Hindi alam ni Carmela kung bakit siya kinakabahan. Wala silang pasok ng ilang araw kaya nagdesisyon si Joseph na magbakasyon sila. Hindi niya alam kung ano nga ba ang balak ni Joseph ngayon. Si Joseph naman ay daig pa ang maiihi sa kanyang saluwal. Hindi siya mapakali dahil sa plano niya. Iniisip niya kung ano nga ba ang magiging reaksyon ng kanyang asawa. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Carmela sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi dahil kinakabahan siya. "Basta! Huwag kang mag-alala magugustuhan mo rin naman kung saan tayo pupunta." mayabang na sabi niya. Lihim siya nagpapasalamat sa kanyang sarili na hindi man lamang siya nautal. "Hindi naman tayo mangingibang bansa hindi ba?" tanong na naman ni Carmela. Napasulyap si Joseph sa kanya na may pagpigil na ngiti sa kanyang labi. "