“PAMELA, wake up.” Iyon ang narinig ni Pamela sa kanyang panaginip bago siya humahangos na nagising. Nagisnan niya ang nag-aalalang mukha ni Emir. Hawak nito ang pisngi niya. Sa sobrang kabang sumakop sa dibdib niya ay bumangon siya at napasandig sa headboard. Doon ay parang nahilo siya sa ginawang pagbangon. Nasapo niya ang sintido. Ang lalamunan niya ay nanunuyo dahil sa nangyaring panginip. Nang tumayo si Emir ay hindi niya alam kung saan ang tungo nito at pagbalik na lang ay may dala na itong isang basong tubig. Iniabot nito iyon sa kanya at at hindi naman siya nagpaligoy-ligoy na ininom iyon. Pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama at sa sitwasyong iyon ay tumaas ang kamay nito tungo sa ulo niya at inalis ang nagulong buhok na inipit sa kanyang tenga. Nabigla man ay hindi na niya