GUSTONG matawa ni Lady habang pinagmasdan niya ang mga tindahan sa lugar na iyon. Medyo nawi-weirduhan siya sa mga pangalan ng mga establisyimentong naroon. Halimbawa na lang, ang kakakilala pa lang niyang si Olay. ‘Paraiso ni Olay Sari-sari Store’ ang pangalan ng tindahan nito. Ang flower shop na nadaanan niya kanina, ‘Hardin ni Panyang flower shop’ naman ang pangalan. May nakita din siyang ‘Kuskos-Piga Laundry Shop’, ‘Boutique ni Chacha’. Tanging ang Rio’s Finest pa lang ang medyo matino sa mga nakikita niya.
“Bilib ka no?” ani Panyang, na siyang pumutol sa pag-iisip niya.
“Ha? Saan?”
“Sa mga pangalan ng tindahan dito. Unique ba?”
Napangiti siya. “Oo nga eh. I like it, actually. Nakakatuwa.”
“Ganyan talaga dito. Bawal sa Tanangco ang malungkot.” Sagot naman ni Olay.
“Mukha nga. Kaya nga dito ko napiling magtago habang abala sa pagkalkal ang mga tsismoso’t tsismosa sa buhay ko.” Sagot naman niya.
“Hay naku Girl, huwag kang mag-alala pagdating sa parteng ‘yan. Walang taga-media na puwedeng makapasok dito. Lagot sila kay Kapitan Gogoy Lombredas.” Pagmamalaking sabi ni Myca.
“Korek!” sang-ayon naman ni Abby.
“Salamat ha? Kasi kahit na bago pa lang ako dito. Hindi na iba ang turing n’yo sa akin.” Wika niya.
“Sus! ‘to naman, okay lang ‘yun. Kami naman, eh natural na mabait lalo na sa mga girlfriend ng kaibigan namin.” Sagot ni Panyang tapos ay umakbay pa sa kanya.
“Uhm… Teka, nagkakamali ka. Hindi ko naman siya boyfriend.” Pagtatama niya dito saka nahihiyang ngumiti sa kausap niya. Pero bakit tila gusto ng puso niya ang ideyang nobyo niya ito.
“Ha? Hindi ba?” kunwari’y nagulat na tanong ni Madi.
“Ay sayang! Akala pa naman namin, kayo na ni Pengkum. Bagay pa naman kayo.” sabad ni Abby.
“Oo nga.” sang-ayon naman ni Chacha, karga ulit nito ang cute na si Chinchin. “’Di ba anak?” pagkausap pa nito sa walang malay na sanggol.
“Pero alam mo? Sa totoo lang, ikaw pa lang ang babaeng nakakatungtong diyan sa bahay ni Humphrey.” Singit naman Adelle.
“Really? Eh ‘di ba si Panyang nandoon lang noong unang beses ko na pumunta dito?” nagtatakang tanong niya.
“Well, except us. Dahil kami kaibigan n’ya kami. What I mean is, ‘yung hindi niya kaibigan. Gaya mo, bagong kakilala ka pa lang.” paglilinaw ni Allie.
“Ah okay. So, I should be more thankful to him, right?” aniya.
“Right,” sang-ayon naman ni Olay.
“Grabe! Nakakakilig naman ang first meeting n’yo. Imagine, you’re sharing your one miserable night with tequila. And comes in, your knight and shining armour. Saving you from the eyes of all those judgemental bitches.” Sabad naman ni Panyang na nag-e-emote pa habang nagsasalita.
“Wow naman! Bakla, ikaw ba ‘yan?” nang-aasar na tanong ni Olay.
“Uy teka,” sambit ni Madi. Sabay punas ng panyo sa may ilong ni
Panyang. “Nagdudugo ang ilong mo.”
Napuno ng tawanan ang tapat ng tindahan ni Olay, kung saan sila nakatambay.
“Lapastangan ka Diwata! Paslangin kaya kita!” singhal ngunit pabirong wika nito kay Madi.
Binelatan lang ito ng huli.
“Pero isa lang ang masisiguro ko sa’yo. Kahit na mukhang puro kalokohan lang ang alam n’yan. Mabait si Humphrey.” Wika ni Madi.
“Alam ko. Napatunayan ko na ‘yan.” May ngiti sa labing sagot niya. Kasunod niyon ay ang pagsulpot ng guwapong imahe nito sa kanyang isip.
Ang kaba na naramdaman niya ng una silang magkita sa Bar ay muling naghari sa puso niya. Tila bigla ay nanikip ang dibdib niya. Sa isang iglap ay parang nais niyang makita ng mga oras na iyon si Humphrey. Natutop niya ang dibdib ng wala sa sarili. Bakit bigla ay ganoon ang naramdaman niya para dito?
“Basta, kung wala si Humphrey diyan sa bahay niya at kailangan mo ng tulong. Hanapin mo lang kami. Alam mo naman, nakakalat lang kami dito sa Tanangco.” Singit naman ni Abby.
“Korak!” sang-ayon ni Olay.
Lady felt better. Sa ngayon, kuntento siya sa lugar na ito. Iyon na yata ang pinakatahimik na dalawang araw ng buhay niya. At kung siya ang tatanungin. Hindi niya ipagpapalit ‘yon sa kahit na anong bagay sa mundo.
NAKAGAT ni Lady ang dulo ng isang daliri niya. Nagsimula na siyang makaramdam ng takot. Hindi na rin niya alam ang gagawin niya. Paano ba naman siyang hindi matataranta? Maaga kasi siyang nagising ng umagang iyon. At dahil wala naman siyang maisip na gawin. Napagpasyahan na lang niyang magluto ng almusal para kay Humphrey. Para kahit paano naman ay makabawi siya dito sa lahat ng naitulong nito sa kanya. Ang kaso, mukhang ayaw talaga ng pagluluto sa kanya. Dahil nasunog niya ang pini-pritong itlog pati ang tasty bread na sinubukan niyang i-toast ay nasunog din.
Nagulat pa siya ng humahangos na dumating si Humphrey. Base sa hitsura nito, halatang kagigising lang nito dahil gulo pa ang buhok nito.
“Sunog! May nasusunog!” sigaw pa nito.
Gusto niyang matawa sa reaksiyon nito. Obviously, umabot ang amoy na sunog sa kuwarto nito. Tumikhim muna siya bago hinarap ito.
“Uhm… Relax ka lang. Walang sunog.” Aniya.
“Wala?” ulit pa nito.
Tumango siya.
“Kung ganoon, ano ‘yung naamoy ko na parang nasusunog?” tanong nito. Bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala.
Pikit-matang tinuro niya ang pagkain sa ibabaw ng mesa. Hinintay niyang sumigaw ito at pagalitan siya, ilang segundo na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang narinig mula dito. Dahan-dahan siyang dumilat. Nang tingnan niya ito. Nakita niyang nakatitig lang ito sa pagkain. Pero salubong ang mga kilay nito.
“Sinayang mo lang ang pagkain. Alam mo bang maraming nagugutom sa mundo?” sermon nito sa kanya na para siyang bata.
“Sorry. Gusto ko lang naman makatulong sa’yo. Ayoko naman na nakikitira na nga lang ako sa’yo. Wala pa akong ginagawa.” Sagot niya.
Napailing ito. Hinila nito ang isang silya at doon naupo. “Look, Miss Castillo. Kung hindi mo kaya, just say so. Wala ka dapat ikahiya. Tuturuan kita.”
“I was just wondering. Bakit napakadali sa’yo na tulungan ang ibang tao? Lalo na ako. Kung tutuusin, I’m a total stranger to you,” nagtatakang tanong niya.
“Because I have this feeling inside me that you needed me. And I promised you while you were sleeping that I would never leave you.” puno ng emosyon na wika nito sa kanya. Habang nakatitig sa kanya.
Tumagos sa puso niya ang mga sinabi nito. Kasabay niyon ay ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. Bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya? Napapansin niyang habang tumatagal at nakikilala niya ito ay unti-unti rin nagkakaroon ng puwang sa puso niya si Humphrey. Lihim niyang kinalma ang sarili. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon. Hindi pa napapanahon para sa bagong pag-ibig. Natatakot na siyang masaktan ulit. Ayaw na niyang maiwan pang lumuluha ulit. Baka hindi na niya kayanin pa.
Tumikhim siya. Naupo siya sa isa pang silya sa tabi nito.
“Thank you. Hayaan mo, makakabayad din ako sa lahat ng kabutihan mo sa akin.” Sagot niya sa sinabi nito.
“Hindi ako naniningil. Bukal sa loob ko ang ginagawa ko para sa’yo,” Wika nito, ngunit sa pagkakataon na ito. Nawalan ng emosyon ang mukha nito.
“Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung anong puwede kong gawin para sa’yo.”
Tinitigan siya nito sa mga mata. Napalunok siya. Bigla siyang nailang dito. Kung tingnan kasi siya nito ay para itong may hinahalukay sa pagkatao niya. Mayamaya ay ngumiti ito. Isang klase ng ngiti na lalong nagpakabog sa dibdib niya.
“What?” kunwa’y inosenteng tanong niya.
“Saka mo na malalaman kung ano ang gagawin mo para sa akin. Hindi pa tamang panahon ngayon.” Sagot nito. Tumayo ito at naglakad patungo sa hagdan. May sinabi pa ito bago ito tuluyang umakyat.
“Itapon mo na lang ‘yang over toasted egg at bread mo. Sa Rio’s na lang tayo kakain,” sabi pa nito saka tuluyang umakyat pabalik sa silid nito.
Hindi na niya napigilan ang kilig na naramdaman. Wala na ito sa harapan niya ngunit tumanim na yata sa isipan niya ang guwapong mukha nito habang nakangiti sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lang siya ka-apektado sa bawat simpleng ginagawa ni Humphrey para sa kanya. At kahit na pilit niyang sinasaksak sa utak niya na wala siya dapat na maramdaman para dito. Nawawalan siya ng laban kapag puso na niya ang kumokontra dito.
Huminga siya ng malalim. Kung ano man ang gumugulo sa isip at puso niya sa mga oras na iyon. Mabuti na hindi na muna niya ito pangalanan. Ayaw niyang guluhin ang sarili. Naroon siya para magpahinga pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya nitong mga nakaraang linggo. Wala ng iba. Isang bagay na dapat niyang panatilihin sa isip niya.
“PAANO na pala ang trabaho mo? Kung tama ang pagkakaalam ko. You owned Lady’s Cosmetics.” Tanong ni Humphrey sa kanya.
“Yes. I owned it. Naka-indefinite leave ako. By this time, may OIC ako doon. Someone I can really trust.” Sagot ni Lady.
“Okay. Ang hirap talaga kapag sikat. Konting galaw mo nasa balita agad.” Komento nito.
“I didn’t choose to be famous. It’s just that, I don’t have a choice. Nasa Senado si Daddy. Naging parte na ng buhay namin ang mga camera lalo na noong eleksiyon. Hanggang sa nakasanayan ko na. Hanggang sa magsawa na rin ako.” malungkot na wika niya.
“Pero kung ako ang tatanungin. Mas gusto ko lang ‘yung simpleng buhay. Iyong walang mga matang pumapansin sa bawat kilos ko. Iyong malaya akong magmahal at masaktan ng hindi ako kinukutya ng mga tao.”
Muli ay bumalik ang kirot sa puso niya. All of a sudden, all the reasons of her pain and anger flashed back. Agad na nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Tumingala siya saka kinurap-kurap ang mga mata upang mapigilan ang pagtulo niyon.
“Hay, kainis naman oh! Ayokong mag-emote dito ah.” Sabi niyang dinaan na lang sa biro ang lahat. Ngunit pilit pa rin iyon kumawala sa mga mata niya. Agad niyang pinalis iyon.
“Ay ewan, napaka-iyakin ko naman talaga.” Aniya.
Nagulat pa siya nang bigla itong dumukwang palapit sa kanya at pinahid ng tissue ang mga luha niya. May kung anong lungkot siyang nababanaag sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung awa ba iyon o nakikisimpatya lang ito sa problema niya.
“Hindi ka dapat umiiyak ng dahil lang sa mga taong gusto kang hilahin pababa. Lumaban ka kung kinakailangan. Huwag ka lang iiyak. Dahil mas nasasaktan ako kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo.” Wika nito habang nakatitig ito sa kanya.
May kung anong humaplos sa puso niya na nakapagpabilis na naman ng t***k niyon. Nahawakan niya ng wala sa oras ang kamay nitong may hawak na tissue. Nang magdikit ang mga balat nila ay tila ba kapwa sila nagulat nang maramdaman ang animo kuryente na dumaloy sa kanilang mga kamay. Kaya agad na binitawan ni Lady ang kamay nito.
Pumagitna ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pareho silang tumungo at tinitigan na lang kanya-kanyang mga pagkain.
“Uhm… Ku-kumain k-ka na. Ubusin mo ‘yan ha? Para tumaba ka. ang payat mo kasi eh.” Pag-iiba nito sa usapan.
Napangiti siya. Hindi dahil sa sinabihan siya nito ng payat siya kung hindi dahil sa kagagahang ginawa niya. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya at bigla niyang hinawakan ang kamay nito? Nalilito man ay wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang. Maybe she was too mesmerized the way Humphrey stared at her. It’s like his trying to reach her soul.
“That’s more like it,” narinig niyang komento nito.
“What?” nakangiti pa rin tanong niya.
“You look more beautiful when you smile.” Sagot naman nito.
Magsasalita pa lamang siya nang magulat silang dalawa ng biglang may maghiyawan ng ‘Uy!’ sa paligid. Ganoon na lang ang pag-init ng pisngi niya nang makitang naroon pala sa likod nila ang iba pang mga kaibigan nito. Halos kumpleto pa naman ang mga ito. Marahil ay kanina pa nakikinig ang mga ito sa usapan nila.
“Naks naman oh!” natatawang tukso ni Jared sa kanila.
“Ayun naman, nagkaka-igihan na nga sila mga kababayan!” sigaw pa ni Madi.
“Grabe! Kinikilig ako sa’yo, Pare.” Biro pa ni Victor kay Humphrey.
“Ano? Kayo na ba?” nanunudyong tanong ni Justin.
“Nakita namin ‘yun,” dagdag pa ni Abby.
“Sabi na nga ba eh!” sabad ni Panyang.
“Wala ka naman sinasabi eh.” Kontra naman ni Adelle dito.
“Meron. Akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron!” panggagaya pa nito sa dialogue ng isang sikat na pelikula habang kuntodo emote pa ang maliit na babae.
“Praning! Uy Roy, itago mo na nga sa baul ‘yang asawa mo.” Biro pa ni
siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang. Maybe she was too mesmerized the way Humphrey stared at her. It’s like his trying to reach her soul.
“That’s more like it,” narinig niyang komento nito.
“What?” nakangiti pa rin tanong niya.
“You look more beautiful when you smile.” Sagot naman nito.
Magsasalita pa lamang siya nang magulat silang dalawa ng biglang may maghiyawan ng ‘Uy!’ sa paligid. Ganoon na lang ang pag-init ng pisngi niya nang makitang naroon pala sa likod nila ang iba pang mga kaibigan nito. Halos kumpleto pa naman ang mga ito. Marahil ay kanina pa nakikinig ang mga ito sa usapan nila.
“Naks naman oh!” natatawang tukso ni Jared sa kanila.
“Ayun naman, nagkaka-igihan na nga sila mga kababayan!” sigaw pa ni Madi.
“Grabe! Kinikilig ako sa’yo, Pare.” Biro pa ni Victor kay Humphrey.
“Ano? Kayo na ba?” nanunudyong tanong ni Justin.
“Nakita namin ‘yun,” dagdag pa ni Abby.
“Sabi na nga ba eh!” sabad ni Panyang.
“Wala ka naman sinasabi eh.” Kontra naman ni Adelle dito.
“Meron. Akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron!” panggagaya pa nito sa dialogue ng isang sikat na pelikula habang kuntodo emote pa ang maliit na babae.
“Praning! Uy Roy, itago mo na nga sa baul ‘yang asawa mo.” Biro pa ni Madi.
“Sige, tapos isasama kita!” ganti naman ni Panyang dito.
“Tama na nga ‘yan,” saway ni Roy sa dalawa.
“Siya kasi my love, inaaway n’ya ko.” Parang batang sumbong ng una sa asawa nito.
Inakbayan ni Roy ang kabiyak. Saka hinalikan sa sentido. “Kaya kita mahal na mahal eh. Kasi ang kulit mo!” sabi pa nito.
“Shucks! Ang sweet naman ng My Love ko,” kinikilig na sabi ni Panyang sabay yakap sa asawa.
Hindi maiwasan ni Lady na mainggit sa dalawa. Nakikita niya sa dalawa kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Bigla ay sumulpot ang isang malaking katanungan sa isipan niya. Siya kaya. Kailan kaya niya mahahanap ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya? Hindi dahil sa may kaya siya sa buhay. Kung hindi dahil mahal siya na kung ano ang totoong Lady Castillo. Sa isiping iyon, dumako ang mga mata niya kay Humphrey.
At sa tagpong iyon, muli na namang lumukso ang puso niya para dito. Napapikit siya. Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman niya? Halos mag-iisang linggo pa lang yata niyang nakakasama ito. Hindi yata tama na ganoon agad ang maging epekto nito sa kanya. Hindi maaari. At uulitin niya sa kanyang sarili. Nandoon siya para makalimot. Hindi para maghanap ng panibagong magpapaluha sa kanya.
“Hey.”
Napakurap siya. Ang nag-aalalang mukha ni Humphrey ang bumungad sa kanya.
“Are you okay? Natulala ka na diyan.” tanong nito.
“H-ha? Natulala na ba ako? Pasensiya na, may iniisip lang ako.” sagot niya.
Napailing ito. “Nagpunta ka dito hindi lang para magtago. Kung hindi para rin makalimot sa problema lalo na sa mga taong pilit na sinisira at hinihila ka pababa.” Sabi pa nito.
Tinawag nito si Abby at umorder ng spaghetti.
“Para kanino ang spaghetti?” tanong niya.
“Para sa’yo. Simula ngayon, gusto ko kumain ka ng marami. Hangga’t nasa poder kita, dapat marami kang kakainin. Hindi iyong konti. Para may lakas kang harapin ang lahat ng problemang darating sa’yo. And you should pray. Only God can help you in the midst of everything.” Dagdag pa nito.
Muli ay napangiti siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan nitong gawin iyon. Kung tutuusin, bukod sa hiningi niyang tulong dito. Wala nang anuman itong obligasyon sa kanya. Hindi na rin dapat nito iniintindi ang mga problema niya. Pero naroon pa rin ito. Simula nang magkakilala sila ay wala nang ginawa si Humphrey kung hindi ang alagaan siya. Kahit na nadamay ito sa issue niya. He didn’t mind at all. Sa halip, bukas palad pa siyang tinulungan nito. Kung hanggang kailan siya nito tutulungan? Langit na lang nakakaalam. Sinabi nito sa kanya na hindi siya iiwan at may tiwala siya sa sinabi nito. Dahil iyon ang sinasabi ng puso niya.