Nakapangalumbaba lamang si Joseph habang hinihintay ang kanyang asawa. Daig niya pa ang naghintay ng ilang taon at pinipigilan niya ang kanyang sarili na katukin si Carmela. "Bakit ba ang tagal niya? Hindi naman siya nag-aayos kahit pagsuklay hindi rin naman.." reklamo ni Joseph. Napatingin siya sa in-order niyang pagkain. Nagugutom na siya pero heto siya ngayon, hinihintay ang feeling maganda niyang asawa. Halos si Joseph ang nagpapahintay ng matagal sa mga babae niya. Ganoon siya kaangas pagdating sa babae pero ang asawa niya, mukhang hindi talab ang charms niya! Bumaba agad si Carmela at nakita niya si Joseph na pabago-bago ang reaksyon ng mukha. Napailing na lang siya dahil mukhang nakikipaglaro ito sa imahinasyon niya. Ngayon niya lang nalaman na may sapak pala itong si Joseph! "B