bc

Ang Astig kong Asawa (R18)

book_age18+
65
FOLLOW
1K
READ
dark
sex
one-night stand
escape while being pregnant
pregnant
instrumentalist
realistic earth
betrayal
cheating
waitress
like
intro-logo
Blurb

Lumaki sa hirap si Sheena kaya kahit na anong trabaho ay pinapasok niya para kumita at mabuhay dahil ulilang lubos na siya.

Kaya naman nang alukin siya ng trabaho ni Don Ramon ay kaagad niya iyong tinanggap. Kapalit ng isang kundisyon na aalagaan niya ang apo nitong si Denver Montreal na may amnesia.

Akala ni Sheena na madali ang lahat ngunit hindi pala. Matatagalan kaya niya ang masungit niyang boss na si Denver kapalit ng malaking pera na alok sa kaniya ni Don Ramon? O mahuhulog siya sa binatang nakatakdang ikasal sa iba?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Sabado ng umaga, mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Nag-unat ako ng dalawang kamay bago bumangon sa higaan kong papag. Dalawang taon na akong nakatira sa bahay ng yumao kong Lola Berta. Mula pagkabata ay dito na ako lumaki sa kanya matapos akong iwan ng aking Nanay na sa kasamaang-palad ay namatay dahil sa pagkalunod. Noong nakaraang buwan lamang siya inilibing. Ang aking ama naman ay nakilala ko noong malapit na siyang mamatay dahil may cancer sa lungs. Hindi ko alam kung bakit napakamalas kong tao. Walang natira sa akin maliban sa mga utang na iniwan sa akin ni Lola Berta at ng aking Nanay. Masakit pa rin ang likod ko dahil sa maghapon na paglilinis ng bahay ni Donya Inocencia. Ang kuripot na matandang iyon na magbigay lamang ng dalawang daang piso. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng kape. May natira akong ulam kagabi na siyang pang-almusal ko ngayon. Umupo ako sa bangko at nagsimulang kumain. Mula sa kusina ay nakikita ko ang mga kapit-bahay ko na abala sa gawaing bahay. Si Lupita, nag-aayos ng buhok at si Bernard naman naghahanda ng pagkain para sa mahal nitong asawa. Humigop ako ng mainit na kape. Ang buhay nga naman oo! Imbes na ang babae ang nagsisilbi sa mister nila, ang mister pa ang gumagawa. Matapos kong mag-almusal at tumingin ako sa nakasabit na kalendaryo. Huling araw sa buwan ng Oktubre. Naligo na ako dahil may trabaho pa akong dapat gawin. "SHEENA, ikaw na ang bahala rito sa libingan ni Donya Nieves. Pagandahin mo at siguraduhin mo na malinis ang buong paligid." "Ako na ang bahala, magiging masaya ang kaluluwa ni Donya Nieves sa langit." "Ikaw talagang bata ka! Sige maiwan na kita dito." Ngumiti ako kay Manong Goryo. Sinimulan ko ang gawain na may ngiti sa aking mga labi. Wala na akong bigas na isasaing kaya kailangan kong magsipag. Sinimulan ko nang magdamo. Naisip ko si Lola Berta, dadalawin ko na lang siya mamaya. Inalis ko ang mga matataas na damo sa palibot ng mausoleum. Nagtataka ako dahil mukhang napabayaan ito ng mga kamag-anak. Matapos kong magdamo ay naupo muna ako sa gilid ng mausoleum na mas malaki pa sa bahay ko. "Siguro naman masaya ka na po ngayon Donya Nieves." Iyon ang pangalan ng gold na template sa gilid ng puntod nito. Nieves Montreal "Montreal?" patanong na sabi ko habang nakatingin sa puntod. Pamilyar sa akin ang apelyidong Montreal, parang nabasa ko na sa balita dati. May isang matandang lalaki na palapit sa akin. May kasama itong isa pang lalaki na may hawak naman na isang bag. Bumaba ang mga ito sa magarang kotse. Tumayo ako at ngumiti sa harapan ng mga ito. "Magandang tanghali po, sir." "Magandang tanghali naman, iha. Ikaw ba ang naglinis nitong mausoleum ng asawa ko?" Siya pala ang asawa. "O-Opo, siniguro ko po na malinis ang buong paligid. Sigurado