Chapter 6

1500 Words
*Windy POV* Napabalikwas pa ako sa pagkakahiga nang makita ang kakaibang ambiance ng kabuuan ng kwarto na kung nasaan ako ngayon. Purong black-grey at creme white ang nasa dingding na may mga casual at modern style na furnitures at leather sofas. Nakikita ko pa ang kagamitan nito na nagkalat sa kahit saan. Teka? Kwarto ng lalaki 'to, ah. Nasaan ba ako ngayon? Sapo ang aking mabigat na ulo, ay napabangon ako at sa kabiglaan ay nahulog ako sa gilid ng kamang iyon. "Potragis! " sambit ko pa habang nakabalot ang aking katawan sa kumot na iyon. "Animal?! 'Bat.. 'Bat ako nakahu----" "---good morning. " sabi pa ng boses na iyon habang dala ang kung akong tasa at inilagay iyon sa beside table ng kamang hinihigaan ko kanikanina lang. Simple pa itong umupo sa leather black na sofa couch sa harap ko at nag gesture ng cheers sa kanyang mug. Ang hudyong bakulaw na gorilyang si Cloud! Andito ba ako sa unit niya? May nangyari ba sa amin? Bakit ako nakahubad? Bakit ako nandito? Iyon ang mga tanong sa utak ko habang nakasalampak pa rin sa sahig. "I want.. I want my clothes! " sambit ko pa rito na tinugunan lang ng hudyong iyon ng mahinang pagtawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Werdo talaga! "Hey! I said I want my clothes! " sabi ko pa habang marahang tumatayo sa tulong ng kamang hinahawakan ko. Pero ang hudyong lalaking nasa harapan ko ay tila walang narinig at nagtaas lamang ng mayabang niyang kilay. Masaya pa itong tinititigan ang nahihirapan kong pagtayo na parang nanonood ng lumpong gustong bumukod. "Animal! Nasaan ang mga damit ko! " segunda ko pa rito. "I throw them." Napaawang ang mga labi ko sa gulat na may bahid ng inis. Potragis! "A-anong sinabi mo? Uniform ko 'yon! Animal ka talaga! Bakit ba.. Bakit ba----" "--bakit ano?" hindi ko maisiwalat ang aking gustong sabihin dahil sa mga titig nito sa akin na nakakamatay sa pagiging.. hot nito. Bakit ba ang gwapo mong gorilya?! iyon sana ang sasabihin ko. Pero-- Tumikhim ako at nag ayos ng sarili. I head up high while holding this sheet, and as what I dare to tease him ay naglakad ako papalapit aa kanya kaya naman nakita ko pa ang pagtigil nito sa paghigop ng kanyang kape na noo'y natataranta sa aking paglapit. And then, there.. I paused infront of him at marahas na binagsak ang kumot na tanging tumatabon sa aking kabuuan. Kaya naman, nakita ko pa ang pagbuga nito sa kanyang iniinom at noo'y napaubo na rason upang magkulay kamatis ang kanyang mukha. Hmm.. So I guess it right. It's his weakness. Naglakad pa ako papalapit dito kaya naman halos mapalundag ang kanyang malaki't matikas na anyo na tila takot sa babaeng naka hubad na gaya ko. "Hoy! Dyan ka lang! H'wag kang lalapit! " sabi pa nito na ikinangisi ko pa ng husto. Sa totoo, napapaisip ako kung bading ba ito, o sadyang werdo lang. Sa laki kasi ng katawan nito ay gayun naman ang takot niya sa isang gaya ko na.. Nakahubad lang naman. Hindi ba ito nanonood ng porn? Napabuntung hininga pa ako habang nag crosssed arms. "Gaya ng sabi ko, akin na ang mga damit ko, kung ayaw mo akong lumabas dyan sa pintoan mo at maglakad ako ng nakahubad sa unit ko.." sabi ko pa habang nakangiti rito. Tanaw ko pa ang pagtaas baba ng adams apple niya na parang lumulunok ng laway. Hmm.. Werdo talaga! Sa hindi pa nagtagal ay nasipat ko ang pouch ko at iyon lamang ang aking kinuha at marahang nagmartsa papuntang pinto. "T-teka teka! Hoy! --- Sandali! Heto na, ibibigay ko na. " pagpipigil pa niya sa akin habang aligaga na kinuha ang nakatuping mga gamit ko. Hmm..Nilabhan niya? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. "Here" abot pa niya sa akin habang nag iiwas ng tingin. Mas lumawak pa ang ngiti ko nang nakita ang naka-sideview niyang katawan na tanaw na tanaw ko pa ang mga mayayabang na bagay ng kanyang ibaba. Ang kanyang pang upo na matambok sa animo'y siksik sa muscle at ang.. bagay na noon pa ma'y naiintriga na ako. "Take.." sabi pa nito sa akin. Pero imbes na kunin iyon ay nakaisip ako ng kagagahan na alam kong hindi niya kakayanin. Ngiting wagi pa ako habang hinarap ito. "Isuot mo sa akin, gaya ng paghubad mo sa katawan ko.." *Cloud POV* "Isuot mo sa akin, gaya ng paghubad mo sa katawan ko.. " nag eecho pa ang boses ng warfreak na babaeng ito habang