Lumapag ang sinasakyan nilang chopper medyo malayo sa warehouse na target nila. Nandoon na rin ang mga pulis. "We'll stay here." Sabi ni Agent Mik. Maiiwan ito kasama ang pilot. "Call me if you need the chopper." Tumango sila at bumaba. Binati sila ng mga pulis. Maliwanag ang paligid dahil sa liwang ng buwan. Pero kahit naman madilim ay nakakakita pa rin siya dahil tumalas ang paningin niya. Tahimik silang nagtungo sa warehouse at walang ingay na pinalibutan ito. Si Agent Rita ang kasama niya habang si Agent Ryan ay kasama ang ilang pulis. Tiningala niya ang mataas na pader. "Kaya ba nating akyatin 'to?" Sabi ni Agent Rita na katulad niya ay nakatingin sa mataas na pader. Nagkibit siya ng balikat. "Tignan natin pero makakatulong yata sa atin ang puno na '