Lovely blinked rapidly many times. Hindi makapaniwalang nakatingin kay Andrew na nasa tabi niya. Magkayakap sila sa iisang kama. Napatingin siya sa braso ng binata na nakayakap sa kanya. Nakaunan siya sa isang braso nito at dahil magkalapit sila ni Andrew ay nalalanghap niya ang mabango nitong dibdib. She shook her head at that thought. Nagtaka siya kung ano ang ginagawa ng binata sa kwarto niya. Bumalikwas siya ng bangon dahilan para magising ang binata. "What the hell—" "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Tinignan niya ng masama ang binata at niyakap ang sarili na parang pinoprotektahan. Pinakiramdaman niya ang sarili at wala naman siyang napansing kakaiba. Andrew sighed. "Sorry but you're having nightmare last night. Narinig kitang sumigaw kaya pumas