"Mom, Sia is not feeling well so I just let her rest for a while," dinig kong sabi ni Ryan matapos niyang buksan ang pinto. Tanging robe lang ang minadali niyang isuot dahil hindi tumigil sa kakakatok si mommy Avriah hangga't hindi binubuksan ang pinto. Gano'n din naman ako. Nakatalikod ako sa kinaroroonan nila at nagkunyaring natutulog habang nakabalot ang katawan ko sa makapal na comforter. Tanging ulo ko lamang ang nakalitaw. "Ayos lang ba siya? Humahapdi ba ang sikmura niya? Morning sickness 'yan ng mga buntis. Painumin mo na lang ng mainit na gatas o kaya'y maligamgam na tubig para kahit papaano eh maibsan." "Thanks for the concern, Mom. I'll also take her to the Doctor later for a check-up." "Mabuti 'yon, anak. Oh sige na, nag-aalala lang ako dahil late na at hindi pa rin kayo bu