"Hello," mahinang sagot ni Denmark sa pag-iingat na magising ang natutulog na asawa. Napangiti siya ng titigan ang mahimbing na tulog nito. Looks like angel, dahan-dahan niyang inalis ang yakap nito at bumangon sa kama habang hawak ang phone sa tapat ng tainga. Kung siya lang ang masusunod gusto niyang paulit-ulit itong angkinin kung hindi lang iniisip ang bukas. Masyado itong nakakabaliw kaya hindi niya tinigilan ang pag-angkin at inabot ng alas-dos ng madaling araw. Papahingahin lang niya ng kaunti at muli itong a-angkinin. Nang magtagumpay sa pagbaba ng kama tinungo ang couch at pabulong-bulong na umupo ro'n. 'Pambihira ang kaibigan niyang ito kung kailan patulog 'tsaka naman nangbulabog sa kanya,' "Hi, f-cker! Mag-u-umpisa pa lamang ako matulog tapos bigla ka na lang tatawag!" r