CHAPTER THREE

1521 Words
Caleb Keir's POV: "Give me more drinks!" sigaw ko sa bartender. "Pakibilis! Napakatagal." Agad s'yang tumango at ginawa ang alak ko. Napakabagal talaga kumilos ng mga bartender sa Bar na ito. Kung hindi lang ito ang malapit na bar sa akin ay hindi ko ito papatusin. "Easy, Babe. Why are you hurrying?" tanong ni Kyla sabay umupo sa tabi ko at hinawakan ang laylayan ng itim kong necktie. Napangisi ako nang makita ang napaka-sexy n'yang katawan. Nakasuot ito ng maiksing itim na dress habang nakababa naman ang mahaba at itim n'yang buhok. Ibang-Iba s'ya kumpara kay Evelyn na mataba at boring ang personality. "What's bothering you?" tanong n'ya habang nakatingin sa akin at marahan na hinubad ang necktie ko. Napalunok ako dahil sa ginawa n'ya. Sakto namang dumating ang alak ko kaya nilagok ko ito. Narinig kong tumawa ng mahina si Kyla at pinatong sa kan'yang balikat ang neck tie. "You won't answer me so let me guess.." nilapit n'ya ang mukha n'ya hanggang sa mapatapat ang kan'yang labi sa tainga ko. "You don't like the white suit you're wearing?" Napatingin ako sa suot kong white suit. Ngayong araw dapat ang kasal namin ni Evelyn. Naka-prepare na ang lahat at ang tanging kulang na lang sa simbahan ay ako. Imbis na magpunta ako doon ay hindi ako sumipot. Dumiretso ako dito sa Bar at pinasunod si Kyla. "Why don't you remove my white suit?" mahina kong tanong sa kan'ya sabay hinawakan s'ya sa baiwang. Narinig kong natawa s'ya nang mahina, "not here, Caleb," sagot n'ya at lumayo na sa akin sabay inagaw ang alak ko at ininom ito. Kinuha ko ang phone ko nang makitang umiilaw ito. Natigilan ako saglit nang makitang tumatawag si Evelyn sa akin pero hindi ako nagdalawang isip pa, agad kong pinatay ang phone para kalimutan ang tinakasan ko ngayong araw. Nang makitang maubos ni Kyla ang alak ko ay tumayo ako at hinawakan s'ya sa braso. "Saan tayo pupunta?" naguguluhan n'yang tanong. Hindi ako sumagot, bagkus ay hinila ko s'ya papunta sa dance floor. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa baiwang n'ya at nagsayaw kaming dalawa. Medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo dahil nakailang baso na rin ako ng alak. Hindi ko na nga mabilang iyon dahil sinunod-sunod ko ang inom. Kailangan kong ibaon ang nararamdaman kong guilt para kay Evelyn. Hindi ko iyon magagawa ng nasa tamang pag-iisip kaya naman kinailangan kong maglasing. "Whoo!" sabay na hiyaw ni Kyla sa tugtog habang ginigiling ang kan'yang katawan. Mas nilapit n'ya ang sarili sa akin hanggang sa naramdaman ko ang malaki at malambot n'yang dibdib. Habang nagsasayaw ay napatingin ako sa kanan at natigilan nang makita si Evelyn. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko gawa ng kaba. "Caleb?" nang marinig ko ang boses ni Kyla ay napakurap ako at tinignan muli ang babae. Hindi ito si Evelyn, kasing katawan n'ya lang ito. Mataba at maiksi ang buhok. Napailing ako at huminga nang malalim. Tängina. Kulang pa ako sa alak. "Caleb?" tawag ni Kyla sa akin pero hindi ko s'ya pinansin at naglakad lang papunta sa bartender. Kumuha pa ako ng ilang baso ng alak at tinungga ito nang sunod-sunod. "Fck," mahinang sambit ko at napapikit nang makaramdam ng sobrang pait sa aking lalamunan. Malakas kong nilapag ang baso sa lamesa at napaupo. Napahawak ako sa aking ulo. Bakit ba ito nangyayari sa akin ngayon? Natawa ako nang mahina. "Dahil kay Evelyn." Napilitan lang ako sa kan'ya dahil sa magulang ko. Pinagbantaan nila ako na ililipat nila sa nakakabatang kapatid ko ang pagmana ng kompanya kaya wala akong nagawa kung hindi pumayag na maging fiance ni Evelyn, pero ngayon ay gusto na nila kaming ipagkasal. Fúck. Kumuha ako muli ng isang baso at tinungga ito. "Dämn." Pilit kong pinipigilan ang sarili na ibato ang shot glass. Sinong matinong lalaki ang gugustuhing pakasalan si Evelyn? She's fcking fat at hindi kagandahan! she's not worth it. "Are you okay Caleb?" nang maramdaman ko ang kamay ni Kyla sa balikat ko ay napalingon ako sa kan'ya, bakas sa kan'yang mukha ang pag-aalala. Mukhang nakalimutan ko ang rason nang pagpapunta ko kay Kyla dito. Agad na akong tumayo at hinawakan s'ya sa kamay. "Let's get out of here." Ngumiti s'ya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "Sure." Evelyn Scarlett Grace's POV: "Evelyn, Anak." Hindi parin tumitigil si Papa sa pagtawag at pagkatok sa akin dito sa kwarto ko. Halos mag-iisang oras na s'ya doon. "I want some time alone, Papa!" sigaw ko sabay sinubsub muli ang mukha sa unan ko para hindi n'ya