THIRD PERSON POV
Nanlaki ang mga mata ni Laura nang makitang bumungad ang mukha ni Dimitri pagkabukas niya ng main entrance door ng kanyang apartment unit.
Si Dimitri ang ama ni Charles na asawa ng kaibigan ni Laura na si Chelsea.
Si Dimitri ang sugar Daddy ni Laura na nilayuan na niya matapos siyang sabihan ni Charles na itigil na ang pakikipagrelasyon sa ama nito kapalit nang hindi nito pagsasabi sa ibang tao na isa siyang kabit at hahayaan siya nitong ipakita ang pagmamahal niya para rito.
Agad na nakipagkasundo si Laura kay Charles dahil iniibig niya ang lalaki at matagal na niyang gustong iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal.
Sa katunayan ay si Charles ang pinakadahilan kung bakit nakipagrelasyon si Laura kay Dimitri.
Inisip ni Laura na kung mahuhulog ang loob ni Dimitri sa kanya ay baka hiwalayan nito ang ina ni Charles at pakasalan siya at kung mangyayari iyon ay magiging stepmother siya ni Charles at mapapalapit siya sa lalaking kanyang iniibig.
Natuwa na rin si Laura nang magkaroon sila ng ugnayan ni Dimitri noon dahil maliban sa ito sana ang magiging tulay niya para mas lalong mapalapit kay Charles ay nakikinabang pa siya sa perang ibinibigay nito sa kanya.
At ang malaking halaga ng pera ay napakaimportante para kay Laura.
May sakit ang ina ni Laura at nire-require ng sakit nito ang maintenance na may kalakihan ang halaga.
Bilang isang secretary ay hindi sapat ang kinikita ni Laura para makapagpadala siya ng malaking halaga ng pera sa kanilang probinsya kung saan nakatira ang kanyang ina kasama ang isa niyang kapatid.
Dahil sa sobrang pag-aalala para sa kanyang ina ay naisipan ni Laura ang kumapit sa patalim. Pinatulan ni Laura ang pagpaparamdam ng kanyang dating boss at pumayag siyang maging sugar Daddy ito.
Malaki ang naitulong ng dating boss ni Laura sa pagpapatuloy ng maintenance ng kanyang ina.
Gusto mang magbunyi ng kalooban ni Laura nang mga panahong iyon ay hindi niya magawa sa tuwing naiisip niyang ang kanyang katawan ang ipinambabayad niya sa isang lalaki para lamang matulungan ang kanyang ina.
Nandidiri si Laura sa kanyang sarili sa tuwing ginagamit ng kanyang dating boss ang kanyang katawan kapalit ng malaking halaga ng pera hanggang sa makasanayan na niya iyon.
Ang akala ni Laura ay wala nang magandang mangyayari sa kanyang buhay noon hanggang sa ipakilala sa kanya ng kanyang best friend na si Chelsea ang boyfriend nitong si Charles.
Mga bata pa lamang sina Laura at Chelsea ay magkaibigan na sila. Silang dalawa ang pinaka-close sa grupong binuo ng kanilang kaibigang si Priscilla noong mga bata pa lamang sila.
Halos hindi mapaghiwalay sina Laura at Chelsea habang lumalaki sila at mas lalo pa silang naging close sa paglipas nang mga panahon.
Ngunit nang makilala ni Laura si Charles ay parang gusto mainggit ni Laura sa kaibigang si Chelsea.
Parang gustong manibugho ni Laura kay Chelsea.
Halos na kay Chelsea na ang lahat. Maganda, mayaman, may masayang pamilya, at pagkatapos ay boyfriend pa nito ang lalaking sa unang pagkakita pa lamang ni Laura ay sigurado siyang mahal na niya.
Sa tingin ni Laura ay parang nagliwanag ang kanyang mundo na rating madilim dahil sa masasamang pangyayari sa kanyang buhay nang unang beses siyang nginitian ni Charles.
Pakiramdam ni Laura ay parang may mga paru-parong nagliliparan sa loob ng kanyang tiyan habang nakatitig ang mga nangungusap na mga mata ni Charles sa kanya.
Hinding-hindi rin makakalimutan ni Laura ang parang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanyang buong sistema nang makipagkamay sa kanya si Charles sa kanilang unang pagkikita.
Ganoon na lamang ang pagpipigil ni Laura na huwag yakapin ng mahigpit at siliin ng halik si Charles.
Tandang-tanda pa ni Laura kung paanong hindi mawala sa kanyang mga labi ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha habang nagkukwento sa kanya si Charles ng tungkol dito.
Para kay Laura ay siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa habang nakatingin sa kanya si Charles at nakikinig siya sa mga sinasabi nito nang mga sandaling iyon.
Simula nang araw na iyon ay ipinangako ni Laura sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat ng paraan para mapalapit kay Charles.
Kaya naman kumalap ng mga impormasyon tungkol kay Charles si Laura. Nang makilala ni Laura ang ama ni Charles na si Dimitri ay walang pag-aalinlangang gumawa ng paraan si Laura para mapalapit dito.
Nagtagumpay naman si Laura na makuha ang loob ni Dimitri nang hindi nalalaman ng dati niyang boss na kanyang sugar Daddy.
Nang magkaroon ng relasyon si Laura at si Dimitri ay agad na kinausap ni Laura ang kanyang dating boss para sabihin ditong itigil na ang pagiging sugar Daddy nito para sa kanya lalo pa nga at nagsusuntento rin sa kanya si Dimitri.
Naging maayos ang pag-uusap ni Laura at ng kanyang dating boss dahil malinaw naman sa kanilang dalawa na wala silang relasyon. Lahat ng perang ibinigay ng dating boss ni Laura sa kanya ay sinuklian niya ng pakikipagtalik niya rito.
Nag-resign din agad si Laura sa rati niyang pinagtatrabahuan at laking pasasalamat niya sa kanyang kaibigang si Chelsea nang magawan nito ng paraan para makapasok siya bilang secretary ng Tito Greg nito sa company na pagmamay-ari ng pamilya nito.
Nang matuklasan nga ni Charles na si Laura ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon ng mga magulang nito ay agad ding inamin ni Laura sa lalaki kung bakit nakipagrelasyon siya sa ama nito.
Iyon ay dahil sa pagmamahal ni Laura kay Charles na hindi mapaniwalaan ni Charles.
Sa huli ngang naging masinsinang pag-uusap nina Laura at Charles ay napagkasunduan nilang dalawa na lalayuan na ni Laura si Dimitri at ang kapalit niyon ay ang pagpayag ni Charles na iparamdam ni Laura ang pagmamahal niya para rito.
Ibig sabihin din niyon ay matitigil na ang pagsusustento ni Dimitri kay Laura kaya naman umisip agad ng paraan si Laura kung sino ang pwede niyang maging sunod na sugar Daddy.
Isang tao lamang ang pumasok sa isipan ni Laura at iyon ay ang kanyang bagong boss na si Greg Visitacion.
Ngayon nga ay nakatatanggap si Laura ng malaking halaga ng pera mula kay Greg sa tuwing may nangyayari sa kanilang dalawa sa ibabaw ng kama.
Tuluyan nang nilunok ni Laura ang kanyang pride para lamang maipagpatuloy niya ang pagpapadala ng malaking pera sa kanyang inang may sakit.
Pagkatapos din nang naging masinsinang pag-uusap nina Laura at Charles ay madalas nang magpadala ng mahahalay na larawan at video kay Charles si Laura hanggang ngayon na kasal na si Charles sa kanyang matalik na kaibigan na si Chelsea.
Minsan pa ay romantic messages ang ipinapadala ni Laura kay Charles dahil umaasa siyang mapapangiti niya ang asawa ng kanyang kaibigan sa pamamagitan ng mga iyon.
Naniniwala si Laura sa tamang balanse ng love and lust kaya naman kasabay ng mga mahahalay na photos at videos ay ang romantic messages para maipakita niya kay Charles kung gaano siya kasarap sa kama at kung gaano siya katamis magmahal.
Gustong imulat ni Laura ang mga mata ni Charles sa katotohanang isa siyang perfect wife material.
Nitong mga nakalipas na buwan din ay naging matagumpay si Laura sa pag-iwas kay Dimitri. Ngunit ngayon ay laking gulat niya na nasa harapan niya ito ngayon.
Laura: A-anong ginagawa mo rito, Dimitri? Hi-hindi ba ay sinabi ko na sa iyong alam na ni Charles ang tungkol sa naging relasyon natin?
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Laura nang makita ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ni Dimitri.
Parang gustong maawa ni Laura sa anyo ni Dimitri ngayon. Nangangalumata ang mga mata nito at mukhang wala pa itong tulog. Magulo rin ang buhok nito at gusot ang suot na long-sleeved polo.
Dimitri: Laura.
Nahimigan ni Laura ang magkahalong hinanakit at pananabik sa tinig ng boses ni Dimitri.
Luminga sa paligid si Laura. Hawak niya pa rin ang doorknob ng main entrance door ng kanyang apartment unit habang nakaharang siya sa nakabukas na pintuan at naroon sa labas ng kanyang unit si Dimitri at nakatitig sa kanyang mukha ang mga mata nitong puno ng pananabik.
Dimitri: Nami-miss na kita.
Umiwas ng tingin si Laura kay Dimitri.
