang isang kamay nito sa sofa. Luke is behaving like a bad guy pero ang totoo ay isa itong mabait at mapagmahal na anak.
"Mom, alam ko na kung ano ang sasabihin mo. Elly will be my new alalay diba? S'ya ang kinuha mo upang sumama sa akin sa Canada. For the reason na gusto mong may magbantay sa akin doon at hindi na ako maka-pambabae, right?" may kapilyuhan nitong tanong.
"Good, matalino! That's what I'm expecting sa taong susunod sa yapak ng ama mo. You are right. Si Elly ang magiging alalay mo. S'ya ang maghahanda ng damit mo, pagkain mo at lahat ng kailangan mo kapag malayo ka sa amin. Kapag s'ya ang kasama mo, I'm way too confident that you will stop f*cking girls for your one night stand pleasure. Mahirap na anak, baka maka-buntis ka pa ng kung sino-sinong babae. Nag aalala ako para sa kinabukasan mo at ng kumpanya," Anito sabay inilipat ang tingin sa dalaga.
"Elly, you will be my eyes sa bawa kilos ng anak ko. Kapag may kakaiba kang napapansin tungkol sa kanya, specially kung tungkol sa babae ay sabihin mo agad sa akin, maliwanag ba?" Paninigurado ng donya sa dalaga.
"Opo, madam," Sagot n'ya.
"Kasi talaga, Elly. Sakit sa ulo ang anak ko. Iwan mo ba, noong bata pa iyan ay sobrang bait n'ya. Ayaw nga pumatay ni langaw pero he changed a lot. Sobrang babaero na ni Luke. Kaya Ikaw ang kinuha ko kasi alam kong hindi ka n'ya katataluhin, dahil mo ba? Ang secretary n'ya noon ay pinatangal ko dahil she's f*cking with Luke. Hindi ako galit sa babaeng iyon, I just wanted to save her from my son," na-i-istress na sambit ng Donya sa dalaga na tila ba ay nagsusumbong ito. "He look at you Elly as his younger sister dahil matagal naman kayong nagkakilala kaya kumpyansa ako na ligtas ang kinabukasan ng anak ko kapag Ikaw ang kasama n'ya." Dugtong nito..
"Opo Donya Beth," sagot n'ya.
"Mom, sinisiraan mo naman ako kay Elly eh," reklamo ng binata at tinapunan s'ya ng isang masamang tingin ng Ina.
"Manahimk ka, Luke!" saway nito sa anak at pilyong ngumiti lang ang binata.
Ginagap ng Donya ang kamay n'ya at muli itong nagsalita.
"Tandaan mo ito, Elly. Si Luke ang pagsisilbihan mo ngunit ako ang amo mo. S'ya ang aaalagaan mo pero nasa akin ang katapatan mo, maliwanag ba? Kasi Wala talaga akong tiwala sa anak ko lalo na't pagdating sa babae," wika ng donya at bakas sa mata ni ang konsumisyon dahil sa lalaking anak.
"Maliwanag po," sagot ng dalaga.
Hindi tunay na anak ni Donya Beth si Luke pero mahal na mahal n'ya ang binata. Itinuring n'ya itong isang tunay n'yang anak na nagmula sa dugo at laman n'ya.
Lahat ng pagmamahal ng isang Ina ay ibinigay n'ya rito.
"Elly, Mom Beth or mama. Ganyan itawag mo sa akin, you are also my daughter. Hindi ka na nalalayo sa puso ko kaya I prefer na tawagin mo akong mom or mama," anito sa kanya at ngumiti naman ang dalaga at nagpa-salamat.
"Mama, bakit kailangan pa ni Elly na mag sabi sa iyo ng lahat ng mga kinikilos ko especially about girls? I'm a good person mama, and I'm not cheating to may fiancee," sabi pa nito sa kanyang ina-inahan.
"Fiancee!?" bulalas ni Ely at sabay namang natapatingin sa kanya sina Donya Beth at Luke. Nagpalit -lipat naman ang mga mata ng dalaga sa dalawa at nag iisip ng dapat n'yang sabihin.
Huminga s'ya ng malalim bago nagsalita ulit.
"I mean, may fiancee ka na pala. Nagulat lang ako, noon kasi ay hindi kita nakikitang nanliligaw sa mga babae," palusot n'ya.
"Well, I don't need to do an action para manligaw Elly, ngayon kasi ay sila ang nanliligaw sa akin," proud pa nitong sagot habang naka-ukit ang pilyong mga ngiti nito sa labi. He smiles like a very good playboy.
"Heh! Magtigil ka nga Luke, kala mo naman kung gaano ka na ka-pogi!" saway ng Ina.
"But I'm mom," sagot naman nito at isang masamang titig ang i-pinukol ng Donya sa binata kaya tumahimik na rin ito.
