Chapter 8 Lally's PoV Magarbo ang setup ng aming end of semester party. As always, of course. It's The University of Arizona we're talking here. Pagkapasok pa lang namin ng arena ay halatang pinagtuunan talaga ng pansin ang bawat detalye ng setup ng party na 'to. And I think it's worth the flight. "So, Lally-Bryx thing is now into a new level, huh!" Salubong sa amin ni Patrice pagkaupo pa lang namin sa table namin. Malamang ay nakita na niya ang post ni Bryx. Isa siya sa mga malapit naming kaibigan dito sa university. "Yea, whatever you say." Sabi ko na lang at kumuha ng isang kopita ng wine na inialok ng waiter. Ganun din ang ginawa ni Bryx. Pilit ko mang i-focus ang sarili ko sa party ay hindi ko magawa. Iniisip ko 'yung post ni SJ sa sss niya. 'f**k HIM! f**k DATE! f**k PARTY! f*