THIRD PERSON POV
Itinutulak ni Priscilla ang malaking cart sa loob ng malawak na supermarket na iyon habang tumitingin-tingin sa kitchenware section ng mga gamit na pwede niyang bilhin para sa kusina ng kanyang condominium unit.
Ang condominium unit na iniregalo kay Priscilla ng kanyang boyfriend na si Brandon na ama ng kanyang kaibigang si Chelsea.
Malalim na nagbuntung-hininga si Priscilla. Muli na naman niyang naalala ang naging huling pag-uusap nila ni Brandon.
Nagsabi si Priscilla kay Brandon na makikipaghiwalay na siya rito rahil nahihirapan na siya sa kanilang sitwasyon kung saan pupuntahan lamang ni Brandon si Priscilla sa kanyang condominium unit kapag may libreng oras ito na hindi naman madalas mangyari.
Pero ang totoong rason ng pakikipaghiwalay ni Priscilla kay Brandon ay para makapag-focus na siya sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal para kay Charles, ang lalaking iniibig ni Priscilla.
Si Charles na mister ni Chelsea, isa sa mga matalik na kaibigan ni Priscilla.
Tandang-tanda pa ni Priscilla ang galit na mukha ni Brandon nang magsabi siyang makikipaghiwalay siya rito.
Tumiim ang bagang ni Brandon matapos marinig ang sinabi ni Priscilla rito.
Nakikipaghiwalay si Priscilla kay Brandon dahil hindi na niya kaya ang nakakapagod nilang sitwasyon kung saan palaging naghihintay si Priscilla sa pagdating ng presensya ng kanyang karelasyong si Brandon sa kanyang condominium unit.
Brandon: Tired?! Napapagod ka na?! Ha, Priscilla?!
Nakayuko si Priscilla sa harapan ni Brandon sa gitna ng sala ng kanyang condominium unit.
Hindi gusto ni Priscilla na makita ni Brandon ang kasinungalingan sa kanyang mga mata kaya hindi siya humaharap kay Brandon.
Hindi gusto ni Priscilla na malaman ni Brandon ang totoong dahilan kung bakit nakikipaghiwalay siya rito.
Na ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Priscilla kay Brandon ay ang manugang nitong si Charles na asawa ng kaibigan ni Priscilla.
Gustong patunayan ni Priscilla kay Charles ang sinabi niya ritong mahal na niya ito at ang una niyang naisip na paraan ay ang makipaghiwalay na kay Brandon.
Brandon: Priscilla, tinatanong kita! Pagod ka na ba?!
Nagulat pa si Priscilla nang muling sumigaw si Brandon.
Halos manginig ang buong sistema ni Priscilla sa takot kay Brandon nang mga oras na iyon. Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan siya nito sa loob ng halos dalawang taon nilang magkarelasyon.
Mabagal na tumango si Priscilla sa harapan ni Brandon. Hindi niya pa rin sinasalubong ang mga mata nito.
Marahas na hinawakan ni Brandon ang panga ni Priscilla gamit ang kanang kamay nito.
Takot na takot ang mukha ni Priscilla habang inihaharap ni Brandon ang kanyang mukha sa mukha nito.
Brandon: Tingnan mo ako sa mga mata ko, Priscilla. Look at me!
Nanlalaki ang mga mata ni Priscilla sa takot habang nakatingin siya sa nagpupuyos sa galit na mukha ni Brandon.
Brandon: Ngayon mo ulitin sa akin ang sinabi mo kanina. Sabihin mo ulit kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin.
May diin sa bawat salitang binigkas ni Brandon.
Nahimigan din ni Priscilla ang pagbabanta sa tinig ng boses ni Brandon.
Nanginginig na sa takot si Priscilla ngunit nilakasan niya pa rin ang kanyang loob para tapusin na ang relasyon nila ni Brandon.
Priscilla: Na-napapagod na ako na-na palagi akong nag-naghihintay kung ka-kailan tayo mu-muling magkikita rito sa-sa unit ko. Hi-hindi na a-ako masaya sa si-sitwasyon natin, B-Brandon.