Nagi-guilty si Laura rahil ginamit niya si Dimitri para sa kanyang planong mapalapit sa anak nitong si Charles. Hindi inasahan ni Laura na mahuhulog ang loob sa kanya ni Dimitri.
Laura: I-I'm sorry.
Naramdaman ni Laura ang pag-iinit ng kanyang mga mata rahil sa mga luhang nagbabadyang bumulwak mula sa mga ito.
Dimitri: Hi-hindi mo man lang ba ako naaalala?
Nang muling tingnan ni Laura si Dimitri ay tuluyan nang sumabog ang mga luha mula sa kanyang mga mata nang makita ang pagsusumamo sa mga mata nito at ang marahang pagdaloy ng patak ng luha sa pisngi nito.
Laura: Dimitri.
----------
Nakataas ang isang kilay na nakahalukipkip si Chelsea sa harapan ng kanyang Kuya Christian na nakaupo sa malaking couch sa loob ng living room ng kanilang mansyon.
Christian: What's with the face, my dear sister?
Malalim na nagbuntung-hininga si Chelsea bago nagsalita.
Chelsea: I set up a date for you and Ate Catherine last time but you didn't show up. What's the matter with you, Kuya?
Bored na nag-eye-roll si Christian at umiling.
Christian: Are you trying to meddle with things you don't understand, Chelsea?
Tumaas ang dalawang kilay ni Chelsea at hindi makapaniwalang tinitigan ang kapatid.
Chelsea: Ano ang hindi ko naiintindihan, Kuya, aber? Last time I checked ay hindi kayo okay ni Ate Catherine. I heard what she said nang pumunta kayo sa bahay namin ni Charles.
Nahahapong tumingala sa kisame ng malawak na living room na iyon si Christian.
Christian: Did you really believe her? Na may ibang babae ako?
Inirapan ni Chelsea ang kanyang kapatid.
Chelsea: Hindi ko alam ang totoo but I'm fully aware of your history with women, Kuya. And I do believe in women's intuition.
Napakamot ng ulo nito si Christian.
Christian: Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. But I'm not cheating on Catherine.
Tumayo si Christian mula sa pagkakaupo sa couch.
Christian: Pumunta ka lang ba rito rahil nagtatampo kang hindi ako sumipot sa date na s-in-etup mo for me and Catherine?
Naningkit ang mga mata ni Chelsea kay Christian.
Chelsea: You know I don't tolerate cheating, Kuya. Oras na mapatunayan kong may ginagawa kang kalokohan, don't expect me to side with you at diyan sa babae mo.
Inabot ni Chelsea ang kanyang handbag na nakapatong sa center table ng living room bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Chelsea: I do like Ate Catherine for you at sa lahat ng naging girlfriends mo, siya lang ang nagustuhan at nakasundo ko. Don't waste a gem in exchange of a trash, Kuya.
Iyon lamang at lumakad na palabas ng living room si Chelsea.
Si Christian ay nagbuntung-hininga at inihilamos ang kanang palad sa mukha nito.
----------
Nanginginig ang mga kamay ni Graciela habang pinapanood sa kanyang phone ang video na ipinadala ng isang anonymous sender.
Video iyon ng mahalay na performance ni Graciela bilang Lady in Heat sa stag party ni Charles na in-organize ng mga kaibigan nito.
Halos maluha si Graciela habang bumubulong sa hangin.
Graciela: No. Ang sabi nila sa akin ay walang magvi-video ng aking gagawing pagsasayaw. Ano ito?
Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo sa sofa sa loob ng sala ng kanyang bahay si Graciela habang pinapanood pa rin ang mahalay na video sa kanyang phone.
Hindi mahahalatang si Graciela ang babaeng sumasayaw sa video rahil sa koloreteng nasa kanyang mukha ngunit sa mga taong nakakakilala ng lubos sa kanya ay paniguradong mamumukhaan siya kung tititigang mabuti ang video.
Graciela: May gusto bang mang-blackmail sa akin?
Gulung-gulo ang isipan ni Graciela habang kinakabahan ang kanyang buong sistema.
Hindi kakayanin ni Graciela kapag nalaman ng mga taong nakakakilala sa kanya ang tungkol sa buhay niyang ito bilang si Lady in Heat.
Kailangang malaman ni Graciela kung sino ang taong nagpadala sa kanya ng video na kanyang pinapanood ngayon.
Biglang tumalim ang mga mata ni Graciela habang nakatitig sa screen ng kanyang phone kung saan patuloy ang pagpi-play ng mahalay na video.
Puno ng galit na bumulong sa hangin si Graciela.
Graciela: Kung sinuman ang taong nagpadala sa akin ng video na ito ay sisiguraduhin kong magbabayad sa akin.
----------
itutuloy...