pina-plastada ang kanyang harapan sa akin. Dammit! Kanina pa ako nagpipigil na hindi mapako ang tingin sa katawan nito. I feel something strange whenever my eyes met that part of her. Sumasakit ang puson ko. Grabe! Halos hindi ko alam ang gagawin ko ngayon sa babaeng 'to. Kaya naman tinalikuran ko pa ito at pinabayaan sa kanyang pagkakatayo sa pintoan. Bahala siya kung aalis siyang nakahubo't hubad! Dumiretso pa ako sa couch habang nagpatuloy sa pag inom ng kape. Kunot noo ko pang sinipat ang gawi nya na noo'y nakatayo pa rin sa may pintuan. Until, we heard something noise from outside. Fuck! Ngayon pala pupunta ang mga tauhan ni tita Nikita para tulungan akong maghakot ng mga gamit papuntang lighthouse villa. Napatayo ako sa pagkakaupo para sana itago si Windy pero huli na nang mabuksan ito ni tita Nikita na noo'y may access card ng kwarto ko. "--good mor--" Hindi na nasambit ni tita Nikita ang dapat sanang bungad sa akin dahil nakita pa niyang nakatayo na parang pigyurin si Windy doon habang tanging tabon lamang ang kanyang dalawang mga kamay. Napaface palm naman ako na parang natalo sa isang laro. Nakita ko pa ang pagpapalit palit ng tingin ni tita sa akin at kay Windy na noo'y nakahubad. "Okey, I get it now.. " sabi pa ni tita na hindi ko maintindihan. Ngumisi pa ito at noo'y lumapit sa akin at bigyan ako ng halik sa pisngi. Sabay bulong ng mga salitang mas ikinawindang ko pa. "I get it now.. hijo, kung bakit gusto mo sa lighthouse villa tumuloy. " ngiting makahulugan ni tita sa akin. Damn! Hindi iyon ang gustong punto ko rito, pero huli na para magpaliwanag pa ako dahil nang masipat ko ang kinatatayuan ni Windy ay wala na ito roon. Halos lumuwa naman ang mga mata ng mga lalaking tauhan ni tita Nikita na noo'y nakasaksi rin sa pangyayari. Patay malisya lamang ang mga ito sa akin, habang nag snappy salute. Kahit pa sa ganuong ayos ko, ay nagresponde ako ng awkward na salute sa mga ito. Parang magiging malaking issue yata ako rito sa Isla ngayon. Ngayon pa't marami ang nakakita sa ganuong hitsura namin ni Windy. Pagak pa akong napatawa at bumuntung hininga. That damn lady! *** "Ilagay nyo na lang d'yan, sige salamat. " sabi ko pa sa mga tauhan na noo'y kasama ko sa paghakot ng aking mga kagamitan papuntang Lighthouse. Nagpaalam pa ang mga ito bago sumakay sa kanilang pajero at nilisan ang lugar ko. Pasado alas tres na nang hapon at heto nga't natapos ko nang ilagay ang mga huling gamit na kailangan ko. Bukod kasi sa pagiging lighthouse villa ko sa lugar na 'to, gusto ko ring maging headquarter ito ng monitoring department. Tamang tama ang aerial view dito na matatanaw ang karagatan at ang himpapawid. Lalo pa't nasa tuktok ito ng pangpang dito sa bahaging kanluran ng isla. Sentro din ang lighthouse na ito na nagsisilbing tower sa buong Rampage Building, I can see it clearly here the view down there. Isang telescopic view lang ang katapat at signal router ay konektado na ako sa building na iyon. Kaya naman sa tulong ng IT Head na si Adam ay ipinadala niya ang kanyang nga wiring specialist upang i-set up muna ang router dito kanina bago pa ako naghakot ng kagamitan. Sa paglilibot ko sa lighthouse ay napagtanto ko rin na may tunnel dito na pwedeng maging bunking area ng aking mga baril at kagamitan. Bukod kasi sa dala dala kong army weapon ay dala ko rin ang mga devices para sa bomb detecting at mga parapernalya na rin upang makabuo ng bomba. Yes. I know how to expose a bomb and how to make it. Bago kasi ako naging sniper shooter ay naisanay ako ni daddy Bimbo noon kung paano ang tamang paglikha ng bomba at kung paano ito ma-iclasify. Payapa ko pang isinalampak ang pagod kong katawan sa marmol na upuang nandoon. Pinasadahan ko pa ang antigong gusali na animo'y bahay na bato sa makalumang panahon. Sumilay pa ang ngiti sa labi ko nang sumiksik sa isipan ko ang mukha ni Windy. That Casino girl.. And as I murmur that thing ay napabalikwas ako sa pagkaka upo at inabot ang aking cafgo stripped jacket na pinaglagyan ko ng wallet. Until, I saw myself quietly panicking while looking for that thing. Dammit! Nandoon ang mahahalagang ID's ko at ang CASINO VIP access card. Idagdag pa ang mga tinuping liham ko noon sa isang dating kaibigan... ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD