Chapter 32: You are late, Agape mou Third Person's POV Madaling tumakbo si V nang makita ang lagay ni Lyra na halos mag-agaw buhay. Pinalilibutan ito ng sariling dugo. Samantala ay nanatiling nakatuod si Jam sa harap ng pintuan at nanatiling nakatulala sa kawalan na tila mo ay malalim ang iniisip. "Jam! fuck....What are you still doing there?! pumunta ka rito. Tangna ka!" Inis na sambit ni V habang ang ulo ni Lyra ay hawak hawak n'ya. tinapat n'ya ang hintuturo sa ilong ng dalaga at saka pinakiramdaman kung humihinga pa ito. Napahinga s'ya ng malalim ng maramdaman ang pulso at ang mainit na hangin na mula sa ilong. Nanatili pa ring tulala si Jam. Kaya naman napasinghal na lamang si V. Binuhat n'ya si Lyra. Palabas. At bago lumabas ay sinipa n'ya ang paa ni Jam. "What the f**k?!"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books