Avriah's POV "Baby, bata pa si Olaf! Hindi pa siya p'wedeng magpakasal. Hindi pa siya p'wedeng mag-asawa. Hindi pa niya tayo p'wedeng iwan!" paghihisterya ko dito sa loob ng aming silid matapos akong hilahin ni baby mula sa pag-uusap namin sa ibaba. Puno ng takot ang dibdib ko at hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may nagugustuhan ng ibang tao ang mga anak ko. At anumang oras ay p'wede na nilang lisanin ang bahay na ito at mawawala na sila sa amin ng Daddy nila. Kailan lang ay nalaman ko rin na may boyfriend na pala ang bunso naming anak na si Yesha! My God! Seventeen years old pa lang siya at naabutan kong hinahalikan na ng lalaki! "Baby, relax. Hindi naman mawawala sa atin si Rhyan. He'll only marry the woman he wants," mahinahong