Naramdaman ni Priscilla ang pagdiin ng pagkakahawak ni Brandon sa kanyang panga na halos bumaon na ang mga daliri ni Brandon doon.
Nagulat si Priscilla nang umangat ang isang daliri sa kaliwang kamay ni Brandon at idinikit iyon sa kanyang bumbunan.
Brandon: Gumagana pa ba 'to?
Sandaling nalito si Priscilla sa tanong na iyon ni Brandon.
Nang bigla ay tapik-tapikin ni Brandon ang bumbunan ni Priscilla.
Brandon: May laman pa ba 'to?
Doon na na-realize ni Priscilla na ang tinutukoy ni Brandon ay ang kanyang utak.
Brandon: Sumagot ka! May laman pa ba 'yan?!
Kinakabahan si Priscilla sa nakikitang galit sa mga mata ni Brandon.
Mabagal na tumango si Priscilla habang nanginginig ang kalamnang nakatingin kay Brandon.
Tumango-tango si Brandon.
Brandon: Kung ganoon ay sagutin mo ang aking tanong. Ano ka sa buhay ko?
Hindi maintindihan ni Priscilla kung bakit itinatanong sa kanya ni Brandon iyon pero sumagot pa rin siya.
Priscilla: Gi-girlfriend.
Muling tumango-tango si Brandon at tinapik-tapik ng daliri nito ang bumbunan ni Priscilla.
Brandon: Ano pa maliban sa pagiging girlfriend ko?
Nag-isip si Priscilla kung ano pa siya sa buhay ni Brandon.
Priscilla: Mi-mistress.
Painsultong ngumiti si Brandon at hinimas-himas ang buhok ni Priscilla gamit ang kaliwang palad nito.
Brandon: Good. May laman pa naman 'yong ulo mo kahit papaano. At mukhang nagfa-function pa rin naman ang utak mo.
Maya-maya ay pumaikot sa buhok ni Priscilla ang kaliwang kamay ni Brandon at marahang iniliyad ang kanyang katawan.
Brandon: So, ano ang iniaarte-arte mo, Priscilla? Lumuwag na ba ang turnilyo sa iyong maliit na utak at nakalimutan mo nang hindi naman dapat madalas puntahan ang mga kabit sa mga bahay nila?
Painsulto pang tumawa si Brandon.
Brandon: Magpasalamat ka nga at may maganda kang unit nang dahil sa akin. Nasusunod ang mga luho mo rahil sa perang ibinibigay ko sa iyo.
Humigpit ang pagkakakapit ng kaliwang kamay ni Brandon sa buhok ni Priscilla.
Brandon: Hindi mo kinakailangang magtrabaho rahil sa sustentong nakukuha mo mula sa akin. Huwag namang masyadong abusado, Priscilla.
Isang mapang-uyam na ngiti ang iginawad ni Brandon kay Priscilla.
Brandon: Ang taong katulad mong nakikiamot lamang ng kaunting oras mula sa taong nagpapakain sa iyo ay walang karapatang maghangad ng mas higit pa sa kung ano ang natatanggap mo.
Nagsimula nang mangilid ang mga luha sa mga mata ni Priscilla.
Nasasaktan si Priscilla sa mga sinasabi sa kanya ni Brandon.
Brandon: Naiintindihan mo ba, Priscilla? Naiintindihan ba ng pumapalya mong utak ang mga sinasabi ko, ha?
Muling dumiin ang pagkakahawak ni Brandon sa panga ni Priscilla.
Brandon: Sagot! Pati ba naman ang dila mo ay pumapalya na?! Eh, isusubo mo pa ang alaga ko mamaya.
Lumunok muna ng laway si Priscilla bago sumagot.
Priscilla: Na-naiintindihan ko.
Tinanggal ni Brandon ang pagkakaikot ng buhok ni Priscilla sa kaliwang kamay nito at marahang pinaglandas ang likod ng kaliwang kamay nito sa kanyang kanang pisngi.
Brandon: Alam mo namang mahal na mahal kita, my vixen. Kaya hindi ko gustong naririnig mula sa bibig mo na makikipaghiwalay ka na sa akin.
Biglang naging malambing ang tinig ng boses ni Brandon.
