PAMELA went all over the house. Looking for things new to her. Hindi dahil sa ipinaki-usap sa kanya ni Doña Helen, kundi dahil nais niyang malibang. Ubusin ang oras niya at sa huling parte bahay na pinuntahan niya ay nadala siya ng mga paa niya sa entrada ng terasa, mula sa pangalawang palapag ng bahay na iyon. May dala-dala siyang sketch pad, canvas, charcoals, iilang mga water color at oil paint na nakalay lahat sa isang knapsack. Ang pagpipinta at paguguhit ang ilan sa mga madalas na libangan ni Pamela. Bata pa lang siya ay nadiskubre na niya iyon sa kanyang sarili. That she inherited her talent from her mother. At kahit hindi naman niya noon kahiligan ang pagpipinta noong bata pa siya. Bagaman nang tumuntong siya ng labing taon na gulang, doon ay nagkaroon siya ng interes sa pagpipint