Denmark Problemadong napahilot sa bridge ng ilong si Denmark ng tumawag si Ding sa kanya. "Boss. Si ma'am Jasmine ay mukhang susugod po sa kabit mo," ani nito na may halong pang-aasar sa kaniya. "Dammit moron! 'Wag mo akong umpisahan baka wala kang bonus sa 'kin!" angil niya rito na tinawanan lamang ng loko. Minsan nakapag sisi na itinuring niya ang dalawa ng higit pa sa kaibigan kaya minsan hindi nangingilag na alaskahin siya katulad ngayon. Sa kabilang banda naman masaya si Denmark dahil sa katauhan ng dalawang bodyguard. Nagkaroon siya ng kapatid at kaibigan. Iisang anak lang kasi si Denmark kaya sabik siya sa kapatid. "s**t, ano ba ang binabalak mo babe?" Tanong niya sa isip. Naghiwalay sila ng asawa kaninang umaga na may pakiramdam siyang, may plano itong puntahan ang tirahan ng b