Brandon: Mahal mo naman ako, hindi ba?
Hindi agad nakasagot si Priscilla sa tanong na iyon ni Brandon na naging dahilan para kumunot ang noo nito.
Iniwas ni Priscilla ang kanyang mga mata mula sa mga mata ni Brandon na ipinagtaka nito.
Doon ay muling nagtagis ang mga bagang ni Brandon at halos bumaon ang mga kuko nito sa panga ni Priscilla.
Brandon: May ibang lalaki ka ba, Priscilla?! Ha?! Niloloko mo ba akong babae ka?!
Hindi agad makasagot si Priscilla kay Brandon kaya naman nagngitngit ang kalooban ni Brandon.
Malakas na ibinalya ni Brandon ang kalaguyo nitong si Priscilla sa ibabaw ng malaking couch na nasa sala ng kanyang condominium unit.
Maya-maya ay nilapitan si Priscilla ng nagngingitngit pa rin sa galit na si Brandon at hinawakan siya nito sa kanyang panga at iniharap dito.
Brandon: Listen to me, Priscilla. You're mine and only mine. Walang pwedeng ibang magmay-ari sa 'yo kundi ako lang.
Kinakabahan si Priscilla sa nakikitang galit sa mukha ni Brandon.
Bawat salitang binitiwan ni Brandon ay parang batong dumudurog sa kalooban ni Priscilla.
Brandon: Oras na may gumalaw na iba sa 'yo, Priscilla, sisiguraduhin kong hindi na sisikatan pa ng araw ang taong iyon. Maliwanag ba?
Nanlalaki ang mga mata ni Priscilla rahil sa pagbabantang iyon ni Brandon.
Brandon: Sa mismong harapan mo ay makikita mo ang pagdanak ng dugo ng lalaking magtatangkang agawin ka mula sa akin.
Hindi na maipinta ang mukha ni Priscilla rahil sa sobrang takot na kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon.
Maaaring mapahamak si Charles sa mga kamay ni Brandon oras na malaman nito na ang lalaking iniibig niya ay ang manugang nito.
Brandon: Sa akin ka lang, Priscilla. At kung ano ang akin ay hindi ko ipinapahiram sa ibang lalaki at lalong hindi ko ipinamimigay.
Galit pa rin ang mukha ni Brandon nang kintalan nito ng halik ang sentido ni Priscilla.
Si Priscilla ay pinipigilan na kumawala ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Muling malalim na nagbuntung-hininga si Priscilla matapos alalahanin ang nangyari sa loob ng kanyang condominium unit noong isang araw.
Nang umangat ang tingin ni Priscilla ay nakita niya ang kaibigan na si Kathleen na tumitingin-tingin ng mga fresh meat sa malaking supermarket na iyon.
Biglang nawala sa isipan ni Priscilla si Brandon at napalitan ng inis ang kanyang mukha pagkakita kay Kathleen.
Agad na nilapitan ni Priscilla si Kathleen na nabigla pa nang makita siya at nang makabawi ay tinitigan siya mula ulo hanggang paa.
Sa araw pa lang ng kasal ng kaibigan nilang si Chelsea ay may animosity na sa pagitan nina Priscilla at Kathleen.
At ngayong walang ibang taong nakakakilala sa kanila ay hindi na sinubukan pa nina Priscilla at Kathleen na makipagplastikan sa isa't isa.
Priscilla: Hi, Kathleen. Namimili ka rin pala ngayon.
Tumingin si Kathleen sa malaking cart na nasa harapan ni Priscilla.
Kathleen: Daming budget. Ang yaman talaga ng kaibigan kong ito. Kahit hindi magtrabaho ay hindi nawawalan ng pera. Sana ako rin.
Nahimigan ni Priscilla ang panunuya sa tinig ng boses ni Kathleen.
Priscilla: And what did you mean by that?
Nakataas ang isang kilay na tanong ni Priscilla kay Kathleen.
Nagkibit-balikat si Kathleen.
Kathleen: Wala naman. Nakakainggit kasi 'yang hidden talent mo. Baka naman pwede mong i-share sa akin?
Isang mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kathleen.
