Hindi alam ni Joseph kung ano nga ba ang gagawin niya ngayon. Galit na galit siya! Pakiramdam niya pinaglalaruan siya ng kanyang asawa! Masaya siya na binigyan siya ni Carmela ng kwintas na 'yon ng unang buwan nila ng sila'y ikasal ngunit biglang nagbago. Iniingatan niya ang kwintas nq 'yon dahil sabi ng nga ni Carmela ay nahirapan pa itong pag-iponan iyon. Masaya na siya kanina! Kinilig pa siya ng makita na suot ni Carmela ang kapareha ng kwintas niya! "Hubarin mo 'yan!" utos niya kay Darwin. Napailing na lamang si Darwin at hinawakan ang kwintas na ibinigay ni Carmela. "Ayaw ko nga! Regalo raw sa akin ito ni Carmela dati pa, ngayon niya lang binigay!" nakangising sagot ni Darwin na mas lalong ikinainis ni Joseph. "Isa! naiinis na ako!" pasigaw na sabi ni Joseph. Alam naman niya na