"Ah basta Luke ha, I assigned Elly to take care of you at sana ay ganun ka din sa kanya. Treat Elly as your younger sister," sabi pa ng Donya na ikinalulungkot ng puso ng dalaga. Naisip n'ya kasi na ang pamilya Salvador ay iniisip s'ya ng mga ito bilang isang pamilya and here she is now. Dreaming to bring a Salvador last name.
Sa gitna ng pag uusap nilang tatlo ay naka-tanggap ang binata ng isang mensahe galing kay Mara Salvador.
Message:
"Luke, I miss you so much! I'm so excited to see you again! Please meet me at the mall,"
"Mara is here? She's back in Thailand?" excited na wika pa ng isipan ng lalaki sabay tayo mula sa kinauupuan nito.
"Mom, I have to go!" nagmamadaling sabi pa ni Luke sa kanyang ina.
"Luke! Mag impake na kayo! Saan ka na naman pupunta!?" pahabol sigaw pa ng donya sa kanyang anak.
"Mom, I be back quick!" masayang sabi ni Luke sa kanyang ina at kumaripas na ng takbo pasakay ng kotse at masaya itong umalis.
Luke is so excited to see her sister again Mara Salvador. Mara is her non biological sister, anak kasi ni Donya Beth si Mara sa unang asawa nito, habang s'ya naman ay isang adopted child ni Don Greg Salvador. While growing up ay umiibig s'ya sa kanyang kapatid, that's why he never courted any other girls before because his heart is belong to Mara Salvador kahit na alam n'ya sa sarili n'ya na may nagmamay-ari na ng puso nito at walang iba kundi ang asawa nito ngayon na si Dominic Montefalco. Kayang-kaya sana n'yang angkinin ang babae dahil sa kagustuhan ng kanilang ama na pakasalan n'ya ang kanyang kapatid dahil sa kanilang yaman upang ma- sigurado nila na ang yaman nila ay hindi masasawsawan ng ibang tao. Subalit inayawan ni Luke ang kagustuhan ng kanyang ama. Yes he love Mara pero hindi n'ya nais na makuha ito sa ganoong paraan, he don't want her sister to live unhappy life. Mas pipiliin nalang n'yang maging kapatid n'ya ito habang buhay kaysa sa kamuhian s'ya nito. He also don't want to lose his sisterhood with Mara. Nawasak man ang puso n'ya ng magpakasal ito kay Dominic ay inisip na lang n'ya na magiging masaya ito kasama ang lalaking tunay nitong minamahal. Ang makita itong muli ay isang malaking hakbang upang pakawalan na n'ya ng tuluyan ang kanyang nararamdaman para rito, may fiance na nga rin s'ya ngayon subalit dahil lang din naman iyon sa negosyo upang mas palakasin ang kanilang kumpanya. Kahit ganun pa man ay he wants to get serious about the girl and respect his dad's decision. And also, he wants to respect the girl's sincerity towards him. He is getting older too and he needs a woman to be with him that he can call "Wife"
Nakatulala ngayon si Ely habang nakatitig sa isang pink roses na naka-silid sa isang pot at sobrang lalim ng kanyang iniisip.
"Elly, anak!" agaw attention ng Ina n'ya.
"Nay, ikaw po pala," sabi n'ya at tinabihan s'ya nito.
"Ang layo ng iniisip mo anak ah, si Sir Luke ba?" sabi nito na tila ay alam n'ya ang kung ano ang laman ng isipan ng kanyang anak.
"Nay, sino po ang fiancee n'ya?"
"Si Bianca, anak. Isa s'yang maganda at edukadang babae, nangaling s'ya sa isang mayamang pamilya at halos kapantay nila ang yaman ng mga Salvador, ang pagkakaalam ko ay isang babaeng mabilis magustuhan si Bianca ayon na rin kay Sir Luke. Mayroon na silang pagkakaunawaan at isa pa, 27 na si Sie Luke at nais na rin n'yang mag-asawa, habang si Bianca naman ay 25 years old at masyado silang bagay para sa isat-isa. Kaya ikaw anak, itigil mo na iyang pagpapantasya mo kay Sir Luke, masyadong malabo na magka-gusto s'ya sa'yo lalong-lalo na, na isang nakababatang kapatid lang ang tingin n'ya sa iyo, 19 years old ka lang and he saw you as his younger sister. Anak, alam kong matagal mo na s'yang mahal, kaya ko ito sinasabi sa iyo ng mas maaga dahil ayaw kong lumalim pa iyang pagmamahal mo para sa kanya at mas masaktan ka pa sa bandang huli, nandito lang tayo sa loob ng pamamahay nila upang maglingkod at wala ng iba," sabi n'ya sa kanyang anak na ikinalulungkot ng puso ni Ely.
Oo mahal n'ya si Luke. Pero naiintindihan n'ya rin ang lahat ng mga sinabi sa kanya ng kanyang ina. Ipinanganak s'ya mundo upang paglingkuran ang mahal n'ya habang minamahal ito ng iba. Masakit man pero ganito na talaga ang antas nila sa buhay, pero hindi pa rin s'ya ititigil sa pagmamahal n'ya sa binata.