Halos mapatalon naman ako sa gulat nang isang sasakyan ang bumusina sa aming tabi. Inalalayan na akong makatayo ni Rhyan at inayos ang hitsura ko. "Hey, Dude! What happened?" Napatitig ako sa lalaking sumungaw sa bintana nito. Charles Delavega. Isa siya sa mga kaibigan ni Rhyan at 2nd cousin naman ni Accel. Ang pagkakaalam ko ay magpinsan ang kanilang mga ama, samantalang mag-first cousin naman si Rhyan at Accel. Ang pareho naman nilang ina ang magkapatid. "Hey. Yeah, an accident. Kanina ka pa ba dyan?" sagot naman ni Rhyan sa kaniya habang hindi ako binibitawan. "Just seconds ago. I'll just pick up my Mom. She's inside the supermarket right now." Maayos niyang itinabi ang kotse niya sa lugar kung saan malayo sa insidente na ngayon ay napapalibutan na ng maraming tao. Mabilis din