Chapter 1
Hoy! Carla bilisan mo jan ito pa labhan mo. Pagkatapos mo jan maglilinis kapa. (Si Amy)
Binubulyawan nanaman ako,
Ako si Carla Mendez 18 years old na ako.
Simula ng nagkakaisip ako Ay sa ampunan na ako nakatira.
Ang sabi nila nakita Lang nila ako sa labas ng gate isang gabi.
Naiiba ang ampunan na ito dahil ibenibenta nila kami sa mayayamang gustong bumili ng isang alipin.
Siguro ang swerte na ng mga kasamahan natin na nabili na Carla (si Margie)
Si Margie ang naging kaibigan ko dito, siya lang ang nakikipag usap sa akin,
Dahil ang iba ay umiiwas sa Akin, siguro dahil takot silang awayin ni Amy.
Si Amy ay kasamahan ko dito sa ampunan mga bata palang kami pansin ko na ayaw niya sakin,
Lahat ng mga gawain dito halos sakin na niya pinapagawa ni minsan hindi ako naglilikramo sa kanya,
Hinahayaan ko nalang para wala ng gulo at ako na naman ang mapapagalitan.
Kahit sobrang pagod ang nararamdaman ko ay tinitiis ko nalang para may matitirhan at may makain ako.
Carla pinapatawag ka ni ma'am Lila(si Margie)
Si Ma'am Lila ang may ari ng ampunan at nagpapatakbo dito.
Oo Margie andyan na, magbabanlaw Lang ako ng kamay, dali dali akong naglakad dahil baka pagalitan nanaman ako.
Pagdating ko sa opisina ni ma'am Lila ay agad akong kumatok.
Ma'am Lila andito na po ako, ilang saglit Pa bago sumagot si ma'am.
Yes Carla pumasok ka, binuksan ko kaagad ang Pinto at pumasok, pero bago Pa ako ay napansin ko na ang magandang babae na nakaupo sa sofa.
Siguro nasa 50plus na siya, pero Hindi halata dahil sa taglay niyang ganda at sobrang kinis ng balat.
Sa hitsura palang nya ay napaka yaman na kung titigan mo sya ay parang sobrang taray ng mukha.
O Carla maupo ka muna (Si ma'am Lila)
Agad naman akong umupo sa may upoan na malayo ng kunti sa sofa at sa mesa ni ma'am Lila.
Carla sya nga pala si Madame Thalia Marco at ikaw ang napili nyang bilhin (si ma'am Lila)
Ikinagagalak kitang makita iha, wag kang mag alala mabait naman ang anak ko, dahil sya ang magmamay-ari sayo, nakangiting sabi ni Madame Thalia sa Akin.
Ang akala ko masungit si Madame pero di pala siguro mabait din ang kanyang anak katulad niya.