Hindi makapaniwala si Carmela sa iniasta ni Joseph sa kanyang kaibigan na si Enrique. Nakita niya ang pagngiwi ni Enrique habang kinakapa ang sugat sa gilid ng kanyang bibig. "Grabe 'yan asawa mo! Napakapikonin talaga tapos ang sakit manuntok." angal nito sa kanya. Nag-alala naman si Carmela para sa kanya. "Pagpasensyahan mo na si Joseph, baka mainit lang ang ulo niya." malumanay na sabi ni Carmela. Napatungo siya dahil nahihiya siya kay Enrique. "Hindi mo kailangan magpasensya sa akin, Carmela. Dahil may kasalanan din naman ako kung bakit napikon siya sa akin." anya ni Enrique. Sinadya niya lang talaga na asarin ang asawa ni Carmela. "Kahit na, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para suntukin ka. At saka kaibigan kita." mabilis na sinabi ni Carmela. Umiling si Enrique. "Ouch, ang h