Grow up. He said, I should grow up. Ako pa talaga ang kailangan mag-grow up? Siya nga itong nambubully? Gawain ba ito ng matured na tao? Napatingala na lang ako sa kisame ng aking kwarto. And what does he mean by f*****g grow up? And he thinks that I'm taking him for a dog? Ginulo ko ang buhok ko at pinadyak ang paa kong nakalapat sa aking paa. Ang kalahati ng aking katawan ay nasa kama. Tumayo ako at kinuha ang uniform ko. Binuhay ko ang shower at mabilis na naligo. Nadatnan ko si Kourt na nanonood ng movie. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "May shift ka ulit girl? Akala ko M-W-F ka lang? Thursday ngayon, ah?" Tanong niya. Natigilan naman ako sa pag-aayos ng aking bag at nilingon ang kalendaryo. Oh my gosh! Thursday nga ngayon at wa