Pabagsak na binitawan ni Joseph ang hawak niyang kutsara't tinidor. Nagkaroon ng katahimikan sa hapag-kainan. Napasulyap ang mommy ni Carmela sa kanyang asawa at dismayado itong tumingin. "Dad? Seryoso ka po ba sa sinasabi mo?" malungkot na tanong ni Carmela. Nag-igting ang panga ni Joseph sa sobrang galit. "Oo, at saka ayaw mo naman talaga magpakasal hindi ba? Ginawa mo lang ito para hindi ako makulong. Carmela, nandito na si Bernadette kinausap niya na ako na naiintindihan niya na ang dapat mangyari." malumanay na sabi ni Alexander. Pinigilan ni Carmela ang maluha sa mga sinabi ng kanyang daddy. All this time, ganito pa rin ang trato nito sa kanya. Pinapalabas lang na concern sa kanya kahit mas concern ito sa future ni Bernadette. "Tingin niyo po ba sa akin walang karapatan magdesisy