Episode 15

2029 Words

Maxine Lyanne's POV   Nagsandok ako ng monggo na niluto ko sa isang mangkok at dahan-dahan na lumapit sa lamesa dito sa loob ng kusina. Dahan-dahan kong inilapag sa harapan ni Gamble ang gawa ko.   "Subukan mo na," sambit ko.   Naupo ako sa tabi niya at napangalumbaba. Pinanood ko siya na magsimulang kumain sa tabi ko. Sumubo siya ng pagkain at napalingon sa akin na may ngiti sa labi.   "Ang sarap," nakangiting sambit niya.   Napangiti rin ako at nagpatuloy na siya. Ang saya pagmasdan na makita siya na nasasarapan sa luto ko. Hindi nasayang ang pagod ko dahil tuwang-tuwa naman siya.   "Mas magaling ka pa nga sa mga cook namin," papuri niya pa sa akin.   Napangiti ako dahil sa papuri niya na sobra na.   "Ang galing mong magluto pero bakit hindi ka mahilig kumain?" tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD