Masakit ang likod ni Carmela ng siya'y magising. Nakita niya si Bernadette na nakayuko sa kanyang gilid na mukhang nakatulog na kakabantay sa kanya. Nakarinig siya ng pagpasok ng pinto kaya napatingin siya at nakita ang kanyang mga magulang na nagulat ng magising siya. "Carmela, anak! Kanina ka pa ba gising?" tanong ng mommy niya na lumapit agad sa kanya upang hawakan ang kamay niyang may swero. Nagising naman si Bernadette sa ingay at halos hindi alam ang gagawin ng magising si Carmela. Si Alexander naman ay paiwas na tumingin sa kanyang anak. "Kakagising ko pa lang po, mommy! Paano niyo po nalaman na na-hospital ako?" mahinang tanong niya. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang likod. "Tumawag ang eskwelahan niyo sa amin. At sinabi sa amin na isusugod ka sa hospital." sagot ng daddy niy