Daig pa ni Carmela ang alila ngayon, nakasunod lamang siya kay Joseph habang namimili ito ng mga damit para sa kanya. Hindi maitatanggi ni Carmela sa kanyang sarili na magaling pumili si Joseph ng damit. Hawak niya ang mga paper bags na ibinili nila pero ang lalaki mukhang wala siyang balak tulungan. Bigat na bigat na siya sa mga dala niya at gusto niya ng magreklamo. "Gentledog ka talaga Joseph! ang sakit na ng kamay ko!" angal na lang ni Carmela sa utak niya. Tumingin si Joseph sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Kinuha nito ang kanyang cellphone sabay kinontak ang daddy niya. Si Mr. Villanueva naman ay nagulat ng tumawag ang kanyang anak. Mabuti na lamang at wala siya sa meeting kaya nasagot niya 'yon. "Hello daddy! gusto ko sana papunta si Hansel dito.. kailangan ko