BB: 2

550 Words
"Tisay, ano na? Kumusta ang Manila?" tanong ng kaibigan niyang humihithit ng sigarilyo. "Gago, Boknoy asan na ang kapatid mo?" Pagsawalang bahala niya sa tanong nito. "Tisay, naman nakalanghap na ng Manila hindi pa rin nagbabago," anito na nakakamot sa ulo. "Boknoy, kahit ilang ulit ko pang langhapin ang usok du'n hindi talaga ako magbabago. Tsaka mas maganda dito sa probinsya no, huwag ka riyan. Asan na ba kasi ang Ate mo at namimiss ko 'yung gagang 'yun," seryosong aniya. "Hi prendsheep," nakapameywang na ani ng babaeng nakatayo sa pintuan at ngumiti nang napakalapad. "Anita!" malakas na sigaw niya at niyakap ang kaibigan. "Alam mo bang namiss kitang bruha ka? Ba't di mo na kami dinalaw ni, Mama du'n sa bahay? Nakakainis ka ha," aniya at hinampas ang kaibigan. Ngumiti lamang ito nang napakalapad at kinikilig na nagsalita. "Sorry na prendsheep, kasi si, Nestor. Alam mo na 'yun, monthsarry namin kahapon ang pesti prend e-surp ano ba 'yun prend?" biting ani Anita. "Surprise," sabi niya. "Oh yea, yea it's that. You know prendsheep 'di na ako napunta sa Manila kasi 'yung pesti na 'yun pinagpalit ako sa kapitbahay nila. Kesyo magaling daw 'yun mag ingles. Hindi hamak na mas magaling naman ako du'n. Litse siya, ama right?" seryosong ani nito. Natatawa man ay tumango na lamang siya sa sinabi nito. "Nga pala prend, nabakasyon ka yata diri? Wa kay trabaho prend?" takang tanong ng kaibigan niya. Ngumiti lamang siya at buti'y nakakaintindi siya ng bisaya. "Wa lagi prend, kuan biya na assign ko diri sa Davao kay naay expansion sa branch ba sa company," sagot niya rito. "Ay! Bigtime na gyud ka run ba. Enewey panty nga dirty kumusta lablayp mo?" nakangising tanong nito. "Asa naman tong gwapo nga bastos? Nag uyab mo ato?" usisa nito. "Hindi ah, Ewan ko saan na napuntang impyerno ang kulugong 'yon. Tsaka never, borit ato niya. Wa man toy klaro," sagot niya rito. Napasarap ang kwentohan nilang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Excuse sa day ha kay tubagon sa naku ni," aniya sa kaibigan at sinagot ang istorbong tumatawag sa kaniya. "Hello?" aniya. "Ms. Min, this is Perla, kailangan mo na pong bumalik dito sa Manila sabi ni, Mr. Primo. Bukas na raw kasi babalik ang Chairman ng Company. Since you're the General Manager he needs your presence to finalize all the company's accomplice para sa welcome party nila," ani ng sekretarya ng COO nila. "Okay, I understand. Babalik din ako agad-agad. Thanks for informing me," aniya at pinatay na ang tawag. Nanghihinayang na tiningnan niya ang kaibigan. "Day, sorry bawi na lang ako sa susunod. Punta ka sa bahay ha 'pag okay na ang papers mo para matulungan kita sa pag-a-apply mo," aniya sa kaibigan. Ngumiti naman ito at niyakap siya. "Promise day, pupunta ako du'n. Alam mo na mahirap din ang walang trabaho. Walang pera para sa pangangailangan," ani nito at niyakap na naman siya. "Sige day, I need to go. I'll call you when I get there," aniya at niyakap din pabalik ang kaibigan. Sumakay na siya sa kotse niya at diretsong pumunta ng airport. Buti na lang at may biyahe papuntang Manila. May kamahalan ang ticket but she doesn't mind ang importante lang ay makauwi na siya at makabalik sa Manila. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD