ARAW NG LINGGO, maagang nagising at nag-ayos ng araw na iyon si Pamela. Isang mini floral dress white ang suot niya ng araw na iyon at tinernuhan niyon ng itim na limang pulgadang stiletto. Ang buhok ay itinali niya ng half-rope braid, ang ibaba ng kanyang buhok ay ikinulot niya. At ang konting foundation make-up na inilagay niya sa kanyang mukha. Kasalukuyan siyang naglalagay ng hikaw sa tenga nang may kumatok sa pinto. Sumilip roon ang cute na batang si Bea. “Hi, are you ready?” nakangiti niyang tanong. Nakangiti namang tumango ang bata. “Yeah, Daddy are waiting for us inside the car.” wika nito. At humakbang tungo sa kanya. “Allright, give me a few seconds.” Aniya. Mula sa mirror chest ay mabilis niyang kinuha roon ang pabango na perfume at inis-spray sa kanyang buong katawan. Nap