Hindi mapigilan ni Andrew Zion ang mapangiti habang nakatitig sa kisame. Kasama niya ang kanyang mate. Inasikaso siya nito kahit hindi siya nito masyadong kilala. Zion can feel the worry and care of Lovely towards him. It makes him and his wolf happy. Pero napangiwi siya nang kumirot ng sugat niya sa tiyan at sa likuran.
Damn that crazy doctor!
Alam niyang illegal hunters labolatory ang pinuntahan ni Lovely kaya sinundan niya ito. He actually felt guilty. He killed that crazy doctor na siyang may-ari ng mansion. Nakita niyang tumakas ito kaya sinundan niya. The crazy doctor was experimenting werewolf kaya pinatay na niya ito gamit ang kapangyarihan niya sa hangin. Itinapon niya lang naman ito sa dagat at alam niyang nalunod na ito. Well,that's the p*****t for making him bleed. Silver ang ginamit nitong bala sa kanya kaya matagal bago maghilom ang sugat niya ganun din sa kanyang likuran. Aabutin pa ito ng ilang araw bago tuluyang maghilom ang mga sugat niya. Kung nasa Italy siya siguro baka kanina naghilom na ang sugat niya. His mom is a good healer. But good thing,he have a good caring nurse here...Lovely.
And speaking of his angel,where is she?
He sniff the air to search his mate scent...pero wala ito. Wala siyang marinig na ingay sa buong hotel room. Mukhang lumabas ang mate niya. Dahan-dahan siyang bumangon para lumabas ng kwarto dahil nakaramdam siya ng uhaw at ayaw niya ang nagkukulong sa kwarto. Kapag nasa palasyo siya ay lagi siyang nasa hardin at nagbabasa.
When his feet touch the cold floor,humawak siya sa gilid ng kama at dahan-dahang itinulak ang sarili patayo. Nang makatayo siya ay doon niya lang napansin na jeans lang ang suot niya. Wala siyang suot na pang-itaas,tanging bendahe lang ang nakapalibot sa katawan niya, then he remembered,sinabi pala ni Lovely na itinapon na nito ang damit niya.
Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kwarto habang nakahawak siya sa pader. He opened the door at sumalubong sa kanya ang living room. Lumabas siya at mabagal na naglakad patungo sa alam niyang kusina.
It really hurts!
Kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig galing sa water dispenser. Then he heard the door at the living room oppened. Agad niyang nalanghap ang mabangong amoy ng mate niya. It's really addicting. Narinig niya ang yabag nitong patungo sa kusina,sa kinaroroonan niya.
"Andrew?"
Agad siyang humarap dito,inilapag niya ang hawak na baso sa mesa. "Hi." He greeted. "Nauuhaw lang ako." Napatingin siya sa mga bitbit nito.
"Sorry,nakalimutan kong nag-iwan ng tubig sa kwarto mo."
He smiled. "It's okay."
"Ahmm,I bought some clothes for you and slipper." Sabi nito at inilapag sa mesa ang hawak nitong paper bag.
Zion was stunned. Ganito kabait ang dalaga? She doesn't know him but she's taking good care to him. Could she feel their bond? Or their connection? Kahit sinong tao ay hindi gagawa ng ganito lalo na at hindi siya nito gaanong kakilala. Was it her nature?
Napangiti siya. Siguradong magugustuhan ng kanyang pamilya ang dalaga. Napaigtad siya nang may bagay na lumusot sa ulo niya.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka pumapansin. Ano bang nangyayari sa'yo?" Sabi ni Lovely habang sinusuot nito ang damit sa kanya.
Ganito rin pa rin kaya kabait at maasikasuhin ng dalaga oras na malaman nito ang tunay niyang pagkatao. Napailing siya. Hindi 'yun ang kailangang niyang isipin ngayon. I-enjoy na lang niya ang panahon na kasama niya ang dalaga. Alam niyang katakutan siya nito oras na malaman nito ang pagiging isang lobo niya.
At parang isang asawa ay inaasikaso niya nito. "Wear that." Sabay turo nito sa tsinelas na nasa tabi ng paa niya.
"Thanks." Umupo siya.
Tumango lang ang dalaga. "Isang linggo na lang ako dito sa Aurora." Sabi nito habang inilalabas ang mga pinamili nito. Groceries. Vegetables ang fruits. May kitchen crew naman ng mga hotel 'di ba?
"Babalik na ako sa Manila next week."
He suddenly feel sad at nakita 'yun ni Lovely nang tumingin ito sa kanya.
"Iiwan mo ako?" He sounded like a boyfriend.
Napakurap si Lovely kapagkuwan ay napailing. "Bakit? Wala ka bang pamilya dito sa Pilipinas? Alam kong foreigner ka,halata sa kutis mo."
"Nasa Italy silang lahat." Sagot nya.
"Ah,kaya pala." Naghugas si Lovely ng mansanas bago nito tinalupan at hiniwa at inilapag sa harapan niya ang pinggan na may mansanas. "Kainin mo 'yan."
Agad naman siyang kumuha at kumain.
Nakita niyang napailing ang dalaga. "Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa'yo?"
Ngumiti siya. "Dahil siguro wala akong gagawing masama sa'yo."
Nagkibit ng balikat si Lovely. "Okay lang ba ang sopas sa'yo na kainin ngayong dinner? Sorry,I'm not a good cook. Minsan kasi lalo na kapag pagod ako galing sa trabaho ay instant noodles na lang ang kinakain ko."
Nainis siya sa sinabi nito. "That's not healthy."
"I know."
"Kapag magaling na ako. Ako ng magluluto para sa'yo."
Gulat na napatingin sa kanya ang dalaga.
"Wala naman akong mapupuntahan dito. Sama na lang ako sa'yo. Tagaluto mo."
Napatitig sa kanya ang dalaga. "Wala akong ipapasweldo sa'yo."
"I don't need money." Aniya. "Magbabayad lang ako ng utang na loob. You save my life."
Lovely smile. "Hindi mo kailangang bayaran ang pagtulong ko sa'yo,Andrew."
"Still—" napatigil siya sa pagsasalita nang makitang nakatitig sa kanya ang dalaga. "What?"
Umiling ang dalaga at ngumiti. "Wala. Sige kainin mo na 'yang mansanas."
And they talked na parang matagal na silang magkakilala. He's just watching Lovely,making sopas for their dinner. Nang matapos itong magluto ay naglagay ito ng sopas sa dalawang mangkok at inilapag sa harapan niya ang isa.
Wala itong imik na nagsimulang kumain. At ganun din siya. Hinipan niya muna ang sopas na nasa kutsara bago niya ito isinubo. Napatango siya. Tastes good.
Zion?
Yes,Cloud?
We're lucky,right?
Napailing siya. Shut up.
Hey,I'm just saying.
Hindi niya na pinansin ang wolf niya.
Tumingin siya kay Lovely na nakayuko habang kumakain. He can't help but to sigh. Napahawak siya sa kanyang sugat sa tiyan nang biglang kumirot ang sugat niya.
"Staring is rude,Andrew Zion." Biglang sabi ni Lovely na hindi tumitingin sa kanya.
Napangiti siya pero agad din siyang natigilan. Bakit hindi niya napapansin na panay ang ngiti niya? Hindi siya palangiting tao. Pareho sila ni Zeus. Seryoso sila pero nakasama niya lang ang mate niya. Kusa na lang siyang ngumingiti.
Ito ba ang epekto kapag nahanap mo na ang mate mo?
He shook his head. Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso dahil kanina pang mabilis ang t***k nito.
Lovely can't help but to rolled her eyes. Hindi niya maiwasang hindi mainis dahil kanina pa tumatawag si Agent Ryan. Akala ba niya nasa bakasyon ito. Napailing siya at hinayaan ang cellphone niya na nag-iingay. Tumigil ang phone niya sa pag-iingay at nang muli itong tumunog ay ang boss na niya ang tumatawag.
She get her phone and answered the call.
"Hello,Boss."
"Sabi ni Agent Ryan ay hindi mo daw sinasagot ang tawag niya." Sabi ng boss niya.
"At talagang tinawagan niya kayo. Ano ba kasing sasabihin niya?"
"I don't know,Lovely."
"Argh! Nakakainis! Kaya hindi ko sinasagot ang tawag niya ay alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Iimbitahan niya ako sa lugar kung saan siya nagbabakasyon." She tsked.
"Alam mo naman pala kung ano ang sasabihin niya nagtatanong ka pa. Why don't you give him chance?"
"A playboy will always be a playboy,Boss." Aniya.
She heard her boss sighed. "That's your opinion."
She nodded even her boss can't see it. Nang makarinig siya ng yabag. Agad niyang nilingon si Andrew na alam niyang ito ang may-ari ng yabag.
"Andrew? I told you to rest. Why are you walking?" Nagsalubong ang kilay niya.
Hindi ito nagsalita at umupo sa kaharap niyang sofa.
"Agent Love,sino ang kinakausap mo?"
Napatingin siya sa kanyang cellphone. Nakalimutan niyang kausap niya pala sa phone ang boss niya.
"Wala,Boss. Bye." She ended the call.
Tumingin siya kay Andrew. "Bakit hindi ka pa nagpapahinga?"
"E,ikaw? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Balik nito at dahan-dahang humiga sa sofa. "Dito na ako matutulog. Alam kong dito ka natutulog dahil ako ang gumamit sa kama sa isang linggo na wala akong malay." Andrew closed his eyes.
"Pero hindi pa magaling ang sugat mo sa likod." Aniya.
"I'll live."
She sighed. "Sigurado ka?"
"Yes. Go and rest."
Napailing siya at tumayo. Nagtungo siya sa kwarto at kinuha ang kumot na ginamit nito. Bumalik siya sa living room na dala ang kumot. Kinumutan niya si Andrew.
Nang makahiga siya sa kama ay agad niyang naamoy ang amoy ni Andrew na dumikit sa unan. His scent is really familiar to her.