Maxine Lyanne's POV "Lyanne, niyaya ka ni tita Nirvana na kumain. Mag breakfast sa hardin kasama ang lahat. Gusto ka niyang makita," nakangiting saad sa akin ni Gamble. Gusto akong makasabay kumain ng Tita niya. Ang magandang mama nila Hades at Neandro. Ano naman ang gagawin ko sa salo-salu nila? "Ayaw ni Tita na tinatanggihan siya kaya sumama ka na," natatawang saad ni Gamble sa akin. "Kayong dalawa lang naman ni Tita. Walang anak na babae 'yon kaya gusto ka niya." Gusto niya ako? Nakakatuwa naman na marinig na gusto ako ng Tita niya. Kinakabahan ako na makausap siya pero nakakahiya rin na tumanggi. Sila pa naman ang may-ari ng bahay na 'to. "S-Sige," sagot ko. "Ihahatid kita sa hardin," aniya sa akin. Tumango ako at humakbang kami palabas ng kwarto ni Fastia.