po ako na masaya ngayon ang kaluluwa ng asawa ninyong si Donya Nieves dahil dumating na po kayo. Mukha po kasing matagal kayong hindi nakakadalaw dito kaya tumaas na ang mga damo. Dapat po ireklamo ninyo iyong may-ari ng private cemetery na ito." Tumawa ang matanda sa sinabi ko. "Nakakatuwa ka, iha. Ano bang pangalan mo?" "Sheena po, sir. Sheena Dimagiba, bente dos anyos at ulila. Nakatira sa isang barong-barong na iniwan sa akin ng namatay kong Lola. Huwag na po ninyong itanong kung bakit madaldal ako dahil ganito po ako ipinanganak." Malakas na tumawa ang matanda. "Rigo, buksan mo na ang mausoleum at sa loob kami magkuwentuhan ni Sheena." Binalingan ko ang matandang lalaki na tinawag nitong Rigo. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Iniisip ba nito na masama akong tao? "Halika, Sheena. Matagal na rin akong hindi nakakatawa ng ganito." Sumunod ako sa kanila sa loob ng mausoleum. Malinis naman ang loob, marmol ang sahig pati na ang wall. Ang grills gold at silver ang kulay ay may mahabang upuan sa loob. Ipinatong ni Rigo ang bulaklak sa ibabaw ng puntod at sinindihan ang kulay gold na kandila. "Gusto mo bang ireklamo ang may-ari nitong private cemetery?" tanong nito sa akin. "Aba'y opo," mabilis kong sagot. "Kung ganoon pala kailangan kong magpakilala sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko. Kaharap ko si Don Ramon, siya ang may-ari ng private cemetery? "Kung kayo po ang may-ari bakit ninyo pinabayaan ang mausoleum ng asawa ninyo?" inosente kong tanong. "Inalis ng apo ko lahat ng katiwala dito at naghahanap ako ngayon ng bagong mga katiwala." Ang sama naman ng apo nito walang puso. "Sinabi mo kanina na nag-iisa ka lang sa buhay? Gusto mo ba ng trabaho?" "Don Ramon, hindi ninyo kilalang mabuti ang babaeng iyan baka---" Binalingan nito si Rigo. "Nakakatuwa siya Rigo, mukhang siya na ang taong hinahanap ko." Tumingin si Don Ramon sa akin. "Gusto mo bang magtrabaho bilang katulong ng apo ko?" "Po?" nanlaki ang mga mata ko. "Thirty thousand pesos ang sahod mo monthly. Gusto mo ba, Sheena?" Sinabi nito na pinalayas nito ang mga katiwala dito. Kung ganoon masamang tao ang apo nito. Pero ang laki ng sasahurin ko, mababayaran ko na lahat ng utang na naiwan ni Lola Berta. Mapapaayos ko na rin iyong barong na bahay ko. "Hindi ba natin ipapa-back groud check ang babaeng iyan, Don Ramon?" tanong muli ni Rigo. Naiinis na ako sa kontrabidang alalay ni Don Ramon. "Wala ka naman sigurong sakit, Sheena?" nakangiting tanong nito sa akin. "Malusog po ako kahit na puro dahon ang inuulam ko." "Masayahim kang bata kung ganoon, magkakasundo tayong dalawa. Pag-isipan mong mabuti ang inaalok ko sa iyo." May kinuha itong maliit na papel sa suit nito. "Tawagan mo ako sa number na iyan kapag nakapagdesisyon ka na." "Wala po akong permanenteng trabaho at puo raket lang ako. Tatanggapin ko na po ang inaalok ninyo Don Ramon." Natuwa ang matanda sa sinabi ko. "Kung ganoon, si Rigo na ang bahala sa iyo. Gusto kong maging presentable kang maid ng apo ko." Tumayo si Rigo at lumapit sa akin. "Ihahatid kita sa inyo para kunin ang mga gamit mo, Sheena. Pagkatapos no'n didiretso na tayo sa mansion." "Maraming salamat, Don Ramon." Yumuko ako sa harapan ng matanda. Hindi na nawala ang ngiti sa aking mga labi. Dininig na Niya ang matagal kong panalangin. Hindi ko na hihintayin na manalo ako ng lotto para makabayad sa lahat ng utang na naiwan nina Lola Berta at Nanay sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.5K
bc

Daddy Granpa

read
205.3K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook