Third Person
"Tsk," napasinghal si Darren habang palinga-linga sa paligid.
Sa tingin niya ay nawawala na talaga siya sa gitna ng kagubatan at hindi na niya malaman kung makakalabas pa ba siya sa lugar na iyon.
Alam niyang masyadong malayo ang nilakad niya kanina nang sundan niya ang dalaga. Hindi niya rin naman maintindihan ang sarili niya kanina. Para bang na-hypnotismo siyang bigla ng dalaga at hindi na niya naisip pa kung ano ang kahihinatnan niya sa pagpasok niya sa kagubatang iyon.
"Bwisit." Kinapa niya ang sarili niya sa pagbabakasakaling may dala siyang phone ngunit sabay na bumagsak ang balikat niya nang wala siyang nakapa sa suot niyang robe.
Unbeknownst to him, the woman followed him and watched his every move. Hanggang sa ngayon ay iika-ika pa rin si Darren sa paglalakad dahil sa pamamanhid ng kaliwa niyang binti.
Naisip niyang kailangan niyang makalabas sa lugar na iyon para pumunta sa Doctor at makasigurong wala ng venom na naiwan sa katawan niya mula sa ahas na nakakagat sa kanya.
Isang kaluskos naman ang nagpahinto sa kanya mula sa paglalakad at siyang ikinalingon niya sa paligid.
"Is there anyone there? Hey!" he shouted and waited for someone to answer, but he heard nothing.
Naisipan niyang puntahan ang lugar kung saan narinig niya ang kaluskos.
May kataasan ang mga talahib sa nadaraan niya kaya't hindi niya kaagad maaninaw kung galing man sa hayop ang narinig niyang kaluskos. Nagtataasan rin ang mga punong-kahoy sa buong paligid at halos matakpan ng mga ito ang sikat ng araw sa itaas.
Nagpatuloy siyang muli sa paglalakad hanggang sa makarinig siyang muli nang kaluskos sa dulong bahagi kaya naman sinundan niya pa rin ang kaluskos na iyon.
Hanggang sa magsunod-sunod ang mga kaluskos na naririnig niya.
"Hey! Is there anyone here?!"
Wala pa ring sumagot sa kanya kaya't kinakabahan man ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at patuloy na sinusundan ang kaluskos hanggang sa dulong bahagi ay matanaw na niya ang open place at malawak na parking lot ng resort kung saan sila ngayon nananatili.
"What the f**k?" Darren couldn't believe it as he stared at it.
Napatakbo na siya kahit iika-ika pa rin, para lamang makarating kaagad siya sa open place na iyon.
"Whoaa! Nakalabas rin! Akala ko makukulong na ako talaga—" He looked at the forest where he had come from, but he stopped when he saw the woman he had been with a while ago in it.
"H-Hey!" Tinangka niya itong lapitan at pumasok muli sa gubat ngunit mabilis nang tumakbo ang dalaga palayo at kaagad itong nawala sa kanyang paningin.
Napaisip siyang bigla kung hindi kaya ang babaeng 'yon ang naririnig niyang mga kaluskos kanina? Hindi ba siya nito natiis kaya't lihim pa rin siyang sinamahan sa paglalakad at itinuro ang tamang daan sa kanya?
Darren just shook his head as he smiled. Sa isipan niya ay lumarawan ang buong pigura ng hubad na katawan ng dalaga ngunit napakurap siya nang pumasok na sa isipan niya ang mukha nito.
"Fuck."
Maganda ang dalaga kung tutuusin base sa kanan nitong mukha ngunit ano nga kaya ang nasa kaliwa nitong pisngi? All he knows, it was kind of a birthmark but he wondered why it was so big. It almost covered half of woman's face and hid her true beauty.
Naisipan nang bumalik ni Darren sa hotel na inuukupa niya at nagtungo sa silid ng isa niyang kapatid na si Daemon na kasama niyang nagtungo sa isla Villaroel.
Sampo silang magkakapatid sa ama ngunit hindi pa rin nila sigurado kung sampo lang ba talaga sa dami nang naging babae ng ama nila. Si Dominic at Dylan ang panganay dahil parehas sila ng edad na ngayon ay bente otso na. At silang walong natitira ay halos magkakasabay ang edad na bente kwatro pababa.
"Hey. Patingin nga ng birthmark mo," aniya sa kapatid niyang si Daemon na kalalabas lamang ng banyo ng silid.
"Why?"
"Isn't it, you have one behind you?"
"Bakit nga?"
"Titingnan ko lang!"
Hindi na nakapalag si Daemon nang mabilis siyang itinalikod ni Darren at tiningnan ang birthmark niyang nasa likod niya. Tanging boxer lang ang suot niya sa mga oras na 'yon kaya't madali lang makikita ang birthmark niyang hindi naman kalakihan.
"Bakit ang liit?" Darren asked him in surprise.
"Anong maliit? Ano bang gusto mo, malaki?" Nahihiwagaang tiningnan ni Daemon ang kapatid niya habang nagtutungo siya sa mesa niyang puno ng box ng pizza.
"I saw a beautiful woman," said Darren, who followed him and took a slice of pizza.
"Wala namang pangit sa iyo," nakangiwing sagot naman ni Daemon sa kanya kasabay nang pagngasab niya sa pizza.
"Oy, choosy ito, no? Wala pa akong pangit na naikama," may pagmamalaki sa tinig na sagot naman ni Darren sa kanya.
"Eh, 'di wow. Kaka-choosy mo, sa pangit ka mapupunta." Binelatan si Darren ng kapatid niyang si Daemon bago isinubo ng buo sa bibig nito ang hawak nitong pizza.
"P-Pangit?" Darren paused for a moment.
The face of the woman he had encountered earlier flashed through his mind again.
"Parang na-scam nga ako ng ganda niya kanina," wala sa sarili niyang banggit habang nakatitig sa kawalan.
"Scam? Why? Who scammed you?" Nagtataka namang napatitig sa kanya ang kapatid niya.
"Wala. Lalabas muna ako. I'll look for the Doctor. I was f*****g bitten by a snake in the forest." Mabilis nang nagtungo si Darren sa pinto kahit iika-ika pa rin sa paglalakad.
"What?! Baka naman babaeng ahas lang 'yan?"
"Sana nga babae lang."
Tuluyan na siyang nakalabas ng unit ng kapatid niya. Nagtungo lang siya sandali sa unit niya upang magsuot ng boxer at kaagad ring lumabas.
Sa front desk receptionist niya naisipang magtungo sa pagbabaka-sakaling may alam silang Doctor sa lugar na ito.
"Sir, may kalayuan po kasi dito ang hospital na hinahanap niyo. Pero mayroon naman po tayong clinic dito. Gusto niyo po bang samahan ko na kayo?" matamis na alok sa kanya ng babaeng receptionist at hindi lingid kay Darren ang mga ganitong gesture ng mga kababaihan sa tuwing nakakaharap siya ng mga ito.
Ngunit hindi niya trip ang dalaga. Hindi ito maganda sa paningin niya lalo na't may nasisilip siyang munting taba sa baba nito.
"Nevermind. Ako na lang ang hahanap." Kaagad na niyang tinalikuran ang receptionist.
Sumimangot naman ang dalaga dahil inisnab ang beauty niya ng gwapong binata.
Nagpaikot-ikot si Darren sa buong resort hanggang sa makarating na siya sa baybaying dagat kung saan may mangilan-ngilang tao at mga booth na sa tingin niya ay may mga samo't saring paninda.
"Hi, pogi!"
"Ang gwapo!"
"Oo nga!"
Ilang kababaihan ang nakasalubong niya na hantarang ipinapakita sa kanya ang kilig nila habang nakatitig ang mga ito sa kanya. Ngunit wala sa kanila ang trip niya kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi pinansin ang mga ito.
Hanggang sa isang naka-bikining babae ang natanaw niya sa gilid na dahan-dahan nang lumulusong sa tubig.
"Whoa." Napasipol si Darren habang nakatanaw sa babaeng super sexy sa suot nitong bikini.
"Ulan, anak! Halika at kumain ka muna! Maggagabi na!"
"Tay, maaga pa po! May araw pa nga, oh."
Bigla namang napalingon si Darren sa narinig niyang pamilyar na tinig ng babae.
Napanganga siya habang hinahanap ito sa mga kababaihang abala sa pamimili ng mga paninda sa mga nakahilera na booth sa harapan niya.
Isang may edad na lalaki naman ang nasa tabi niya na nagtitinda ng mga buko ng niyog.
"Ano ka bang bata ka! Wala ka pang mirienda! Halika muna dito!"
"Opo, nand'yan na po, tay!"
Tuluyan nang napanganga si Darren nang lumabas na mula sa umpukan ang babaeng may malaking birthmark sa mukha at lumapit ito sa matandang lalaking nasa ka-lapit niya. She was the woman he had followed into the forest a while ago.
Hindi pa siya napapansin ng dalaga dahil abala ito sa hawak niyang mga kwintas na yari sa mga kabibi.
"Hi, babe." Isang babae naman ang napansin niyang lumapit sa kanyang tabi at humawak sa tali ng suot niyang robe. "Would you like to join with me?" malambing nitong tanong sa kanya.
Ngunit hindi ito nakuhang lingunin o pansinin ni Darren dahil animo'y nahi-hipnotismo na naman siya ng dalagang hindi pa niya nakikilala o nakukuha ang pangalan ngunit siyang nagpapawala kaagad ng katinuan niya.