Simula

1343 Words
"Who are you?" sigaw ko sa lalaki. Bakas din ang gulat sa kaniya. Mabilis kong kinuha ang kumot ang tinakip sa aking katawan. I don't even know kung nakita niya ba akong nakasuot lang ng panty at walang bra? Palagi akong hubad matulog so hindi ko malalaman kung hinubadan ba ako ng lalaking ito? Isang masamang ideya ang paghila ko sa kumot dahil nawala iyon sa katawan niya. I can see his morning wood! And this is my first time seeing it face-to-face! "I should be the one to ask you that! Why are you in my bed?" sigaw niya pabalik sa akin. "Your bed? No, no! I live here! Ahk ty yobanny mudak!" mura ko sa kaniya, gamit ang lenguwaheng alam kong hindi niya naman maiintindihan. Kinuha ko ang isa sa mga vase na nilagay ko sa kuwarto ko at inamba sa direksyon niya. Naguguluhan niyang nilingon ang kuwarto. Huminga siya ng malalim at kunot noong tumingin sa akin. "Don't tell me pinaupahan ni Elisha ang kuwarto ko?" Tila kulog na tanong niya sa akin. Natigilan ako sa sinabi ng lalaki. Elisha? He knows Eli... Don't tell me this is her brother? 'Yong gusto ni Maddison? What's his name again? Ely, right? Binaba ko ang vase at lumunok. So, this angel is the mysterious Ely Gaisano? Base sa mga kuwento ng hindi masukliang pag-ibig ni Maddi para ito ay para itong demonyo sa imagination ko. And it turns out he's... good-looking. "Yes. I am renting this room. Are you Ely?" tanong ko at kinuha ang aking shorts sa sahig at sinuot ng 'di tinatagtag ang mga mata ko sa kaniya. He stood there. Clueless for a minute. Nang makabawi ay dinampot din ang mga nakakalat niyang pants sa sahig at sinuot iyon. Napalunok ako. I've seen my friends in Russia, topless. Kaya hindi ko alam kung bakit namumula ako upon seeing his hard toned abs. "Do you know me? Kaibigan ka ni Eli? I've never seen you before..." galit na sabi nito. Agad siyang lumabas at padabog na sinara ang pintuan ng kuwarto... ko? Kinagat ko ang labi at sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri. Paglabas ko ay tahimik ang buong unit. Tiningnan ko ang kuwarto ni Elisha. She's still asleep? Isang oras na lang at may klase na siya. Lumabas ang pamilyar na lalaki sa kusina. May dala itong baso ng tubig at muling napatingin sa akin. "Don't worry. Nothing happened between us, Miss. Never ever tell this to my sister." utos niya at niluwagan ang suot na office attire. I sighed. Anong iniisip niya at ipagkakalat ko ito? Is he crazy? "Never. Over my dead body." I said. Pinagmasdan niya ako. Hindi ako nagpatinag at nilampasan siya para kumuha ng tubig. "Marunong ka bang magtagalog? You said something in other language earlier." he said, curiously. I shrugged. "Hindi ako dito lumaki but I can speak." I answered and opened the cupboard for a ramen. Ipinakita ko iyon sa kaniya. "Want some?" tanong ko. Umiling siya at binaba ang baso sa sink. Tumalikod siya at hinugasan ito. Nagpakulo naman ako ng tubig. "I am going home." he just said and went out of the unit. Naiirita akong lumapit doon at nilock ang pintuan. The hell right? Ilang minuto pa ay kumatok na ang kung sino sa pintuan. Binuksan ko ito at bumungad si Elisha na nakasuot pa ng kaniyang hoodie at may dalawang kape sa kamay. "Bakit naka-lock?" tanong niya at nilapag sa receiving area ang mga kape. "Nothing for safety purposes?" sagot ko at dinampot ang isang kape para inumin. I feel awkward. Seeing her after I woke up with her brother. Buti na lang at hindi niya naabutan! Kung makita niya rito ang kapatid niya na bagong gising ay paniguradong mahihimatay ako. "Ngayon mo lang ginawa 'to ah? But still, I am okay with it. Masiyado na nga'ng nagiging kumportable ang three idiots na pumunta rito." she replied. Pumunta siya sa kitchen. Sumunod ako sa kaniya. "Where have you been?" I asked. Nilingon niya ako