Maxine Lyanne's POV Gano'n nga siguro talaga. Kapag nagmamahal ka, hindi pwedeng palaging walang nasasaktan. Parehas na silang mahalaga sa akin. Si Gamble at si Ronnie pero sa tatlong linggo na lumipas na walang Gamble na umaalo sa akin, parang ang laking kulang. Mas malaki pa ang nawala sa akin ng tumigil si Gamble kumpara noong makulong na si Ronnie. Hinayaan nga ako ni Gamble na mapag-isip maigi. Kinilala ko ang sarili ko at inalam kung sino ba talaga ang mas matimbang sa kanilang dalawa. Ang utang na loob na iniingatan ko ay ang magiging dahilan pa pala para masaktan ko ang sarili ko at ang lalaking talagang hindi ko na kayang mawala. "Maxine, sure ka ba rito?" Napalingon ako kay Fastia na nagmamaneho ng kotse palayo sa hacienda ng mga Aceves. "Y-Yeah, m-may bibisitahin lang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books