Chapter 22. Lally's PoV Biglang umiyak si ate. Oh s**t, eto na naman siya sa playing victim drama niya. Pero wala akong panahon para makipagdramahan sa kanya. "Pagod na ako. Matutulog na po ako." Paalam ko kila mommy pero muling nagsalita si ate. "I already know why EJ called off the wedding, mommy!" Pagsusumbong niya. At siya pa talaga ang magsasabi kina mommy ng mga pinaggagawa niya? "Why?" "It's because of Lally. She seduced him," Pag-iinarte niya at literal akong napahagalpak ng tawa. Nagtataka akong tinignan nila mommy na mukhang iniisip na nababaliw na ako. "See, mom? Nakukuha pa niyang tumawa!" Ang sarap niyang tawanan. "Lally, totoo ba ang sinasabi ng ate mo? Dahil ba sa'yo kaya umatras si EJ sa kasal?" Galit na tanong ni daddy. "Maybe yea," pag-amin ko. Why would I deny i