at nagkibit balikat bago buksan ang pintuan ng toilet. "I went out for a morning jog. Hindi na ako kumatok sa kuwarto mo. I don't want to disturb you, Kourt." she sighed and closed the door between us. Nagsalin ako ng tubig sa aking baso. Lumapit naman si Elisha sa akin at halos mapatalon ako. Nagulat rin si Elisha sa ginawa ko. "Hey, okay ka lang ba talaga? Bakit ganiyan ka maka-react?" tanong ni Elisha sa naguguluhang boses. Tumawa ako at uminom ng tubig bago umiling. Nagpaalam ako na mag-aayos na para sa klase ko mamaya. Napatingin ako sa magulong kama. Walang bakas ng kapatid niya kanina. I opened the cabinet to find clothes ng makita ko ang isang oversized shirt sa tabi ng kama. Kinuha ko iyon. It was a yellow shirt. It smelled manly with a mix of alcohol pero hindi naman mabaho. In fact, napakabango noon. Ito ba ang suot nung kapatid ni Elisha? Ibibigay ko ba rito para maibigay niya sa kapatid niya? Umiling ako. Hindi puwede. Malalaman ni Elisha na rito matulog ang kapatid niya kahapon. More like, sa tabihan ko. Tinupi ko ang t-shirt at nilagay sa laundry bin ko. Naligo ako at nagpalit ng damit. Nagtoothbrush na rin ako. Elisha's room opened. Tumingin siya sa akin, medyo nawiwirduhan kasi namumula na ata ako. "May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Umiling ako. "Okay. Mauuna na ako ha? May pop quiz ako sa subject ko. Iiwasan ko pa yung three idiots." pagpapaalam niya. "Sure. Take care, Eli ." tumango siya at kumaway na. Nang magsara ang pintuan ay nakahinga ako ng maluwag. Inayos ko na rin ang sarili at chineck ang buong unit bago umalis. Magkaiba ang klase namin ni Maddi at Eli. Naglalakad na ako ngayon sa campus dahil sa kabilang building ang klase ko. It was hot and humid today. May ilang mga estudyante ang tumatango sa akin. I know some of them kasi nakakasama ko sila sa ilang klase ko at sa organization na sinalihan ko. I was a member of the archery club. I played that sports back in Russia. I kind of miss my life there. "Kourtney!" tumingin ako kay Isca, kaklase ko sa Constitution. "Isca." bati ko pabalik. "Libre ka ba mamaya after ng klase mo? Need na natin ipasa 'yung term paper this week." tanong niya sa akin. "Oo naman. Saan ba?" tanong ko. "May coffee shop ang family ni Trent sa BGC. Doon tayo mag group study." she answered. Tumango ako. "Sure, just text me the location. I will book a ride na lang after my Philo classes." I smiled at her. It was a long tiring day. Nag-book ako ng ride papunta sa address na na-send ni Isca. Medyo traffic lamang kaya halos gabi na din ng dumating ako. Apat kami sa grupo. Nandoon na silang tatlo at may mga kape na. Kaharap nila ang mga notes at laptop nila. "I am sorry. Traffic. Here are my papers." sabi ko at umupo na sa table na para sa akin. Tumango sila at tiningnan ang papers ko. Natapos ko na ang part ko kagabi at kailangan na lang ng minor revisions. We were kinda busy for the past hour ng makaramdam kami ng gutom. "Guys... Dinner time?" anyaya ni Brent at hinubad ang kaniyang eye-glasses, "Order anything. It's on the house." sabi niya at nagtaas ng kamay para sa waiter. I sipped on my coffee at halos maibuga ko iyon ng makita kung sino ang lalaking nagsusuot ng apron. Hindi niya pa ako nakikita kasi may sinasabi sa kaniya ang isa pang crew. Tumango siya at tinuro ang table namin. Lumapit siya sa akin dahan-dahan halos mapamura ako. "What's your order, Ma'am and Sir?" tanong niya. Natigilan siya nang makita ako. It's like nakilala niya ako. How can he forget me, right? Nagkatabi lang naman kami kaninang umaga sa kama! But what's more confusing is... ano ang ginagawa ng nag-iisang Ely Gaisano rito? At bakit siya nagtatrabaho rito? He should be working on a company as Eli said right?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD