KABANATA 15

2466 Words
THIRD PERSON POV Napaliyad si Laura nang biglang maramdaman niyang may kamay na sumapo sa kanang pisngi ng kanyang bilugang pang-upo at pisilin iyon ng madiin. Sigurado siyang ang kanyang boss na si Greg Visitacion ang gumawa ng bagay na iyon sa isa sa maselang parte ng kanyang katawan. Pinaalog pa ni Greg ang dalawang pisngi ng pang-upo ni Laura bago nito tinantanan ang malamang pang-upo ng best friend ng pamangkin nitong si Chelsea. Agad na nilingon ni Laura si Greg na ngayon ay pangisi-ngisi habang nakapamulsang naglalakad patungo sa loob ng opisina nito. Malalim na nagbuntung-hininga si Laura at pinigilan ang sariling mainis dahil para sa kanya ay wala siyang karapatang mainis sa mga ginagawang kahalayan ni Greg sa kanyang katawan dahil siya mismo ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyong ito. Dahil nga sa sinunod ni Laura ang kondisyon ng lalaking iniibig na si Charles na layuan niya ang ama nitong si Dimitri at kapalit niyon ay ang pagpayag nitong ipakita niya ang kanyang pagmamahal para kay Charles, kaya naman kinailangan ni Laura na humanap ng bagong lalaking kanyang magiging bagong sugar Daddy para may pera siyang maipadala sa kanyang inang may sakit na nasa kanilang probinsya. At iyon nga ay si Greg, ang tito ng kanyang best friend na si Chelsea. Dahil nga sa malaking halaga ng perang ibinibigay ni Greg kay Laura sa tuwing tapos na ang kanilang pagtatalik at sa mga materyal na bagay na natatanggap ng babae mula sa lalaki kaya malakas ang loob ni Greg na hawakan, haplusin, himasin, kurutin, at pisilin ang alinman sa parte ng kanyang katawan kung kailan nito naisin. Hindi nakararamdam ng respeto si Laura mula kay Greg. Kahit alam nitong maaari silang makita ng ibang empleyado sa opisina sa tuwing hahalayin nito ang kanyang katawan ay wala itong pakialam. Ang mahalaga kay Greg ay mahawakan ang katawan ni Laura sa tuwing nag-iinit ang katawan nito. Siguro dahil alam ni Greg na kailangan ito ni Laura para magpatuloy ang buhay ng ina ng babae at dahil na rin alam nitong walang maglalakas-loob sa mga empleyado ng Visitacion na isumbong ito sa misis nito kaya kung hawak-hawakan ni Greg ang mga maseselang parte ng katawan ni Laura sa oras ng kanilang trabaho ay ganoon na lamang. Wala namang problema kay Laura kung gagawin sa kanya ni Greg ang mga kahalayang iyon dahil nga sa sugar Daddy niya ito pero ang hiling lang naman niya ay gawin nito iyon sa kanya sa mga lugar na sila lamang dalawa at hindi sa mga lugar kung saan maraming empleyado ang makakakita. Kahit papaano ay gusto pa rin naman ni Laura na tratuhin siya ng ibang tao ng may respeto at paniguradong hindi siya rerespetuhin ng kanyang work colleagues kung makikita ng mga itong hindi siya nirerespeto ng kanilang boss. Maaaring ipokrita si Laura sa parteng naghahangad siya ng respeto mula sa ibang tao gayong hindi niya kayang respetuhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang katawan para lamang kumita ng malaking halaga ng pera na ipinapadala niya sa kanyang ina para maipagpatuloy ang maintenance nito. Ngunit para kay Laura ay nangyayari lamang ang mga malalaswang transaksyong iyon sa pagitan niya at ng lalaking gumagamit sa kanyang katawan at hindi iyon alam ng ibang tao. Kaya kahit papaano ay gusto man lamang maisalba ni Laura ang kanyang malinis na imaheng nakatanim sa isipan ng mga tao. Kahit ang magandang imahe na lamang ni Laura na nakatatak sa isipan ng mga taong nakakakilala sa kanya ang matira sa kanya ay masaya na siya dahil alam niya sa kanyang sarili na wala na siyang maipagmamalaki pang ibang bagay sa ibang tao. Para kay Laura ay sirang-sira na siya at alam niyang kahit ang sarili niyang ina at kapatid ay ikahihiya siya kapag nalaman ng mga ito kung ano ang kanyang ginagawa para lamang mabuhay niya ang mga ito. Kaya naman nang makilala ni Laura si Charles ay sumaya ang kanyang pakiramdam dahil binigyan nito ng kulay ang dati niyang madilim na mundo. Dahil kay Charles kaya nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Laura na makakaahon siya mula sa putikang kanyang kinalulubugan ngayon. Naniniwala si Laura na kapag napaibig niya si Charles at siya ang piliin nito sa huli ay makakamit niya ang walang hanggang kasiyahan dahil sa iniibig niya ng tunay ang lalaki. At hindi na magiging mahirap para kay Laura iyon dahil nga sa pumayag na si Charles na ipakita niya ang kanyang pagmamahal para rito. Luminga si Laura sa paligid. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang abala ang lahat ng mga empleyado sa kani-kanilang mga trabaho at walang nakasaksi sa ginawang pagpisil ni Greg sa kanyang pang-upo. Laura: Sa lalong madaling panahon ay kailangang mapaibig ko na si Charles nang tuluyan ko nang maiwan ang ganitong klaseng buhay. ---------- Nanginginig sa galit ang buong sistema ni Graciela nang makita ang numerong rumehistro sa screen ng kanyang phone. Sigurado siyang si Vincent iyon. Simula nang unang beses na tawagan si Graciela ni Vincent sa kanyang phone mula nang makabalik ng bansa ang lalaki kasama ang misis nitong si Cassie galing abroad ay hindi na tinantanan ng lalaki si Graciela. Sa unang phone call na ginawa ni Vincent kay Graciela ay agad na tinapos ng babae ang tawag nang makumpirmang si Vincent ang kanyang kausap mula sa kabilang linya. Hinding-hindi makalilimutan ni Graciela ang tinig ng boses ni Vincent dahil sa gabing iyon na kanilang pinagsaluhan noon. Matapos ang unang pagtawag sa phone na iyon ni Vincent kay Graciela ay ilang gabi pang sinubukang tawagan ng lalaki ang babae at sa bawat phone call na ginagawa ni Vincent ay palaging hindi sinasagot ni Graciela ang tawag nito at agad na bina-block niya ang mga numerong ginagamit ng lalaki para siya ay matawagan. Alam ni Graciela na si Vincent ang nasa likod ng mga hindi naka-save na numerong iyon sa kanyang contacts dahil nga sa unang beses na tinawagan siya nito. Unregistered number din iyon kaya confident si Graciela na hindi siya maaaring magkamali na si Vincent ang nagmamay-ari ng mga sumunod na unregistered number na tumatawag sa kanyang phone. Naiinis si Graciela sa sunud-sunod na nangyayari sa kanyang buhay ngayon. Una na nga ang video na ipinadala sa kanya kung saan kitang-kita sa video na iyon ang ginagawa niyang paggiling bilang si Lady In Heat sa harapan ni Charles Kasivic. Ang masama pa roon ay mismong si Charles ang nagpadala sa kanya ng video na iyon. Kahit walang katibayan si Graciela na si Charles ang nag-send sa kanya ng nasabing video ay sigurado siyang ang lalaki iyon base na rin sa naging pag-uusap nilang dalawa ni Tony. Nang malaman ni Graciela na may gagawing stag party ang mga kaibigan ni Charles para rito ay agad niyang tinawagan ang best friend ni Charles na si Tony para mag-offer dito na siya na ang bahala sa stripper na magsasayaw para sa stag party. Noong una ay alanganin pang pumayag si Tony sa suhestyon ni Graciela dahil may nakuha na raw itong stripper para sa stag party ngunit nang sabihin ni Graciela kay Tony na siya pa ang magbabayad dito at wala na itong poproblemahin pa sa magiging bayad sa sinasabi niyang stripper ay mabilis pa sa alas kwatrong pumayag si Tony sa offer ni Graciela. Nagulat pa si Tony nang malamang si Graciela pala mismo ang sinasabi niyang magiging stripper para sa stag party na in-organize nito para kay Charles. Tinanong ni Tony si Graciela kung bakit gusto nitong gawin ang bagay na iyon ngunit dinagdagan lamang ni Graciela ang perang iniabot niya kay Tony bilang kasagutan sa tanong nito. Napailing na lamang si Tony sa gustong mangyari ni Graciela nang gabing iyon at bago pa suotin ni Graciela ang costume na kanyang isinusuot sa tuwing siya na si Lady In Heat ay binalaan niya si Tony na walang maaaring kumuha ng video habang nagpe-perform siya sa harapan ni Charles. Ngunit hindi nga ganoon ang nangyari dahil hindi sumunod si Tony sa napag-usapan nilang dalawa ni Graciela at palihim pa rin nitong kinuhanan ng video ang nakakaakit na paggiling ni Graciela sa gitna ng kwartong iyon kung saan ginanap ang stag party para kay Charles. Hindi na nga sumunod si Tony sa napag-usapan nilang dalawa ni Graciela ay ipinasa pa nito ang video sa best friend nitong si Charles hanggang sa natanggap na rin ni Graciela ang video na iyon sa kanyang personal email. Ang sinabi ni Tony kay Graciela ay kay Charles lang nito ipinasa ang video kaya naman walang duda sa isipan ni Graciela na si Charles ang nagpasa sa kanya ng mahalay na video na iyon. At sigurado si Graciela na kaya ipinasa sa kanya ni Charles ang video na iyon ay upang gamitin nitong pang-blackmail sa kanya. Nasisiguro ni Graciela na ang video na iyon ang gagamitin ni Charles para palayuin na siya rito. At iyon ang isa sa mga ikinaiinis ni Graciela dahil mas mahihirapan na siyang akitin at paibigin si Charles ngayong may hawak na itong isang bagay na maaaring makasira sa kanyang iniingatang pangalan. Ang isiping lalayuan niya si Charles kapalit ng pananahimik nito tungkol sa video kung saan kitang-kita roon ang kanyang itinatagong persona ay parang gustong magpadurog sa puso ni Graciela. Hindi kakayanin ng puso ni Graciela ang lumayo sa lalaking kanyang iniibig. Mahal na mahal niya si Charles. Kailangang mabura ang video na iyon kung gusto ni Graciela na maipagpatuloy ang kanyang pang-aakit at pagpapaibig kay Charles. Kailangang mawala ang video na iyon kung gusto niya pang magkaroon ng pagkakataong makasama ang kanyang lalaking pinakamamahal. At ito ngang si Vincent ang isa pang tinik sa lalamunan ni Graciela ngayon. Hindi alam ni Graciela kung bakit kailangan pang muling magparamdam ni Vincent sa kanyang buhay gayong matagal na niyang kinalimutan ang tungkol sa kanilang dalawa. Maayos na ang kanyang buhay ngayon. Hindi na niya kailangan pa ang isang Vincent Visitacion. Matagal nang itinatak ni Graciela sa kanyang isipan na wala ng karapatan sa kanya si Vincent. Ngunit parang nananadyang muling bumalik sa isipan ni Graciela ang isang bagay na nangyari noon ilang taon na ang nakalipas. Hindi inaalintana ni Graciela ang malakas na buhos ng ulan habang kinakatok ang bintana ng kotse ni Vincent. Graciela: Vincent, please! Mag-usap tayo! Buksan mo ang kotse! Halos mamaos si Graciela habang sumisigaw kasabay nang malakas na pagkatok sa bintana ng driver seat ng kotseng minamaneho ni Vincent palabas ng gate ng bahay nito na iniregalo ng ama nitong si Greg Visitacion pagka-graduate nito sa College. Hanggang sa makalabas ng gate ang kotse ni Vincent at automatic na sumara ang malaking gate ay nakasunod pa rin si Graciela sa sasakyan. Graciela: Vincent, parang awa mo na! Huwag mo akong iwan! Huwag mong gawin sa akin 'to! Huwag mo akong iwanang mag-isa! Nang unti-unti nang bumibilis ang takbo ng kotse ni Vincent ay nagsisimula nang maglakad-takbo si Graciela at kahit magkandapatid-patid na siya ay ininda niya iyon habang umaasang ititigil ni Vincent ang sasakyan at kakausapin siya nito bago pumunta sa airport kung saan naghihintay ang fiancée nitong si Cassie para sa pagpunta ng mga ito sa ibang bansa at doon ganapin ang kasal ng mga ito. Nang pinaharurot na ni Vincent ang kotse nito ay sinubukan pa rin ni Graciela ang humabol sa sasakyan nito kahit hinihingal na siya at magkandatisod-tisod dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hanggang sa sumuko na ang mga paa ni Graciela at nahahapo siyang napaluhod sa sementadong lupa habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Vincent. Papalayo kay Graciela at sa pangarap na sabay nilang binuong dalawa ni Vincent. Namalayan na lamang ni Graciela na may tumutulong luha sa kanyang pisngi habang binabalikan ang nakaraan. Graciela: Wala ka ng karapatan sa akin, Vincent. Tandaan mo 'yan. ---------- Naniningkit ang mga mata ni Charles habang nakatingin kay Kathleen na ngayon ay nakatayo sa loob ng kanyang opisina habang mapang-akit na nakatitig sa kanya. Kanina ay halos mabali na ang daliri ni Charles sa pagkakapindot sa intercom matapos marinig ang sinabi ng kanyang secretary na naroon sa labas ng kanyang opisina si Kathleen. At lalong nag-init ang ulo ni Charles nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Kathleen matapos sabihin sa kanya ng kanyang secretary na naroon ang kaibigan ng kanyang asawa sa labas ng kanyang opisina. "Kapag hindi mo ako pinapasok sa loob ng office mo, makakakita ang mga empleyado ninyo rito ng nagwawalang buntis na babae. Alam mo ang kaya kong gawin, Charles." Halos madurog ang cellphone ni Charles sa diin ng pagkakakuyom ng kanyang kanang palad matapos mabasa ang mensaheng iyon mula kay Kathleen. Kathleen: Parang ang init naman yata ng ulo ng baby Charles ko. Matamis na ngumiti si Kathleen kasabay ng paglapit nito sa kinauupuang swivel chair ni Charles. Parang pangangapusan ng hangin sa katawan si Charles nang makita sa malapitan ang suot na red halterneck dress ni Kathleen na ang dulo ay umabot lamang ng dalawang pulgada mula sa itaas ng tuhod nito. Kathleen: Alam kong nai-imagine mo na ngayon ang mga larawang ipinapasa ko sa 'yo. Wala sa loob na napatutok ang mga mata ni Charles sa pagitan ng mga hita ni Kathleen na natatakpan ng pulang tela. Narinig ni Charles ang mapang-akit na tawa ni Kathleen na naging dahilan ng paglunok niya ng laway. Kinakabahan si Charles sa kung anong dahilan. Unti-unting pumapasok sa isipan ni Charles ang mahalay na mga larawang natanggap niya mula kay Kathleen. Kabisadong-kabisado na niya ang hitsura ng hiyas nito dahil sa mga larawang iyon. Kathleen: Yes, Charles. Alam ko ang iniisip mo ngayon. At tama ang hinala mo. Wala akong suot na thong sa ilalim ng dress na 'to. Malakas na napasinghap si Charles at agad na umangat ang kanyang paningin sa magandang mukha ni Kathleen matapos malaman mula rito na nagpunta ito sa kanyang opisina na walang suot na pang-ilalim. Kathleen: Pwedeng makita ng sinuman ang aking hiyas habang papunta rito pero malas lang nila dahil ang hiyas ko ay para lamang sa 'yo, Charles. Nakabuka pa rin ang bibig ni Charles dahil sa pagkamangha na naging dahilan para mamasa ang hiyas ni Kathleen dahil para rito ay napakasenswal ng paraan ng pagkakabuka ng bibig ng lalaki. Dahil sa bilis ng mga pangyayari kaya hindi rin napaghandaan ni Charles ang biglaang pagyuko ni Kathleen para sapuhin ng mga kamay nito ang kanyang mukha at sugurin ng dila nito ang loob ng kanyang bibig at ilingkis iyon sa kanyang dila. Sa puntong iyon ay parang may kung anong apoy ang nagliyab sa sistema ni Charles at biglang nag-init ang kanyang buong katawan. Namalayan na lamang ni Charles na ibinabalik niya kay Kathleen ang mapangahas na halik na iginagawad nito sa kanya. Tuluyan nang nakalimutan ni Charles ang init ng kanyang ulo sa itaas at ang init ng ulo ng kanyang alaga na lamang ang nangingibabaw nang mga sandaling iyon. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD