Chapter 11 SJ's PoV "Dude, nasa America ka na ba?" Tanong ni Kiross nang sagutin ko ang tawag niya. Nagdadrive pa lang ako pabalik sa condo dahil inihatid ko si Lally sa site na pinagtatrabahuhan niya. "Yea, why?" Nakailang drift ako para maiayos ang pagkakapark ng kotseng hiniram ko. "Bagong bukas ‘yung isang bar ko diyan sa Tucson. Punta ka kung hindi ka busy." Sabi niya. Bumaba ako at naglakad papasok ng building. "Yea, sure." Ibinato ko sa security ang susi ng kotse dahil doon na lang daw iyon kukunin ng may-ari. Idedeliver na rin naman kasi ang bagong kotse na nabili ko mamaya. "Great! I'll text you the location." Sabi niya at nagpaalam na rin. Maraming pag-aaring bar si Kiross dito sa america. At buti na lang at may bagong bukas siya dito sa Tucson. He's living in California.