marinig ang pag-iyak ko. "Pero hindi kapa kumakain." "Hindi ako gutom," sagot ko at mahigpit na niyakap ang unan. "Iiwan ko ang pagkain dito sa tapat ng pinto mo. Kumain ka, okay? papasok na ako sa trabaho." Hindi ko na s'ya sinagot at matapos ang ilang minuto ay narinig ko na lang ang yapak n'ya na papalayo ng kwarto. Umupo ako sa kama at pinunasan ang luha. Tanghali na pero hindi parin ako lumalabas ng kwarto at kumakain. Matapos ang nakakahiyang pangyayari kahapon ay dumiretso ako dito sa kwarto at hindi na lumabas pa. Kalat na kalat sa social media ang hindi pagsipot ni Caleb sa kasal namin. Sari-sari din ang komento ng mga tao. Napahawak ako sa tyan ko nang marinig na tumunog ito at nang makaramdam ako ng matinding gutom. Napabuntong hininga na lang ako at nagtungo sa pinto ng kwarto ko. Marahan ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang isang tray ng pagkain. Puro paborito ko ang mga nandidito. Mabilis ko itong kinuha at pumasok sa loob ng kwarto. Nilapag ko ang tray sa lamesa ko. Nang maamoy ko ang sabaw ng sinigang na hipon ay mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Dali-dali akong umupo at kinuha ang kutsara sabay sumubo ng kanin at ulam. Habang ngumunguya ay napatingin ako sa harap ko, sa salamin. Natigilan ako sa pagnguya. Pinagmasdan ko aking mukha. Nakita ko ang lumiit kong mata dahil sa katabaan ng aking pisngi, ang malapad kong noo na halatang halata at ang katawan ko na puro taba. Napatingin ako sa aking kinakain. Tatlong cup ng rice, isang bowl ng sinigang na hipon, roasted chicken at chocolate muffins. Agad kong dinura ang pagkain sa pinggan ko. Hinagis ko ang tray at narinig ang pagkabasag ng mga pinggan. Naramdaman kong tumalsik sa aking binti ang maliliit na bubog pero hindi ko maramdaman ang sakit nito. Wala akong nararamdamang pisikal na sakit ngayon kung hindi bigat at kirot lang sa aking puso. Sumigaw ako at umiyak hanggang sa mapaupo sa sahig. Dahil ba sa katawan ko Caleb? Dahil ba sa katawan ko at mukha ko kaya ayaw mo sa akin? kaya ba hindi ka sumipot sa kasal natin? Mas lalong lumakas ang iyak ko at napayakap na lamang sa aking tuhod. Nakakadiri ang itsura ko. Hindi ko na kaya pang tignan ang sarili sa salamin. "Ma'am Evelyn?" narinig ko si Manang Josephine na kumakatok sa pinto. "Iwan n'yo ako!" umiiyak at galit kong sigaw. "Ma'am Evelyn! anong nangyayari?!" Hindi ako sumagot. Bagkus ay sumigaw ako at pinaghahampas ang aking mga braso at hita na puro taba. Katawan ko ba ito? bakit ganito? bakit ang baboy-baboy ko na? Napahiyaw ako sa malakas kong paghampas sa sarili pero hindi ko ito tinigilan. Nakakadiri ako. Pano ako nagawang yakapin ni Caleb sa katawan kong ito? Pano n'ya nasikmura na iparamdam sa akin ang pagmamahal n'ya? Napalingon ako sa pinto nang makitang bumukas iyon. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Papa. Nakita kong nanlaki ang mata n'ya nag mapatingin sa nagkalat na pagkain sa sahig. Nang mapunta ang tingin n'ya sa akin ay nakita kong namuo ang luha sa gilid ng kan'yang mga mata. "Evelyn!" sigaw n'ya. Mabilis s'yang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Evelyn! anak!" parang dinurog ang puso ko nang marinig ang pag-iyak ni papa. Ngayon ko na lang s'ya ulit narinig na umiyak matapos ang pagkamatay ni Mama. "Papa.." umiiyak kong sambit. "Bakit hindi ako sinipot ni Caleb?" tanong ko sa kan'ya. "Dahil ba sa katawan ko? dahil ba pangit ako?" "Huwag mong sabihin 'yan Evelyn," matigas na sagot ni Papa sabay humiwalay sa pagkakayakap. Napatingin s'ya sa braso at hita ko na sobrang namumula at nakita kong sunod-sunod na pumatak ang luha n'ya. "Anong ginawa mo? bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" hinawakan n'ya ang braso ko na para bang ito ang pinakaimportanteng bagay sa mundo. "Nakakadiri ako Papa." Halos wala ng boses na lumalabas sa aking bibig. "Nakakadiri ako.." hindi ko mapigilan ang mapahikbi. "Hindi kaba nahihiya para sa akin?" Niyakap ako ulit ni Papa. "Anak kita. Hinding hindi kita ikakahiya. Tanggap kita kahit ano ka man, Evelyn. Nandito lang ako para sa'yo." Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang maisip ngayon kung hindi ang tingin ni Caleb sa akin at ng ibang tao. "Pakiusap Evelyn, huwag mong saktan ang sarili mo." Rinig na rinig ko ang sakit na nararamdaman ni papa sa kan'yang boses. "I'm sorry, Papa," umiiling kong sagot. "Sobrang sikip ng dibdib ko." Niyakap ko s'ya nang mahigpit at iniyak lahat ng luha ko sa kan'yang mga braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD