Ang aga-aga pero konting-konti nalang at mahihimatay na si Margareth. Paano ba naman ay ang lakas ng putok ng kanyang katabing lalaki sa jeep. Nakataas pa talaga ang kamay nito.
Pasimple niyag tinakpan ang kanyang ilong
nang umusog ito sakanya.
"Bayad po." Binalingan siya ng
lalaki at ngumisi. "Wag ka ng nagbayad miss. Ako na bahala sa pamasahe
mo." Napaubo siya sa amoy ng bibig nito.
Pucha, kili-kili power plus bad breath equals
double kill.
"Wag na, pambili mo nalang ng tawas yon."
Mahinang pag bulong niya. Kumunot ang noo
nito.
"Ano?" Nasa boses nito ang galit. Mabilis siyang ngumiti at umiling tsaka inabot sa ibang tao ang bayad.
Nang maratating na nila ang babaan ay mas mabilis pa sa alas kwatro siyang bumaba ng jeep at tumakbo hanggang sa kalapit na tindahan.
Habol-habol niya ang kanyang hininga hindi dahil sa pagtakbo niya. Habol-habol niya ang kanyang hininga dahil sa pakiramdam niya ay naubusan siya ng oxygen sa lakas ng amoy ng lalaking katabi niya kanina.
"Miss okay ka lang?" Saglit niyang binalingan ang babaeng nasa loob ng tindahan, agad siyang umiling. Sakto namang
tumunog ang kanyang cellphone na 3315 na palaging walang load. Oo, 3315.
Walong taon na iyon sa kanya at buhay na buhay parin.
Kumunot ang kanyang noo nang makitang unknown number ang tumatawag. No choice siya at kanya nalang iyong sinagot ngunit hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad niyang narinig ang malakas nitong pagsigaw sa kabilang linya.
"Where the f**k are you?!"
Napasimangot siya nang makilala ang boses na iyon.
"Nasa tindahan--"
"You're fifteen minutes late already!
Hurry up and get your ass here!" Sigaw nito sakanya at agad na binaba ang tawag. Napapikit siya ng mariin at nagpadyak sa semento. Hindi naman na kalayuan ang building ng lalaking iyon kaya't tinakbo niya nalang. Hinihingal siya nang makarating siya roon. Agad niyang napansin ang mga mata ng babae na tinitignan siya.
"She's so losyang, and her hair is so messy! Taya bukid ata!"
"And her shoes, super luma!"
Maaarteng wika nito. Nakasuot lang kasi siya ng maluwang na T-shirt at mahabang palda na lampas tuhod. Lumapit na rin ang sapatos na suot-suot niya.
Napasimangot siya at pumasok ng building. Hindi niya nalang binigyan ng pansin ang mga taong tinitignan siya at agad na
tinungo ang elevator. Ngunit agad siyang napatigil nang may marealize siyang isang bagay.
Hindi niya pala alam gamitin ang elevator.
"Pucha..." Paano siya aakyat nito ngayon?! Napapadyak siya.
"Hey are you okay?" Napatingala siya sa lalaki sakanyang tabi.
Shet pogi.
Pasimple niyang inayos ang kanyang buhok at tumikhim. "O-okay lang ako. Hindi ko lang kasi alam paano gamitin 'tong alligator--este, elevator." Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa gwapo nitong mukha.
"Oh. That."
"Yes! that that."
Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. Oh shet! Nawawala ata ang garter ng panty niya! "I'll come with you. Are you going up?"
"Ay hindi ako papuntang langit. Buhay pa ako."
Muli itong tumawa ngunit this time, malakas na ang pagtawa nito. "What I mean is... Papunta ka ba sa taas?"
Pagtatama nito.
"Ah. Oo, magtagalog ka kasi! Konti lang kasi naiintindihan ko sa english e!" Napailing-iling ito habang nakangiti.
Ang gwapo niya talaga! Ang puti ng ngipin nito saka ang tangos-tangos rin ng ilong nito. Pati ang lips, pinkish! Sarap i-kiss!
"I'm sorry-- I mean, pasensya ka na. Nasanay kasi ako sa bestfriend kong lalake, lagi siyang nage-english e."
Napakurap-kurap siya. Wow! May bestfriend raw. Baka gwapo rin! Hihihi!
Napasinghap siya nang hapitin siya nito sa bewang. Agad niya itong tiningala. "A-ano, b-bakit ka nakahawak
sakin?"
"We're going in." Ani nito habang nakangiti. Napatingin siya sa harap. Nakabukas na pala ang pintuan ng alligator--este
elevator. Pumasok sila roon.
*/*
It's been ten minutes since he called her ngunit hanggang ngayon ay hindi parin dumadating si Margareth! He gritted his
teeth. Kanina pa siya nagpapabalik-balik sa kanyang opisina. Sakto namang bumukas ang pintuan.
"You're twenty five minutes late! Where have you--Klizlev?!" Napatigil siya nang tumambad sa kanyang paningin ang kanyang bestfriend. Nasa tabi rin nito si Margareth.
"There's my bestfriend!"
"Bestfriend mo?!" Tumango si Klizlev at tsaka siya nginitian. "Hello bestfriend!"
Bumaba ang kanyang tingin sa kamay ng kanyang bestfriend. Naikuyom niya ang kanyang kamao nang makitang nakahawak ito sa bewang ni Margareth.
"Hello my ass! f*****g let go of her!" Napatigil ito at napatingin sa babaeng katabi. Nakita niya ang pagngisi ng kanyang bestfriend at agad na niyakap si Margareth.
"Don't wanna! She's so beautiful, I want to hug her all day!" Tanggi nito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa babae. Hindi niya na napigilan ang lapitan ay hilain ito kay Margareth.
"Asshole!"
Klizlev grinned at him. "You're so hot headed bestfriend. I was just kidding! But seriously though, I want to hug her
again--" mas lalong humigpit ang kanyang pagkakakapit sa braso ni Margareth.
"Don't you dare!"
Napahalakhak ang kanyang bestfriend.
"Why are you here?! I thought you were in Switzerland?!" Tanong niya sa lalaki.
"I was just visiting you. I missed you bestfriend."
"Well, I don't miss you! Get out of my office!" Nakita niya ang paglawak ng ngisi ng kanyang bestfriend.
"Okay! I'm leaving! You're so hot headed!" Napairap siya. Tumingin ito kay Margareth.
"Nice meeting you Margie! I'll see you again."
"N-nice meeting you din K-Klizlev..."
Ngumiti ang kanyang bestfriend bago lumabas ng kanyang opisina. Agad niyang binalingan si Margareth na masama ang tingin sakanya.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
"Why are you with him huh?! Is he reason that you're late?!"
Napakagat ito ng labi. "Sabihin mo!"
"Tangina ano'ng sasabihin ko kung ni isa sa mga sinabi mo wala akong maintindihan?!"
Natampal niya ang kanyang noo. "At tsaka bitawan mo nga ako! Namumula na ang braso ko sa higpit ng kapit mo e! Ang sakit sakit rin! Its hurt!"
Napatingin siya sa braso nito and true to her words, namumula na nga ang braso nito. Agad niya iyong binitawan.
"Bakit ka ba galit na galit ha?!"
Pasigaw nitong tanong habang hilot-hilot ang braso nitong namumula. Wala siyang maisagot. Hindi niya rin kasi alam kung bakit siya nagagalit. Dahil ba na-late ito? O dahil kasama ito ng bestfriend niya?
Naikuyom niya ang kanyang kamao at naupo sa kanyang swivel chair. "I'm mad because you're late for f*****g twenty five
minutes!" Sigaw niya rito. "Get out of my office! Change your clothes! and do your f*****g job!"
"Lecheng lalaking 'to! Required manigaw?!" Sinamaan niya ito ng tingin.
"Get out!"
"Lalabas na nga! Punyeta!" Sigaw nito at pabagsak na isinara ang pintuan ng kanyang opisina.