Maxine Lyanne's POV Hindi talaga siya titigil hangga't hindi ko siya nagugustuhan. Alam kong maling-mali kaya iniiwasan ko pero paano? Nasa iisang bahay kami. Siya ang tumulong sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pakinggan ang bawat sasabihin niya sa akin hindi katulad noon... Sana nga gano'n na lang din ang turing ko sa kanya. 'Yong hindi ko gustong pakinggan ang kahit na anong sasabihin niya. "Lyanne." Napataas agad ang ulo ko. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Lyanne. Si Gamble na papasok ng kwarto ni Fastia kung nasaan ako ngayon. "Aalis na ba tayo?" tanong ko sa kanya at tumayo sa kama. "Oo pero maupo ka muna," aniya at hinawakan ako sa siko ko ng marahan at hinila ako pabalik sa kama. Nagtataka na napatingin ako sa kanya na kaaharap