Chapter 19: Menstruation Lyra's POV "Fuck..." Nagising ako ng maramdaman kong sumakit ang puson ko. Fuck... Mabilis akong tumayo patakbo sa banyo, madiin akong napakapit sa puson ko ng maramdaman kong kumirot na naman 'yon. "Fuck...What day is it?" Kinalikot ko ang smart watch na nasa bisig ko at nakitang ngayon ay ang araw ng pagreregla ko. s**t. This is bad. "Arghhh...." Hindi ko napigilan ang mapaungol ng makaramdam muli ako ng matinding kirot pagkaihi ko. Damn it. "Lyrio?" Sandali akong napatigil ng marinig ko ang tinig ni Jam. Damn, mukhang nagising ko ata s'ya. It's just Five in the morning damn. "Hmmm?" "What happened to you? are you okay?" Hindi ko s'ya sinagot bagkus ay nanatiling tikom ang aking bibig. Matapos umihi ay tumayo akong madiin na nakahawak sa aking puson.