Lumalakas ang t***k ng puso ni Joseph dahil sa ginawa ng asawa niya ngayon. Para sa kanya, nag-aalala ang asawa niya sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi upang hindi makita ng kaibigan niya na masaya siya! Panay ang lait niya kay Carmela ngunit sa huli bumagsak pa siya. "Ayaw ko n'yan mamaya nilawayan mo na 'yan!" pag-iinarte ni Joseph. He smirked when he saw Carmela's angry face again. Hindi niya alam kung bakit sobrang saya niya kapag naiirita ang dalaga sa harapan niya. Pigil naman ang tawa ni Darwin sa kanyang kaibigan. Kilala niya si Joseph at alam niyang nag-iinarte si Joseph kay Carmela. Napaisip tuloy siya. "May tinatago sa akin itong mokong na ito.." isip ni Darwin. Natatawa siya sa inaasta ni Joseph kay Carmela. Yes, hindi pa siya move-on kay Carmela ngunit mas gusto niy