Kathleen: Hindi katulad mong nakatira sa condominium unit, ako ay umuupa lang sa apartment pero kinakapos pa rin sa allowance. Pero ikaw, tingnan mo, nakakapag-shopping linggo-linggo. Branded items pa.
Naningkit ang mga mata ni Priscilla kay Kathleen.
Priscilla: Alam ko namang hindi mo ako pinupuri, Kathleen. Hindi mo ugali ang pumuri ng tao lalo na at mga bata pa lamang tayo ay inggitera ka na.
Nawala ang mapang-uyam na ngiti sa mukha ni Kathleen.
Priscilla: Anyway, alam ba ni Chelsea ang gabing nagkita kayo ng mister niya sa dis-oras ng gabi?
Napasinghap si Kathleen sa sinabing iyon ni Priscilla at biglang may naalala.
Kathleen: So ikaw nga 'yon. 'Yong tumatawag kay Charles sa dis-oras ng gabi.
Tumalim ang mukha ni Priscilla.
Priscilla: Well, ma-may itatanong lang ako kay Charles niyon. Ka-kaso ikaw 'yong sumagot ng tawag, na-nabigla ako, kaya tinapos ko agad 'yong tawag.
May pagdududang tinitigan ni Kathleen si Priscilla.
Kathleen: You're not a good liar, Priscilla.
Ngumisi pa si Kathleen matapos sabihin iyon.
Si Priscilla naman ay patuyang tumawa.
Priscilla: Sinong sinungaling? Ako o ikaw? Hanggang ngayon ay attention-seeker ka pa rin. Imagine, nagsinungaling ka pang you're pregnant para lang maagaw mo ang atensyon namin mula kay Chelsea last time.
Biglang naningkit ang mga mata ni Kathleen pagkasabi niyon ni Priscilla.
Kathleen: Huwag mong idamay ang anak ko rito. Totoong nagdadalang-tao ako, Priscilla.
Sandaling natigilan si Priscilla sa nakikitang kaseryosohan sa mukha ni Kathleen.
Priscilla: Si-sinabi mong hindi si Tony ang ama niyan, hindi ba? Kung ganoon, si-sino ang ama ng dinadala mo, Kathleen?
Makahulugang ngumisi si Kathleen kay Priscilla ngunit hindi nagsalita.
Si Priscilla ay iisang lalaki lang ang nasa isipan ngayon. Iniisip ni Priscilla kung posible bang si Charles ang ama ng ipinagbubuntis ni Kathleen.
Iniisip ni Priscilla kung iyon ba ang dahilan kung bakit magkasama sina Kathleen at Charles sa dis-oras ng gabi noong gabing tinawagan ni Priscilla si Charles.
Tumalikod na si Kathleen ay iniisip pa rin ni Priscilla kung ang pinag-uusapan ba nina Kathleen at Charles nang gabing iyon ay ang tungkol sa batang dinadala ni Kathleen.
----------
Nanlaki ang mga mata ni Graciela nang marinig ang tinig ng boses ng lalaking tumawag sa kanya na numero lamang nito ang lumabas sa screen ng kanyang phone.
Lalaki: Did you miss me, my Lady In Heat?
Dahil sa sinabing iyon ng lalaki ay biglang bumalik sa isipan ni Graciela ang gabing iyon na ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito.
Lalaki: Iniisip pa rin ba ng mga nakakakilala sa iyo na wala pang nakakauna sa iyong iniingatang hiyas?
Parang pangangapusan ng hininga si Graciela rahil sa mga naririnig niyang salita mula sa lalaki.
Lalaki: Sigurado akong hindi mo pa nakakalimutan ang gabing pinagsaluhan natin, Rosela.
Pagkarinig sa pangalang iyon ay humulagpos ang hawak na cellphone ni Graciela mula sa kanyang kanang kamay.
Graciela: No. Matagal ko nang kinalimutan ang gabing iyon. Bakit ginugulo pa ako ng lalaking ito?
Nanginginig ang katawang tinitigan ni Graciela ang kanyang phone na nahulog sa sahig.
Graciela: Tigilan mo na ako, Vincent.
----------
itutuloy...